Confession 65: Yearning Heart

2K 51 3
                                    

Yuri’s Point Of View

 

“May araw na hoy! Labas na. Joke. Tanghali na pala. Yuri!”

Nagising ako dahil sa lakas ng katok sa pinto, makakatok ah. Mukhang si ate Kim ang kumatok kasi kulang nalang sirain na ang pinto.

Umikot na ako sa kaliwa ko at niyakap ito nang mahigpit kung anuman ang mayakap ko.

Inaantok pa ako~

“Uhmm…”

Bumitaw ako bigla nang biglang gumalaw ang katabi ko. Gumagalaw na pala unan ngayon? Ganito pala sa Pinas?

Mahigpit na yakap sa beywang ko ang nagpabuhay sa inaantok kong sarili. Ano ba ‘to?

“Wag kang magalaw.”

Sabi nito saka MAS hinigpitan pa ang yakap nito. May plano ba akong pisain? Free to talk.

Labag sa kalooban kong binuksan ang mata ko. Urgh.

10:37 AM

Haba ng tulog ko ah, ay hindi! Namin pala. May kasama pala ako. Dahan-dahan kung binawi ang braso mula sa pagkakaunan saka tumayo. Pinayakap ko na lang sa kanya ang unan na nahablot ko. Okay na ‘yan, may amoy ko naman hehe~ Tulog mantika pala ‘to.

Nagpunta na ako sa CR at ginawa na ang ritwal ko saka ginising na rin ang kasama ko.

“Sica…” Dahan-dahan ko sambit saka kunting galaw sa kanya. “Sica…”

“Hmm…”

“Sica. We’re leaving.”

“10 minutes.”

Ay. Tumawad? Okay. 10 minutes. Mabait ako eh.

Inayos ko nalang ang mga gamit ko pati at naligo na rin saka nagpalit ng damit. Lumabas na muna ako para kumuha ng breakfast namin.

“Good morning.” Bati ko sa mga taong nakaupo. “Breakfast in bed.” Sabi ko sa lalaking nakatayo malapit sa may kusina.

 Order ‘yan. Sila ng magluluto.

“Brunch kayo?” Napalingon ako at nakita si ate Carol.

Tumango naman ako sa kanya at umupo sa upuan dito. “Opo. Tinanghali kasi eh! Kumain na po kayo?”

“Uhmm! Hindi naman. Sabay na kaming lahat kumain kanina.” Nakangiti nitong sagot.

Biglang tumunog ang phone niya at binasa ang text ata.

“Sige kita na lang tayo mamaya. Puntahan ko muna si ate Camille mo. Gisingin mo na rin roommate mo malapit na tayo sa port.” Sabay alis niya.

Confessions Of Our Guilty Hearts [Mika-Ara Fanfiction]Where stories live. Discover now