Naging Marupok Ako

6 0 0
                                    

Para sa isang gabing landian kinalimutan kong mahal kita
Kaya't 'di ko nakuhang tanggihan ang tuksong nag-imbita
Para sa isang gabing landian kinalimutan kong mahal kita
Nagpakahulog sa kasalanan kahit pa nga masasaktan kita

Para sa isang gabing kaligayahan binalewala ko ang tawag mo
'Di kita tinugon sayong mensahe na parang bang wala lang 'to
Para sa isang gabing kaligayahan binalewala ko ang tawag mo
Magdamag kang naghintay habang ibang babae ang katabi ko

Para sa isang gabing kasalanan kinalimutan ko kung sino ako
Inisantabi kong may mahal na ako maging ang mga pangako
Para sa isang gabing kasalanan kinalimutan ko kung sino ako
Kinalimutan ko ring meron akong ikaw na hindi basta susuko

Para sa isang gabi ng sarap pinabayaan kita na mag-alala
Tinanggal ko rin sa isip na baka sa akin ikaw ay mawala
Para sa isang gabi ng sarap pinabayaan kita na mag-alala
Naging marupok ako kaya't sa tukso ako'y hindi nakawala

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now