Chapter 33:Pol&Iazy

7.4K 376 28
                                    

Third Person

Pagmulat ng Prinsepe Polaris ng kanyang mga mata ay bigla nalang syang nakaramdam ng pananakit ng kanyang batok at dahil sa sakit ay napa upo ito at napa daing. "ARGGGGGGG!!!"the prince screamed in pain.

Agad namang bumaba sina chyrrie dahil sa kanilang narinig at sa kanilang pagbaba ay nakita nila ang naka luhod nasi Polaris.

Agad syang nilapitan nina chyrrie at fellisy habang pilit itong kinakausap ngunit hindi makapagsalita ang prinsepe dahil sa sakit na nararamdaman nito.

"Dalhin nalang natin sya kay Iazy" seryosong ani ni maxx at kinalabit si Raffy upang pagtulungan nilang alalayan si Polaris patungo sa silid ni Helliazy kung saan nagpaiwan si cyrus upang magbantay.

Handang-handa na silang maglakad ngunit agad silang pinigilan ni Fellisy at hinawakan nito ang braso ni Maxx at sa kanilang pagkurap ay nasa silid na sila ni Helliazy,habang naroon naman si cyrus na nag-aalala paring nakatingin sa dalaga.

"P*tcha bat di ko naisip yun"bulong ni maxx sa sarili nito.

"ARGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!" Malakas na daing ng prinsepe habang hawak ang batok nito.

"what's happening?!"napa tayo naman sa gulat si cyrus dahil sa biglang pagsigaw ni polaris.

"I-iupo nyo sya dito s-sa tabi ni Iazy" natatarantang utos ni Chyrrie at kinuha ang upuan saka itinabi ito sa higaan ni Helliazy.

Bago pa man mapa upo si Polaris sa upuan biglang lumitaw ang matandang si Apo Rana na ikina gulat nilang lahat maliban kay polaris na hinang-hina.

"Magsilabas na kayo"malamig na utos ng matanda ngunit hindi parin sila lumabas.

"Bakit po kayo bumalik lola?"tanong ni Raffy ngunit hindi sya sinagot ng matanda.

"Labas!"mariin nitong utos,hindi nila alam ngunit bigla silang natakot kaya marahan nilang inupo si polaris at agad na lumabas maliban kay cyrus na blangkong nakatingin sa matanda.

"Anong gagawin mo?"tanong ni cyrus habang nakatingin parin sa matandang babae,agad naman syang nilingon nito.

"Wag kang mag-alala,pagkatapos nito magiging maayos na sila"naka ngiting sagot ng matanda habang nakatingin parin ito kay cyrus na mukhang hindi parin kumbinsido."ligtas na magigising ang binibining iyong napupusuan kaya wag kang mag-alala pa kamahalan"dagdag pa nito habang naka ngiti parin,napa titig naman si cyrus sa matandang babae bago bumuntong hininga.

"Paki usap wag mo syang papahirapan o sasaktan"bilin ni cyrus at nilingon ang walang malay na dalaga bago ito ngumiti at naglakad palabas.

Napa ngiti nalang ang matanda dahil sa kanyang nakita,"nararamdaman kong mahal ka ng binatang iyon kamahalan kaya sana'y mabuksan na ang kandado dyan sa iyong puso"anang matanda.

Napa tingin naman ang matanda kay polaris na ngayon ay wala naring malay,dahil sa malaki ang kama ng dalaga ginamitan nya ng kapangyarihan ang prinsepe upang maipagtabi ang dalawa,natuwa nalang bigla ang matanda dahil sa kitang-kita ang pagkakahawig ng dalawa.

"Halatang maayos na lumaki ang mga kamahalan ngunit nakakalungkot isipin na ang isa sa inyo ay bihira nalang kung tumibok ang puso"napa buntong hininga nalang ang matanda at nagsimula na itong magdasal ng kung ano-ano habang ang magkakambal ay maayos na nakahiga sa kama habang umiilaw ang mga balat nito sa batok.

Sa may sala naman ay hindi sila mapakali sa kung ano ang maaaring mangyari sa dalawa, gulong-gulo parin sila at hindi nila alam ang nangyayari ngayon sa loob ng silid.

"Ano na kayang ginagawa ni lola kina Iazy at pol?"nag-aalalang tanong ni Chyrrie habang palakad-lakad.

"Wag kang mag-alala chy sigurado akong magiging maayos sila"ani ni raffy at niyakap si chyrrie na nagpakalma naman sa dalaga.

Habang si fellisy at maxx naman ay na puno ng katanungan sa kanilang isip dahil sa mga pinagsasabi ng matandang babae kanina.

"Bakit parang kilala ni apo rana si Iazy?sa pagkakaalam ko si nea at tayo-tayo lang ang kilala ni Iazy maliban sa mga nakaka salamuha nya dito sa loob ng Academy"mahabang ani ni fellisy habang naka kunot ang noo nito at seryosong-seryoso ang boses nito.

"Nahalata ko rin kanina yan,nung sabihin ni lola na magkamukhang magkamukha si Iazy at ng kanyang ina"ani ni maxx at bahagya itong napa kagat labi dahil sa mga nakakalitong pangyayari.

"Di ba ang sabi ni HM na gising nalang si Iazy na walang magulang?so ulila na sya"singit ni chyrrie na ngayon ay katabi si cyrus habang naka harap kay fellisy.

"Wag na muna nating alalahanin yan ang alalahanin natin ngayon ay ang kalagayan ni Helliazy..."nag-aalalang ani ni cyrus,sabay-sabay namang napa tingin ang apat sa kanya kaya agad syang nagkibit balikat,"At Pol..." dagdag nito at nag-iwas ng tingin.

Nagkatinginan naman ang apat at tila nag-uusap ang mga mata nito,at iisa lang ang kanilang masasabi kundi ang.....

~He's worried about her~

Kahit na alam ni cyrus ang takbo ng pag-iisip ng kanyang mga kaibigan binalewala nya ito at inisip na lamang ang kalagayan ng dalaga na kasalukuyang nahaharap sa di maipaliwanag na kalagayan.

"Please be safe..."mahinang dasal ni cyrus habang nakayuko at patuloy na iniisip ang kalagan ni Helliazy nung sya'y lumabas ng silid.

Goodness stress na ako(ಥ_ಥ)

😎
👇🏻
🌟

The Shadow Lady (Paradise Academy)Where stories live. Discover now