Chapter 22:Clenching Heart of Mine

7.5K 360 6
                                    

<Bella thorne> as Nammy Keti
The Pretender ability user.

Helliazy's P.O.V

Ewan ko ba pero bigla akong naging uncomfortable sa sinabi nung matandang babae,kaya binalewala ko nalang iyon at tinulungan syang makatayo.

"Uhm...lola kaya nyo po bang maglakad?"tanong ko at pinulot ang tungkod na nabitawan nito kanina habang inaalalayan ko syang tumayo.

Nang makatayo na ang babae bigla nito akong tinitigan sa mga mata at dahil don ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang pagkakakilanlan hindi ko alam pero nararamdaman kong parang nagkita na kami pero hindi ko maalala,naputol ang pagtitigan namin nang biglang may malakas na pwersa ang papunta samin at huli na para labanan ko ito.

Agad kong niyakap si lola at itinapat ko ang aking likuran sa sobrang laking bato na paparating at ilang segundo nalang ay tatama na ito sa amin kaya napa pikit nalang ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil hindi nag-re-respond ang katawan ko sa gusto kong gawin.

Ilang segundo at minuto pa akong nag-antay ngunit wala akong naramdaman kaya agad akong napa tingin sa bato na nahati sa dalawa.

Hindi ko alam pero lubos akong na gulat sa dapat na mangyayari agad akong napa tingin sa harap nang makita kong papalapit si cyrus na syang may gawa nun dahil sa hawak nyang lightning sword.

"A-ayos lang kayo"hingal nitong tanong at may bahid ng pag-aalala sa kanyang mukha,di ko alam pero sa pagkakataong ito'y biglang lumakas ang tibok ng aking puso kaya napa hawak nalang ako sa aking dibdib kung saan ang aking puso.

Akala ko noon patay na ako dahil hindi ko na maramdaman ang pagtibok ng aking puso,ngunit ngayon ay para naman itong sasabog sa sobrang lakas at bilis ng tibok nito.

"Ayos lang ako hijo pero ang kamahal--"hindi na naituloy pa ng matandang babae ang kanyang sasabihin nang may kumalabit na babae dito.

"L-lola a-andeng!!"hingal na saad nung babae na sa tantya ko ay nasa kinse pataas ang edad.

"Oh luna nariyan ka pala,luna ito nga pala ang prinsesa"anang matandang babae sabay turo sa akin,napa turo naman ako sa aking sarili saka gulat na napa tingin kay lola.

"Lola pasensya na po ngunit nagkakamali po kayo,hindi po ako prinsesa"ani ko na ikina iling nung babae saka inalalayan si lola andeng.

"Pasensya na po binibini ganito talaga si lola andeng sa tuwing nakakakita sya ng binibining kasing edad ni Prinsesa Dark ngunit patay na po ang prinsesa kaya malabo ang sinasabi ni lola"paumanhin ng babae at may bahid ng lungkot sa tono nito,akma namang magsasalita si lola ngunit agad na nagsalita muli si luna."sige na po binibini at prinsepe Cyrus kailangan ko pang idaan si lola sa pagamutan upang magamot na ang kanyang mga natamong sugat" pagpapaalam ng babae.

"Sige mag-ingat kayo luna"naka ngiting tugon ni cyrus na ikina tango ng babae,bago tuluyang umalis si luna at lola andeng muli namang napa tingin sa'kin si lola at bumulong ito.

"Hindi mo man alam ngunit alam kong ikaw iyan prinsesa Dark nararamdaman kong ikaw yan at hindi ako nagkakamali"bulong ni lola na mukhang ako lang ang nakarinig dahil wala namang na sinabi si Cyrus.

"Ayos ka lang?"agad akong napa tingin sa katabi ko nang magsalita ito.

"Ah...ayos lang ako"sagot ko rito saka tumalikod at naglakad papunta kina Nea at ng iba pang nagkukumpulan.

"Mahirap ito,lubos na pinatibay ang barrier nato nung nakaraang araw lang pero walang kahirap-hirap itong tinibag ng mga bloody demons"anang lalakeng nasa mid 40s na ata ang edad at isa ito sa kataas-taasan dahil isa sya sa mga nagtalaga sa akin upang maging head lady ng paaralan.

"Tama ka master Gu ang barrier na itinatag nung isang araw ay ang pinaka matibay sa lahat pero nagulat ako ng malamang nawasak ang bahagi ng barrier na ito"sabi ni nea,napa iling-iling naman ako pinaka matibay raw ang barrier na itinatag rito ngunit papanong nasira agad ito?

"Siguradong-sigurado ako headmistress nea na matibay ang Never lasting barrier"ani naman nung babaeng kasing edad lang ni nea.

Haysss...

Agad naman kaming napa lingon dun sa babaeng biglang sumingit sa usapan ng mga kataas taasan sa paaralang ito,"sa pagkakaalam ko'y mas matibay ang Eternity Barrier ginang Helen"anang babaeng may kaputian ang balat at may kulay lila itong buhok.

Sino naman sya?

"Nammy...."bulong ni cyrus.

Hindi ko talaga alam pero biglang kumirot ang puso ko nang sambitin ni cyrus ang pangalang iyon habang naka
titig sa babaeng nagsalita.

Don't stare at her cyrus...

Don't look cy

🥴
👇🏻
🌟

The Shadow Lady (Paradise Academy)Where stories live. Discover now