“Grabe ka mangsurpresa.” Nakangusong niyang sabi. 

"Huy! Ano ka ba? Bakit ka umiiyak? ” Natatawa si Makai sa kanya.

“Gaga. Na-miss lang kita ng sobra. Hearing you voice, telling me you’re here, parang biglang akong nakahinga ng maluwag.” Umiiyak pa rin niyang sabi. Patuloy pa rin sa pagtawa si Makai.

“I sense something.” Sabi nito. Napaisip siya. “Wag ka nang umiyak. Ganito na lang, papunta ako ng MOA gusto mo bang magkita tayo?” Syempre gusto niya yun pero malayo siya sa MOA. Paapunta siya sa opposite direction.

“Mapapalayo ako sa pupuntahan mo kung pupunta pa ako ng MOA eh.” Sagot niya. Bahagyang natahimik si Makai.

“Nasaan ka ba ngayon?” Tanong ni Makai. 

“Papunta akong North EDSA eh.” Sinabi niya sa pinsan kung nasaan siya. “Eh di magkita tayo sa By The Bench.” Mabilis nitong sinabi kung saan sila magkikita nito. Natahimik siya panandalian. Alam niya kung sino ang may-ari nun.

“Sige. Okay na siguro doon.” Sagot naman niya at pinaandar na ang sasakyan. “Sige. Bye na.” Sabi niya at nagpaalam na. 

Itinuon na lang niya ang atensyon sa pagmamaneho. Inabot din ng halos forty-five minutes sa pagmamaneho bago niya narating By The Bench Cafe. Ipinark niya ang sasakyan sa pinaka  ungad nito. Timing naman walang naka-park. Usually kasi puno ang lugar na ito kahit na anong oras pa ng araw, walang pili.

Inilibot niya ang pangin sa loob pagkapasok niya. Inaalam kung pamilyar bang mukha siyang makikita. Nakahinga siya ng maluwag nang wala siyang makita. Pinili niya umupo sa pinakadulo kung saan kita niya ang lahat ngunit siya ay hindi.

Tahimik siyang nakaupo nang lumapit sa kanya ang isang may kabataan na crew ng coffee shop, mukhang mas bata pa ito sa kanya.

“Ma’am, do you want anything from our menu?” Tanong nito. Tiningnan niya ang mukha nito, bata pa nga ito. “Kurbin.” Pabulong pagbasa sa name tag nito.

“Mamaya na siguro. May hinihintay kasi ako.” Sagot niya dito. Humukod naman ito.

“Babalik na lang po pala ako, Ma’am.” Sagot naman nito.

“Uhm… Kurbin?” Tawag niya dito. Para pa siyang nag-alanganin.

“I’d like to know if the owners or any of them are here today?” Naglakas-loob na siyang nagtanong. Ngumiti muna ito.

“Wala po sila, Ma’am. Minsan lang po dito pumunta sila Tita Maine at Tito Alden. Mas gusto po nilang doon sa Main St. mag-stay.” Napataas ang isang kilay ni Majz.

“Tito? Tita?” Wala sa loob niyang tanong. Hili na para mabawi niya ito.

“Yes, Ma’am. Tita ko po si Tita Maine, kapatid po niya ang Daddy ko, Nikko Mendoza.” Nagpatango-tango na lang siya at nagpasalamat. Nakangiti siya. Mukhang mabait yung bata at magalag, masipag din, hindi mukhang anak mayaman.

Binalik niya ang atensyon sa kanyang cellphone nang mag-vibrate ito. Nakita niya na may message na pumasok… galing kay Makai.

“I’m three minutes away. Sorry, got stuck in traffic? Bender-fender lang, mga shunga-ers.” Napailing siya nabasa. Kung maririnig lang siguro ng mga taong yun ang nasa isip ng pinsan, maaaring mapaaway ito. Kahit kelan talaga tactless talaga ito, walang buto ang dila. Napapailing na lang siya sa takbo ng isip niya.

Mamaya lang ay may biglang umupo sa kaharap niyang upuan. Pabagsak itong umupo kaya nakagawa ng ingay.

“Iskandalosa!” Mahina niyang singhal dito.

“Ikaw kaya ang makipaglaban sa traffic dito sa Pilipinas, di ka kaya mapagod?” Mataray nitong turan. 

“Maria Kaila, baka nakakalimutan mo, ako naiwan dito sa Pilipinas habang ikaw ay nasa ibang bansa. Just reminding you who drive the most here.” Napatulala si Makai sa seryoso niyang pagsahot dito. 

Lights! Camera! I've Fallen...Where stories live. Discover now