Confession 56: Love Never Fails

4.2K 74 8
                                    

#Kim'sPOV

“Miks? Ba..baki—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong niyakap. Niyakap ng mahigpit. “Akala ko ba magpapaiwan ka?” Hinagod ko na ang likuran niya baka naman kumalma siya sa kakaiyak niya. “Tahan na…”

Umupo na kami sa upuan namin habang nakayakap pa rin siya sa akin at iyak ng iyak. “Ate Kim…” Iyak nito at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Papatayin ba niya ako sa higpit ng pagkakayakap niya?

“Shhh… Sandali saan ba ang seat mo?” Tanong ko sa kanya. Baka naman kasi masungit ang katabi ko diba?

Napatingin siya sa akin at pinunasan ang luha niya. “28A po.” Niyakap niya ulit ako.

Ayos! Magkatabi lang kami.

“Shhh!” Hinagod ko na ang likuran niya ulit. “Bakit tumuloy ka pa? Mahal mo siya di ba?”

Humarap siya sa akin kaya kita ko ang lungkot bigla sa mga mata niya. Ang hindi matigil-tigil na luhang pumapatak galing sa mga mata niya. Sumandal siya sa upuan niya at niyakap ako patagilid. “Mahal na mahal ko po siya pero bakit naman po ako magpapaiwan di ba? Ano naman po ang babalikan ko sa kanya? Siya na mismo ang nagsabing umalis ako kasi ito ang tama. Hindi po niya ako mahal.”

Huminga ako ng malalim. Ang mga tao talaga ngayon eh! Ang nega. Isa na rin ‘to. Hinagod ko na lang ulit ang likuran niya. “Shhh… Tahan na. Kung nandito si Ara ngayon malamang binatukan na tayo ngayon. Tahan na. Ayaw ni Ara na umiiyak ka.”

Tumingin naman siya sa akin habang kinukusot ang mga mata nito. “Ano bang pakialam niya ate? Wala na nga siyang pakialam sa akin eh!” Sabay tingin nito sa bintana.

Nagtap na lang ako sa balikat niya at tumingin ng diretso sa harapan ko. “Handa ka bang iwanan siya? Handa ka na bang kalimutan ang meron kayo? Handa ka na bang pakawalan siya?” Sabay tingin ko kay Mika.

Tumitig siya sa akin at naluluha na naman. Hay! Mika. Lumingo ito sabay punas sa mga mata nito. “Ayaw. Hindi. Hindi pa. Hindi ako magiging handa sa mga bagay na ‘yan kasi sisiguraduhin ko na sa pagbalik ko, kukunin ko siya pabalik. Kahit ano pang mangyari ay kukunin ko ang taong mahal ko.”

Ngumiti na lang ako sa kanya at hinagod ang likuran nito. “Good…” I mouthed. She took a blanket and covered herself with it. Matutulog na siguro ‘to. “Pahinga ka na muna.” Tumango na lang siya at sinara na ang mga mata niya.

Tumingin ako sa kanya. Kakayanin mo ang lahat, Mika. Maghirap ka para pagbalik mo dito sa Pinas ay makukuha mo na ang taong mahal mo. Maging matatag ka lang at kumapit ka. Bilog ang mundo Mika. Maaring ngayon ay nasa ibaba ka pero darating ang panahon na makakarating sa sa itaas. Napangiti na lang ako. Matatag siyang tao. Kaya niya ‘to basta para kay Ara. Kakayanin niya ‘to.  

“Ikaw? Handa ka na ba?” Napatingin ako kay ate Lhian na nagbabasa lang ng magazine niya. “Sabihin mo nga…” Binaba niya ang hawak niyang magazine at tinupi ito. “Handa ka na ba?”

Huminga ako ng malalim at dahan-dahan itong pinakawalan. “Matagal na, Ate. Matagal na.” Nakangiti kong sambit.

“Handa ka na bang iwan siya? Handa ka na bang kalimutan siya?”Tumingin ulit ako sa kanya na hindi man lang nakatingin sa akin.

Hindi ko na alam kung ano ang isasasagot ko sa kanya. Ano nga ba? “Kaya ko, ate. Kakayanin ko.” Binalik ko na lang ang tingin kay Mika na mukhang nakatulog na ata.

Confessions Of Our Guilty Hearts [Mika-Ara Fanfiction]Where stories live. Discover now