Epilogue

1.9K 36 6
                                    

“Una na ako sa kotse,”

Nilingon ko naman si Carol at tumango na lang. “Okay,” Saka ako nagbigay ng tipid na ngiti. “susunod na lang ako.”

“Okay,”

Umalis na si Carol at naiwan ako ditong nakatayo sa harapan ng ngayon ay puntod nina Mika at Ara. Nakatingin lang ako sa puntod nila habang nakacross arms.

Wala na talaga sila.

Huminga ako nang malalim at inayos ang shades ko. Wala na talaga sila. Lupa na ang nakikinabang sa kanila ngayon.

Pinunasan ko ang mga mata ko na hindi matigil ang kakaiyak kanina.

“Dadalaw-dalaw lang kami sa inyo,”

Wala akong pakialam kung sabihan nila ako na baliw, pero wala akong pakialam maging baliw-baliwan sa harapan ng mga kaibigan ko. Wala naman silang pakialam eh!

Lumingon ako at ngayon ko lang nalaman na ako na lang pala isa rito. Ngumiti muna ako at tumingin sa itaas. Sana nakikita niyo ako. Sana wag kayong manakot ha? Hahaha. alam niyo naman kung gaano ko ka-‘love’ ang mga ghost diba?

Naglakad na ako paalis at nagpunta sa kotse namin. Hay. Ito na ang magiging bagong hang-out venue namin. Hindi ko akalain na ang dating snack bar nila ang hang-out namin, ngayon maging sementeryo na pala.

We’ll eventually end up here anyway.

. . . . .

Nakarating na kami sa bahay nina Mika. Yup. Dito sa villa nila. Hindi naman masyadong malaki ang bahay nila, hindi naman mala-mansyon kung tignan niyo pero mansion na siya. Ayaw kasi nila ng malaki, ang hirap raw maraming lilinisin eh. Naaawa sila sa maglilinis ng bahay nila eh!

“Lunch muna kayo mamaya na ako,” Sabi ko sa kanila.

“Sige po, ate Camille,” Ngiti ni Jessica sa akin. “Maisie~” Tawag niya habang hinahanap si Miasie.

Inantay ko muna na makarating silang lahat sa kusina. Sinamahan naman ni Jessica at Yuri si Maisie papunta sa kusina.

Ngayon, alam na niya ang pangyayaring hindi inasahan ng lahat. Naglakad na ako papunta sa isang kwarto at kaagad na sinara ang pinto. Binuksan ko ang ilaw at bumungad sa akin ang napakaraming mukha nina Mika at Ara.

Minabuti naming lahat na magkaroon ng isang parang museum nila. dito nakalagay ang lahat nang mga gamit nila. Galing sa pictures nila hanggang sa damit nila. Lahat ng mga kagamitan nilang dalawa inilagay namin dito. Kaming lahat ang naglagay dito, hindi na kami nagpatulong at kami na mismo ang gumalaw para dito.

Napaupo ako sa isang upuan sa gitna nang maramdaman ko ang panghihina ulit ng mga tuhod ko at muling pagbagsak ng mga luha ko. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim.

Ano kayang mangyayari sa amin?

Kay Maisie, nandito naman kaming lahat para sa kanya. Dito na rin namin pinatuloy sina Jessica at Yuri, so basically, parang maglalaro sila ng bahay-bahayan.

Pwede naman siyang magpunta sa amin pero mabuti na mga estudyante na rin ang mag-aalaga sa kanya. Mga responsible na naman ang dalawa. Malayo nga lang sa paaralan nila, mga 30 minutes to 1 hour ang byahe pero okay lang naman sa kanila.

Ang mga lola at lolo naman niya, busy pero from time to time, dadalaw rin naman sila. Habang nakapikit ako ay naramdaman ko ang kung anong hangin ang umihip sa akin.

Sabing walang ganyanan eh!

Bigla kong naimulat ang mga mata ko at nakita ko si Maisie na nakatingin sa akin. “Mommy Camille,” Tawag niya sa akin.

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at ngumiti sa kanya. “Bakit baby?” Saka ako lumapit sa kanya at kinarga siya. “Ba’t wala ka pa sa kusina?”

Niyakap naman niya ang leeg ko at tumingin sa akin. “Hindi pa po ako nagpapakita kay ate Jessica eh.” Ngiti niya sa akin saka nagtago sa leeg ko. Nahiya bigla.

Niyakap ko na siya. Nang tuminign siya sakin at ngumiti ako sa kanya. “Hehehe. Magpakita ka na kay ate Jessica mo baka mapagalitan siya ni Mommy Cienne. Gusto mo ba ‘yon?”

Umiling naman siya at niyakap ako ulit. “Ayaw,”

“’yon naman pala eh,” Dahan-dahan ko na siyang binaba at luhod naman ako. “Gusto mo bang mawala ang real life Barbie mo?”

Umiling naman siya habang may takoy sa mga mata niya. “Ayaw po,” Nagpunta na sya sa labas at tumayo na rin ako galing sa pagkakaluhod ko.

“Ate Jessica~” Sigaw ni Maisie habang papababa ng hagdan.

“Nandiyan ka lang pala, san ka galing?”

Hindi na ako nakinig sa pinag-uusapan nila at tumingin na lang sa kwarto. One last time. Huminga ako nang malalim saka pinatay ang ilaw.

Maybe they’re gone physically, but their memories will stay forever.

From here I can say,

“Mission accomplished.”

..for the both of them.

They might not end up alive, but they end up in each other’s arms.

| Mika Aereen Marcaliñas Reyes

  March 08, 3108

  Time of Death:       20:03 PM    |

| Victonara Salas Galang-Reyes

  March 08, 3108

  Time of Death:     20:03 PM    |

Confessions Of Our Guilty Hearts [Mika-Ara Fanfiction]Where stories live. Discover now