Chapter 41:Black Mcvon

7.4K 369 7
                                    

Chyrrie's P.O.V

Pabalik na sana ako sa booth namin ng may mahagip ang mga mata ko,parang tao pero puro itim...

hindi kaya ......

Shadow yun ni Iazy?

Agad akong tumakbo sa kinaroroonan ng shadow pero nang makalapit ako hindi ko na iyon naabutan,"Sigurado akong nakita ko yun eh"amok ko at napa tadyak ng aking mga paa.

"Haysss sure ako eh!!!nakita ko talaga yun!!!"inis kong sigaw at ginulo ang aking buhok,Iazy gusto na kitang makita huhu miss na miss na kita....

"Pwede ba wag kang maingay dyan!" Agad akong napa lingon sa lalakeng nagsalita at laking gulat ko nang makita ang kabuuan nito,itim ang buhok itim ang damit at ganon din ang pantalon at rubber shoes nito.

Ilang beses akong napa kurap-kurap so hindi shadow ang nakita ko?pero sure ako eh..."k-kanina ka pa d-dito?" Nauutal kong tanong,kapansin-pansin rin ang hawak nitong gintong papel.

Teka,diba kay nea iyan?nakita ko yan noon teka kailan ba yun?matagal-tagal na rin eh...ah nung araw na nawala rin si Iazy.

"Ahm...saan mo yan nakuha?"tanong ko ulit sa lalake na nakatingin lang sa'kin.

"None of your business"sagot nito,aba ang bastos rin eh no!

Inirapan ko ito bago mag walkout tutal wala naman akong mailalaban eh totoo naman ang sinabi ng lalakeng yun,it's none of my business,kaya dapat hindi ko na sya pakealaman Tse!

Pero na gulat ako ng may maliit na bagay na tumama sa ulo ko,kunot noo akong lumingon at doon ko nakita ang lalakeng iyon na naka smirk at may hawak itong maliit na bato,aba!!!binato nya ako ng bato sa ulo!!!!

"Hoy ano bang problema mo?!"inis kong tanong habang naka hawak sa likod ng ulo ko kung saan tumama ang bato.

"i-tour mo ako dito sa academy" deretso nitong sabi na nagpataas ng kilay ko,wow lang huh!sya na nga itong nagsabi na 'it's none of my business' kanina tapos ngayon sasabihin nyang i-tour ko sya sa academy?

"Well it's none of my business,tour yourself around bye"naka ngisi kong sabi saka tumalikod na at magsisimula g humakbang pero binato na naman ako nito kaya inis na inis akong lumingon,"MASAKIT YUN HA!"inis na inis kong sigaw sa lalake.

Napa tulala nalang ako ng tumawa ito,sayang gwapo sana bwisit naman....Tse!masakit talaga ang pagkakabato nya eh...bahala sya dyan.

"Hoy...babae sorry na"sabi nito habang tawang-tawa parin,nasa tabi ko na ito at tumatawa parin sya sa ginawa nya huhu pag ako nagkabukol magsusumbong talaga ako kay Iazy pag naka balik na sya para kunin nya ang kaluluwa ng lalakeng to huhu masakit talaga.

"Wag ka ngang tumawa masakit kaya!"inis kong sabi at mabilis na naglakad pero sumabay parin ito sa'kin at tumigil na rin ito sa pagtawa.

"Hey!galit ka ba?"tanong nito sa'kin,tsk anong satingin nya?"uyy sorry na babae"pagso-sorry pa nito at mukhang sincere naman.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap dito,"apology accepted,pero may pangalan ako kaya wag mo akong tatawaging babae okay!"sabi ko at naglakad na naman ulit,sadyang mabilis ang lalakeng to dahil nasa harap ko na ito at hinarangan ang daraanan ko.

"Okay,so what's your name then?"tanong nito habang naka pamulsa ito.

"Chyrrie,Princess chyrrie Swiffzy From AEF Kingdom"pakilala ko rito at inilahad ang kamay ko para makipag shake hands,"pasensya na at ang haba kasi ng pangalan ng kingdom namin"pahabol ko.

"Its okay,I'm Prince Black Mcvon"pakilala nito sa'kin at tinanggap ang kamay ko pero hindi para makipag shake hands,hinalikan nito ang likod ng kamay ko na ikina init ng pisngi ko.

Agad kong binawi ang kamay ko dahil nahihiya ako eh..."So prinsepe ka pala?"tanong ko instead,tumango ito at ibinulsa ulit ang dalawang kamay nito."saang kaharian?"tanong ko ulit.

"You'll find out soon"naka ngiti nitong sabi,"So can you show me around?"tanong nito,tinignan ko muna ang wristwatch ko,maaga pa naman kaya tumango ako at ngumiti.

***

Ilang oras din kaming nag-ikot-ikot sa loob ng academy hanggang sa kailangan ko ng bumalik sa booth namin,"uhm...black kailangan ko ng bumalik sa booth namin,opening na kasi namin ngayon"ani ko.

"Ihahatid na kita"naka ngiti nitong alok na hindi ko na tinanggihan pa masaya naman kasing kasama ang isang to eh,tawa lang kami nang tawa habang tinu-tour ko sya dito sa loob ng academy,akala ko nga nung una masama ang ugali nya pero hindi pala ang bait-bait nya eh....

Nasa café booth na namin kami ngayon at gusto ko sana sya ayain sa loob pero nahihiya ako,but it's worth a try.

"Uhm..pasok ka muna,treat kita ng hot choco at cupcakes namin gusto mo?"naka ngiti kong tanong kay black,ngumiti naman ito pabalik sa'kin.

"Basta sabayan mo ako payag ako"sabi pa nito lumapad naman ang ngiti ko dahil sa sinabi nya,kaya hinila ko na sya papasok at sakto lang dahil kakabukas palang talaga ng café booth namin.

"Black dito ka umupo kukunin ko lang ang menu namin"paalam ko at mabilis na lumapit sa counter at kumuha ng menu at bumalik sa kinauupuan ni black at tumabi ng upo sa kanya sabay abot ng menu.

"Oh...bakit isa lang to hindi ka ba o-order?"tanong nya napa ngiti naman ako ng malapad,slow din ang isang to eh no?

"Syempre o-order din ako at hindi ko na kailangan ng menu kasi alam ko naman ang mga binebenta dito eh... remember booth namin to"natatawa kong sabi napa kamot nalang sya ng batok at nahihiyang ngumiti,kyahhh ang cute nya talaga!!!!

Nagulat naman ako nang biglang may humila ng upuan ko kaya nagkalayo kami ng upuan ni black"Oyy andito ka lang pala!tumulong ka nga kita mo ang daming costumers oh...tayo na dyan ASAP!!" Ma-awtoridad na utos ni Raffy.

Ekkk...problema na naman nito?ang dami naman namin dito huh?kung tutuusin kaya na nila yan.

😍
👇🏻
🌟

The Shadow Lady (Paradise Academy)Where stories live. Discover now