Confession 49: You LOVE me Anyway

5.1K 71 9
                                    

- MIKA - 

Minulat ko ang mga mata ko at kinapa ang tabi ko. Maaga ata nagising si Ara ah! Nagtalukbong muna ako ng kumot kasi ang lamig pa. Hindi pa niya pinatay ang aircon? Hindi naman talaga niya pinapatay. Minulat ko ulit ang mata ko. Bakit iba ang kwarto ko? Nasaan ang mga gamit namin? Bakit ano ba ‘to? Nasaan ba kami?

Bigla nalang tumulo ang luha ko ng naalala ko ang nangyari kagabi. Napahawak na rin ako sa pisngi ko at hanggang ngayon ramdam ko pa ang sakit ng sampal niya. Ang sakit parin ng mata ko kasi kakaiyak kagabi. Hanggang ngayon kasi ang sakit parin ng nangyari. Ang sakit isipin at ang hirap tanggapin na wala na kami. Wala na kami ng taong pinakamamahal ko.

“Good morning? Tinanghali yata kayo ng gising ah! Wala kayong pasok ngayon?” Namulat ang mga mata ko at tinanggal ang mga kamay ko sa mukha ko.

“Ano bang araw ngayon?” Tanong ni Camille habang nakapikit at yakap pa ang unan nito.

“Thursday? Nakalimutan niyo na?” Takang tanong ni ate Krystal at pumunta sa table sabay lapag ng mga pagkain.

“Ah! 1:00 PM pa sched ko.” Sagot ni Cienne habang nakatingin lang ng diretso sa laptop. Thesis yata nila ate Kim.

“Magka-klase kami so yeah! Copy paste.” Sabi naman ni Camille at inayos narin ang higaan niya.

“Ikaw?” Turo ni ate Krystal sa akin.

“Hindi ako papasok ngayon. Ang sakit ng ulo ko, sakit ng katawan ko at ang sakit ng puso ko.” Sabay upo ko sa upuan at ngumiti ng pilit sa kanila.

“Mabait ka ring estudyante eh ‘no?” Nilapag naman ni ate Krystal ang mga styro sabay upo ko sa upuan ng katabi niya. “Kain muna kayo. Magtatanghali na rin.”

Umupo na ang kambal sa dalawang upuan na kaharap ko. Nagsimula na naming lantakan ang pagkain na dala ni ate Krystal. Tumingin ako sa wrist watch ko at 11:30 na pala. Tanghali na talaga. Tahimik lang kaming kumakain na parang nilalasap ang bawat subo ng pagkain namin. 

“PAPASOK KAMI!” Napatingin kaming apat sa pinto at iniluwa nito sina Jessey at si Ria.

“INGAY!” Sigaw ni Cienne at agad naman siyang binatukan ni Jessey ng makatapit na ito sa amin.

“OA mo. Ay! Ito pala Miks.” Inilapag ni Ria ang isang magazine sa harapan ko. “Nakita ko sa labas kaya binili ko na. Baka kailanganin mo lang kasi.” Ngumiti siya at umupo sa bakanteng upuan.

Napatingin ako sa cove ng magazine at nakita si Ara dito. Si Ara at si Thomas. Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ko tinignan ang bawat pahina ng magazine. Nakatingin lang din ang lahat sa akin at ngumiti ito.

Tinignan ko ang date. Ito ang date na iniwan niya ako. Ito ang date na natapos ang dare namin. Ito ang date na nasabi ko na mahal  ko siya. Ito rin ang araw na binigay ang huling assignment ko. Ito ang mga panahon…

“Mahal pa niya ako sa mga panahong ito.” Sambi ko at binaba ang magazine.

“Hindi naman nawala ang pagmamahal niya sayo. Nasaktan lang talaga siya ng sobra.” Paliwanag ni ate Krystal sa akin. Kinuha ng kambal ang magazine at sila naman ang tumingin dito.

“Ang ganda talaga ni Ara. Kaya pala maraming naghahabol.” Palingo-lingong sambit ni Cienne.

“Basahin mo mga sagot niya.” Pautos na sabi ni Camille at tumingin na nga sila ng mga tanong. “Ito. Maganda ‘to. Para sa mga in love.” Tinignan lang ng masama ni Cienne si Camille na nakangiti ng mapang-asar.

Confessions Of Our Guilty Hearts [Mika-Ara Fanfiction]Where stories live. Discover now