Chapter 6:Message

11.1K 535 6
                                    

Meet <Sofia Carson> as
Chyrrie Swiffzy The Fire Princess
Nasa taas ng Multimedia yung photo nya.
______________

Helliazy's P.O.V

Nagsimula nang sumugod ang aking mga Shadows,alam kong madali lang para sa aking mga shadows talunin ang mga bloody demons dahil sa mas marami ang aking mga kampon kesa sa di lalagpas sa sampung bloody demons na nakapaligid.

Gumawa ako ng shadow cloud at sumakay doon,ganon din ang ginawa ko sa mga kasamahan ko na kanilang ikina gulat na akin lamang binalewala,dahil hindi ko alam kung saan ang pinaka mabilis na daan papuntang Academy ay gumawa ako ng Shadow Fairy na syang magdadala sa amin sa Academy.

"Huhhuhu.....parang mahuhulog na yata ako!!!!Kuya!!!Help me!!!huhuhhu!!!"agad akong napa lingon sa likuran nang marinig ang pag-iyak nung babaeng..........ano nga ba ang pangalan nun?

"Wag kang masyadong gumalaw Chyrrie"sabi naman nung lalakeng may dual magic na kuya pala nung Chyrrie ata yun.

"Whahhahaha!!!!!hala!!!mahulog kana hahahaha!!!"pang aasar naman ni maxx.

Napa iling na lamang ako at ipinag isa ang kanilang mga shadow clouds at mas pinalawak pa ang space nito upang maayos silang maka galaw.

Lahat sila ay tumingin sa akin at sabay-sabay na nagpasalamat na di ko pinansin at bumalik muli ang aking atensyon sa Shadow Fairy na aking ginawa.

Agad akong napa tayo ng makita ang uwak na nakita ko kanina.

"Binibini!!mag-ingat ka!!nukuuuu!!po!!!"rinig kong sigaw ng isa sa aking mga kasamahan.

Agad akong gumawa ng shadow hands at hinuli ang uwak na pilit na kumakawala kaya agad ko itong binalian ng leeg ngunit buhay parin ito at mas naging mailap.


Dahil sa pilit parin itong kumakawala ay binalian ko rin iyon ng mga pakpak at ng mga paa.

"Awwww.....so Brutal...."rinig ko namang komento nung isa sa mga kasamahan ko,ngunit tulad ng kanina ay hindi ko lang iyon pinansin.

Tuluyan ng hindi naka galaw ang uwak kaya inilapit ko ito sa akin at gumawa ako ng shadow knife at tinurok sa puso nito na syang nagpa-igik sa uwak.

*Ackk Ackk Ackk*

"Ooohhhhhh"Maxx and Raffy

"Yuck *Vomit*"that girl named Chyrrie.

Unti-unting lumabas ang itim na usok at bigla ring lumitaw ang isang..... Mensahe?

'I will assure that the Shadow Lady will be on my side...."

Yan ang mensahe na lumabas mula sa puso ng uwak,hayyy...nagsayang lang ako ng lakas para sa walang kwentang mensaheng yun.

Dahil wala namang kwenta ang mensaheng yun walang pakialam kong hinulog ang uwak at umupo ulit sa shadow cloud.

Ramdam ko naman ang kanilang mga titig sa akin ngunit binalewala ko lang iyon.

Ilang minuto na ang naka lipas at naka titig parin sila sa akin kaya na pag-isipan kong magsalita.

"May sasabihin ba kayo?"tanong ko habang maayos paring naka upo habang naka pikit ang aking mga mata at pilit na kinakalma ang aking isipan.

"Uhmm....where are we going?"agad akong napa dilat sa tanong ni Raffy.

"Kanina pa kayo sunod nang sunod tapos hindi mo alam kung saan tayo pupunta?"tanong ko.

"Eh hindi naman ito yung daan papuntang academy"ani ni Raffy.

Tsk tsk...taga dito ba talaga ang mga to?

Sasagot na sana ako ngunit may iba nang na unang sumagot sa tanong ni Raffy,"Short cut to papuntang academy idiot"sagot ng boses babae at sigurado ako na ang nature user ang sumagot non.

"Ahhhh....hehehe bakit hindi mo agad sinabi Fellisy?"nahihiyang ani nung lalakeng si Raffy.

Nagpatuloy na ulit ako sa pagsunod sa Shadow fairy hanggang sa bumaba na ito kaya bumababa narin ang mga shadow clouds na ginawa ko.

"Finally naka apak narin ako sa sobrang komportableng lupa!!!!" tili nung babaeng si Chyrrie isinumon ko ulit ang aking mga inilabas na kapangyarihan at tahimik na nilibot ang tingin sa paligid.

Alam kong tama ang tinuro sa akin nung shadow fairy ko,pero bakit wala akong nakikita maliban sa masukal na kapaligiran

"Wala ka talagang makikita kahit na anong gawin mo,nasa labas pa tayo ng Invisible barrier ng Academy"ani nung lalakeng may Dual magic.

"Tara na binibini pumasok na tayo" aya ni Maxx na aking ikina tango at sumunod sa kanila.

Tuloy tuloy lang sila sa paglalakad at sa di inaasahan ay nakaramdam ako ng hilo na syang nag pa pikit sa aking mga mata,di kalaunay umayos na ang aking pakiramdam kaya dahan-dahan kong idinilat ang aking mata at sa di inaasan ay nakita ko ang sobrang gandang lugar na tila hawig sa isang paraiso.

"Welcome to Paradise Academy Helliazy!!!"Sabay sabay na sabi nung tatlo na sina Chyrrie,Raffy at Maxx.

Maganda ang kapaligiran at talagang nakakamangha sa paningin ang mga makukulay na bulaklak at ganon din ang mga makukulay na puno.

"Hindi ka ba na gandahan sa Paaralan namin..I mean natin,na puno ng magagandang halaman?"tanong naman nung babaeng si Fellisy.

'Bat biglang nagsalita ang isang to?

"Sobrang ganda ng paaralan na ito kaya pano mo na sabing hindi ko ito na gustuhan?"tanong ko sa kanya.

"Weird"banggit nya lang at nag headphones,may headphones na pala dito sa magic world?ay.....oo nga pala na basa ko sa panibagong libro na may teknolohiya narin dito sa mundo ng mahika.

"Pasensya ka na dun kay fellisy,mahal na mahal nya kasi ang kalikasan kaya nung makita nyang wala kang reaksyon ay nagtaka lang sya,kahit sino naman ay mamamangha sa ganitong kapaligiran pero ikaw lang ang pinaka kakaiba ang reaksyon Helliazy"pag-explain ni Chyrrie na akin lamang ikina tango.

"Bilisan nyo ng maglakad,
hinihintay na tayo ni Headmistress"ani naman nung may dual magic.

Tahimik lang kaming naglalakad patungo raw sa opisina ng kanilang headmistress na syang naghihintay sa aming pagdating.

Hindi naman ganon ka layo ang opisina ng headmistress kaya agad rin kaming nakarating at kumatok muna ang lalakeng may dual magic bago buksan ang pinto.

Pagkabukas ng pinto ay sumalubong sa amin ang malakas na tili ng isang matandang babae.

🐰
👇🏻
🌟

The Shadow Lady (Paradise Academy)Where stories live. Discover now