Confession 46: Tonight is the Night

5.6K 52 6
                                    

- ARA -

“Pupunta pa ba tayo sa bahay nyo? Nandito na ang mga damit natin eh!” Napatingin ako sa pinto at nakita ang ilang box ng damit na dala ni Mika. Sinara narin nya ang pinto at tumayo na lang ako sa sa kinauupuan ko.

“Sinisiguro talaga ni kuya na dadalo tayo ah!” Kinuha ko ang isang box ng damit sa kamay ni Mika na nakapangalan sa akin. “Sana naman hindi ‘to nakakasuka.”

Tinawanan lang ako ni Mika at binuksan na rin nya ang nox na nakapangalan sa kanya. Sabay namin binuksan ni Mika ang box. Charan!!! Bakit ito ang sa akin? Ano bang problema nila? Huhuhu! Inilapag ko na lang ito at nagpakawala ng isang buntong hininga. Bakit ba? Huhuhu!

“Bakit hindi mapinta mukha mo?” Niyakap nya ako mula sa likuran at nilagay sa kanang balikat ko ang baba nya. “Maganda ka. Wag kang mag-alala.” Hinalikan na nya ako sa pisngi at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit ba kasi black and while cocktail dress ang binigay ni Kuya.

“Patingin nga sayo.” Tumabi ako sa kanya at tinignan ang damit nya. Bakit? Palit na lang tayo. “Palit tayo oh!!!”

“Hahaha! No. No. No. I want to see you again in a dress or a cocktail dress.” Ikinawit nya ang mga kamay ko sa batok nya at tinignan ako sa mata. Huhuhu! Palit tayooooo.

“Eh! Ikaw na lang. Hindi pa kita nakikita sa cocktail dress eh!! Ako na naman dyan.” Pagdadahilan ko. Kasi naman hindi ko pa nga siya nakita. Ako nakita na nya. Unfair naman ata.

“Nope. Not a chance.” Hinalikan na naman nya ako sa pisngi at inalis na ang mga kamay nya sa may beywang ko. “Magbihis na tayo para hindi na tayo malate.”

“Okay. Dito ka na lang magbihis tapos ako na doon kina Camille. Magpapatulog na—“

“Guys pahi—Wow!!! Saan kayo pupunta? Date?” Napalingon kaming dalawa ni Mika sa nagsasalita at nakita si ate Mich na hawak ang door knob at gulat sa nakita nito.

“Not exactly a date pero may date kami together with Ara’s Family.” Sagot ni Mika at kinuha ang damit nya.

"Date with the Family? Mamamanhikan?" Pang-aasar na tanong ni ate Mich.

Tumingin si Mika sa akin at binigyan ako ng mapang-asar na ngitin. "Pwede rin. Para hindi na agawain ng iba."

“Waaahhh! Halika na, Ara. Dali!! Kami na mag-aayos sayo.” Hinila na ni ate Mich ang kamay ko at lumabas na ako sa kwarto. Kinuha na rin nya ang box ng damit at nagpunta na rin kami sa kwarto nya. “Magpapogi ka, Mika. Pantayan mo si Ara.” Pahabol na sigaw ni ate Mich. Hahaha!

“Oh! Anong hangin ang nagdala sayo dito, ‘nak? Ba’t may hawak kang box Mich? Magsusunog ka dito?” Sunod-sunod na tanong ni ate Abi at umayos ng upo sa kama nito. Naka-Indian sit lang sya sa kamay nya habang may libro sa kamay. Ang sipag talaga ng MotherF ko.

“OA ka Abi ah! May dinner date kasi sila together with the Galang Family. So kailangan nating syang ayusan. And kailang na pagnakita sya ni Mika. Boom! Nganga!!” Napatawa na lang kami sa sinabi ni ate Mich.

“Okay. Let’s do this…”

- CIENNE -

“So, dinner muna tayo? Nakakagutom din mag lakad.” Tumigil si Lhian sa harapan namin at hinarang ang mga kamay nya para mapatigil kami sa paglalakad. Ano na naman? Pwede na bang umalis? I mean, kung hindi lang sya kanina pa nagyaya eh umalis na ako. Nakakahiya naman kasi tanggaihan eh!

Confessions Of Our Guilty Hearts [Mika-Ara Fanfiction]Where stories live. Discover now