Confession 41: Ring Ding Dong

6.1K 63 6
                                    

- MICH -

 

“Gumabao, Michele. Time check.” Grabe ‘to si ate Abi ah! Full name na ang tinawag sa akin. Oras lang naman. Napatingin na lang ako sa wall clock. May wall clock naman, hindi na lang tumingin. Hahaha! Reklamador na ako.

“6:29 Ma’am.” Sagot ko sa kanya. “Nakita ko na ang pinapahanap mong DVD’s.”

“Good. Magaling. Magaling.” Tugon nito. Binagsak ko na ang katawan ko sa couch ang katawan ko. Nakakapagod ah! Galing lang kami sa game pero parang another round na naman ang ginawa namin. Pero magiging worth it naman ang preparation ng lahat.

“Ate Michelllllllleeeee!!! Bakit parang binumbahan ang kwarto nyo? Kalat lang kasi…” Palingo-lingo si Justine habang pababa sa hagdanan. Ang cute. Sandali! Kalat sa kwarto?

“JUUUUSSSTTTIIINNNEEE!!!” Sigaw ko sa kanya. Napatigil silang lahat at napatingin sa akin. Galit ako. Oo galit ako. Napa-upo naman si Justine sa may hagdan at parang nakakita ng multo. *Couch* Magandang *Couch* Multo Eherm! “Ba’t ka naman napadpad sa kwarto namin? Trespassing ang ginagawa mo.”

“Hi..hi..hindi kasi ate. Nakarinig ako ng mga naglalaglagang mga gamit kaya tumingin ako. Sorry kasi tumingin ako sa kwarto nyo.” Paghingi nito ng tawad. Tumango lang ako. Ang cute lang kasi nya pag natatakot kasi eh.

“Apology accepted. Takot ko lang kay Carol.” Tinulungan ko na lang syang tumayo at umupo na kaming dalawa sa couch at sumandal dito. Nakakapagod kaya magtaray. Mabuti na lang at may lahitng mabait pa ako hahaha! “Speaking of Carol. Ba’t parang ang close nyo bigla? If you don’t mind the topic.”

“Oo nga, Shobe. Hindi ka na namamansin. Jk. Pero seriously, bakit agad-agad? Hindi naman sa weird pero bakit?” Tanong naman ni ate Wensh. Hahaha! Hindi naman sa curious lang ako, may care lang din kasi ako. Hahaha! Parang ganon na nga.

“Hahaha! I don’t mind the topic at all. Maski ako nagulat lang din ata? Noon parang himala kung mag-uusap kami, at himala kung magrereply sya. Ngayon, parang every minute kaming nag-uusap, nagtatabi at tinext nya ako last night. Ang weird lang kasi. Pero baka may problema..” Paliwanag ni Justine. Ah!

“Hala! Ginawa kang rebound shobe..” Pinalo naman nya ng mahina sa braso si ate Wensh. “Joke lang kasi. Ikaw? Rebound? I doubt..”

“Ang sama mo sa akin ate ah. Back to the tapic, hindi ko rin kasi alam kung bakit kami nagiging close. May sinabi sya sa akin pero sabi nya dapat amin-amin lang raw.” Paliwanag nya.

“We respect the secret. Ang weird lang kasi. Parang biglaan. Umalis na rin sya sa dorm na ‘to. Simula nong dumating tayo mula sa Subic, umalis sya.” Paliwanag ni ate Abi. Mali ba ako? Sa topic na pinili kong buksan? Kasi naging serious ang lahat eh!

“Alam ko ‘yon ate. ‘yon din ang araw na naging close kami, ang weird kasi nagtabi kami sa bus at hindi sila nagtabi ni ate Camille. Sabi nya may ipaparinig raw syang maraming kantang bago pero isang kanta lang. Player nya lang ang ginamit namin para raw hindi ako magsawa sa player ko.” Dagdag ni Justine at niyakap ang tuhod nito. Camille? Pansin ko rin.

Confessions Of Our Guilty Hearts [Mika-Ara Fanfiction]Where stories live. Discover now