Confession 6

9.5K 77 3
                                    

Confession 6: They said that beginnings are the boring part but for me, how can it be boring when I can see my world standing right in front of me?



Mika's POV

Heto na naman si Cienne. Kahapon kay Camille kumakapit ngayon sa akin na naman. Malakas talaga ang tama ng kape sa kanya. Naglalakad kami papunta sa Guidance Office para sa result at kasama namin sila Ara at Kim. Hehehe! Close na kaagad no? Wala eh. Friendly lang talaga kami--at cute.

"Bitawan mo na nga ako Cienne." Pilit ko namang inaalis ang mga kamay ni Cienne na mahigpit nakakapit sa akin. Lumuwag pa ang t-shirt ko mahirap na.

"Bitawan mo na sya Cienne. Sa akin ka na lang kumapit." kindat ni Kim. Kinuha nya ang kamay ni Cienne at inilipat sa kanya. Kakikilala lang eh!

"Oy~ Kim, iba na 'yan. Parang bang may kasamang...pahgmahmahhal," Pang-aasar ni Camille. Kumapit nang mahigpit si Cienne sa kanya. Nakikisabay rin 'to ah! Hala sige, ganyanan tayo?

"Ilang tasang kape ba ininum mo at parang may nililindol ang mundo kung kumapit ka?" Tanong ni Kim kay Cienne na ginawaran naman ng matalim na tingin. Nag-peace sign kaagad si Kim. Takot naman pala kay Cienne. Kahit ganyan 'yan may ibubuga pa rin naman.

Sinamaan siya ng tingin ni Cienne, "Hindi na nga ako uminom na kape eh!" Maktol ni Cienne.

Akmang aalisin ni Cienne ang pagkakapit niya kay Kim, "Joke lang. 'to naman masyadong seryoso." Inakbayan naman sya ni Kim. Wala namang angal si Cienne. Fini-Feel niya.

Puno ng asaran at bangay ang lakad namin sa Guidance Office kaya kami maingay. Buti na lang at walang nagrereklamo. Nang makarating kami ay maraming ng taong nakaabang sa bulletin para sa resulta.

Napatingin ako sa kumalapit sa T-Shirt ko, "Mika! Ikaw na lang tumingin doon para mapagsilbihan naman 'yan height mo." Nakangising sabi ni Ara sakay tulak.

Sinamaan ko siya ng tingin ng makatayo na ako nang maayos kaya napa-Peace sign siya. Hinarap ko siya at hindi ko mapigilang mapangiti. In love na ata ako eh! Oh my..heart, "Ayoko ko nga. Ano ako dito? Alalay nyo?" sabay pamewang.

Tumaas ang kilay ni Camile, "Hindi kami, alalay ka ni Ara. Bodyguard ka remember?" Oh no! Biglang napatakip sa kanyang bibig si Camille dahil sa kanyang sinabi. Gosh! Nadulas o muntik nang madulas? Basta! Madulas.

Nakataas ang kilay ni Ara nang humarap sa akin, "Bodyguard?" nalilito niyang tanong.

Tinignan ko naman si Camille na halatang shock sa sinabi nya. Reregaluhan kita ng packing tape Camille!

"Sa ganda at tindig ni Mika? Bodyguard?" tawa ni Cienne. Buti na lang parang hero 'to, to the rescue. "Hindi patok beauty mo rito, Mika, balik ka na lang US." Nakangising dagdag ni Cienne. Humanda kayong dalawa pag-uwi sa bahay mamaya.

"Hahaha! Nice one Cienne." Nakangsing salaysay ni Ara. Mukhang magiging magiging partner in crime 'to. "Tara! Samahan na nga kita. Nababakla ka lang eh," Ako? Nababakla? Pikunan ba 'to?

"Suntukan na lang tayo?" Alok ko sa kanya. Pinakita ko ang aking kamao at tinignan lang nya ako na nakataas ang kilay.

"Seryoso ka? Baka pagsisihan mo lang." She smirked.

Binaba ko kaagad ang kamay ko at nagkamot na lang sa batok. Napahila na lang ako sa kanya at nalunog sa mala-karagatang tao. Matapos naming tignan ang resulta ay matamlay kaming bumalik sa kanila, bakas naman sa kanilang mga mukha ang pag-aalala.

"Tara! Uwi na tayo. Sayang lang ang oras nati dito, hindi naman pala tayo nakapasok." Tumayo naman si Kim at binitbit ang bag nya. Sumunod naman si Cienne at Camille sa kanya.

Confessions Of Our Guilty Hearts [Mika-Ara Fanfiction]Where stories live. Discover now