Confession 17 (Part 2): Sorry, Sorry

7.7K 54 5
                                    

--------------

    ARA

--------------

Nakarating na ako sa dorm pero walang pagkain. Nakakalungkot naman. Nandito sina Ate Mich, Abi at Kim. Ewan ko kung saan ang iba. Si Mika kaya? Nagalit si Mika sa akin kanina kasalanan ko naman eh! Hindi muna ako kumain dahil bagong dating pa sila ate Abi at hindi pa nakaluto, wala naman akong alam lutuin kaya hindi nyo ako maaasahan sa bagay na 'yan.

Pumunta na lang ako sa kwarto para magpalit ng damit at magpahinga na rin. Tumawag ako kay Thomas pero hindi naman sya sumasagot.

Last na 'to paghindi pa nakasagot, mamaya ko na lang tatawagan. 

"Hello?" Buti naman at sinagot na nya.

Ara: "Bakit ang tagal mo naman bago sagutin?"

"'to naman. Nagtatampo lang? Busy kasi! Napatawag ka pala?"

Ara: "Wala. Sasabihin ko lang na dito na ko sa dorm kakain, mukhang busy ka nga eh!"

'Okay. Buti na lang at hindi mo na ako hinintay baka matagalan pa ako eh!"

Ara: "Bakit parang may nagpupukan na baril dyan? World War ba dyan?"

''Ah! Eh! H-hindi naman. V-videogames?"

Ara: "Tanda mo na naglalaro ka pa nyan?"

'Hayaan na. Walang basagan ng trip.'

"Boss! Anong gagawin natin dito?" Tanong ng isang tao mula sa kabilang linya. Ang weird naman nito parang may pinapatay lang? Baka naman kriminal na 'to. Hala!

'Sige Ara, mamaya na kita tatawagan. Bye.'

Ara: "Bye rin." 

Binaba na nya ang telepono. Agn weird naman ni Thomas ngayon. Parang true to life ang mga eksena. Nilagay ko ang cellphoe ko sa side table at nakita ko ang isang papel na ewan ko parang letter? Pero hindi ko na lang binasa. Baka kay Mika baka ano pang magawa sa akin. Makatulog na nga.

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +  

"Boss? Anong gagawin natin dito?" Tanong ng isang tauhan. Binaba muna ni Thomas ang cellphone nya at humarap sa tauhan nya. 

"Tapusin na 'yan." Utos nya. Hinawakan nya ang door knob ng biglang 

Natumba sya at tumilapon dahil sa lakas ng pagkakabangga sa kanya ng pinto. Tinulungan syang itayo ng mga tauhan nya. "Shit!" Galit na sambit nito. Pinagbabaril namin nila Jessey, Cienne at Camille ang nasa loob except kina Mika at Krystal. Napapapikit si Mika at Krystal dahil sa ingay na rin. Habang busy sila sa pakikipagpalitan ng putok, hindi nila namalayan na papalabas na pala si Thomas.

"Hoy!" Sigaw ni Camille. Hindi huminto si Thomas kaya nabaril ni Camille ito sa kaliwang hita. Hinila naman ni Cienne si Camille at hindi napansin si Thomas na papaalis. Hindi rin nila alam na si Thomas ito dahil nakatakip ang mukha tanging si Mika lang ang may alam na si Thomas ito. 

Nilapitan naman nila si Mika at inalalayang tumayo ganon rin si Krystal. Habang papalabas ay nawalan ng malay si Mika kaya kailangan nila itong buhatin. May napansin si Cienne na naiwan pero hindi nya ito binigyan ng pansin at tinulungan parin silang makaalis. Nakarating sila sa Van at pinaupo si Mika dito.

"Asan si Jeron?" Tanong ni Krystal. Napatingin sila sa kaliwa't kanan nila pero hindi nila ito mahagilap. "Asan na ba 'yon? Kung kailan kailangan doon pa nawawala!" Naaasar na sambit ni Krystal.

"Looking for me?" Napatingin sila sa nagsasalita at tinginan ng masama. 

"Saan ka nanggaling?" Tanong ni Camille. Hinihingal kasi si Jeron at may dugo pa sa kaliwang parte ng shirt nito. Sasagot na sa na siya pero pinigilan niya ito. 

Confessions Of Our Guilty Hearts [Mika-Ara Fanfiction]Where stories live. Discover now