Chapter 37:Pathetic

7.2K 339 0
                                    

Helliazy's P.O.V

Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa aking nakikita ngayon,Oo nakikita ko na ang aking ina at ama ngunit wala silang alam na ako ang anak nila at hindi si nammy.

Ako ito ang kanilang anak na binigyan ng pangalawang buhay,naramdaman kong pinisil ni kuya ang aking kamay hindi ko namalayang nanginginig pala ang mga ito,iginaya ako ni kuya sa upuan kung saan katabi ko sina Chyrrie at Fellisy habang si kuya naman ay lumapit sa aming.....ina at ama upang batiin ang mga ito saka umupo sa tabi ni cyrus na syang naiwang bakante.

"So alam nyo na ba kung bakit ko kayo pinatawag?"tanong ni Nea napa yuko naman ako,ipinatawag nya kami rito dahil nakita na raw ang anak ng Reyna at Hari ng light kingdom.

Sa looban ko ay may nararamdaman akong kakaibang kirot pero hindi ko iyon pwedeng ilabas dahil sigurado akong walang tigil akong iiyak.

"Yes we already know HM but is she really the lost princess?"napa angat naman ako nang tingin ng itanong iyon ni Chyrrie habang naka turo pa kay nammy na matalim na naka tingin kay chyrrie.

"Chyrrie syempre sya ang nawawalang anak nila tita ana at tito lio"sabat naman ni Raffy pero inirapan lang ito ni chyrrie.

"By the way darlings,Raffy is right she's our one and only daughter, remember the twin sister of Polaris?"naka ngiting anang Reyna,I can't call her my mother coz she doesn't know me.
"And chyrrie darling who's that beautiful lady sitting beside you?"naka ngiting tanong ng reyna habang naka tingin sa'kin.

Bigla namang lumakas ang pintig ng aking puso dahil sa kanyang tanong,"Ah...sya po pala si Iazy tita ana" pakilala ni chyrrie sa'kin bahagya naman akong napa kagat labi at yumuko,iiyak na talaga ako kapag ipinagpatuloy ko pa ang tumingin sa kanila.

"Oh...so what's your full name young lady?"tanong ng reyna at alam kong naka tingin sya sa'kin ngayon kahit pa naka yuko ako,ramdam ko rin na kanina pang may naka titig sa'kin simula ng makapasok kami rito pero hindi ko iyon pinansin.

"He-helliazy D-dark Shadow your Majesty"nauutal kong pagpapakilala.

Agad akong napa angat ng tingin ng marinig kong napa singhap ang reyna at nanlalaki ang mga matang naka tingin sa'kin.

"Who are your parents Hel-Helliazy?" Tanong ng reyna at bahagya itong nautal ng banggitin nito ang aking pangalan,gusto ko sanang sabihin na sila ang aking mga magulang ngunit hindi ko kakayanin pag may masabi silang masama sa'kin o pagdudahan nila ako.

"W-wala ho akong mga magulang"sagot ko na lamang at huminga ng malalim upang makontrol ko ang aking emosyon.

"Papanong wala kang magulang iha?"dumako naman ang aking tingin sa hari ng magtanong ito habang naka tingin ito ng deretso sa'kin.

"Nagising nalang po akong mag-isa at walang maalala maliban sa aking p-pangalan" nautal pa ako sa huli habang pinipigilan ang paggaral-gal ng aking boses,kita kong na nginginig na rin ang labi ng reyna habang naka tingin sa'kin at may kakaibang emosyon ang ipinapakita ng mga mata nito.

Hindi ko na kaya...

"p-pasensya napo at lalabas na muna ako"paalam ko at hindi na hinintay pa ang kanilang sasabihin at dali-dali akong lumabas hindi ko na kaya,pakiramdam ko ay sasabog na ang aking puso sa halo-halong emosyon.

Nang tuluyan akong makalabas,doon na nagsimulang umagos ang aking luha agad akong nag teleport papunta sa tower kung saan ko unang na silayan ang mundo,walang pakundangang iyak lang ang aking ginawa habang naka upo sa labas ng pintuan ng tower.

Nakita ko na nga sila pero hindi iyon ang gusto ko,ang gusto ko ay mayakap at makapiling sila,hindi ko alam na sobra-sobra pala ang aking pangungulila sa aking mga magulang,ang akala ko ay matagal ko ng tanggap na wala talaga akong pamilya ngunit nagkamali pala ako.

Gustong-gusto ko silang lapitan at yakapin sa oras ng makita ko sila ngunit hindi ko pwedeng gawin iyon,hindi sila ordinaryo sila ang hari't reyna at kalapastanganan ang yakapin sila ng sino mang hindi nila kilala.

At HINDI nila ako kilala kaya maaari nila akong parusahan kapagginawa ko yon.

"Ang unfair naman kasi!bakit kailangan mo pang magpanggap NAMMY?!!!BAKIT KAILANGAN MO PA AKONG AGAWAN?!!"Malakas na sigaw ko habang humahagulgol.

"Ang sama-sama mo nammy!ako dapat yan eh!!ako ang tunay na anak ako eh!!! Bakit ikaw ang nasa posisyon ko ngayon?!bakit ba kailangan mo pang sumingit nammy?!una si cyrus tapos ngayon ang mga magulang ko naman?!" Inis kong sigaw sa kawalan at walang pakundangan parin akong umiiyak,alam kong walang makakarinig sa sigaw kong iyon,mag-isa lang ako eh...my life is a huge mess!and I am totally Pathetic!

Iyak lang ako nang iyak hanggang sa bigla akong makaramdam ng pagkahilo at panlalabo ng paningin......ilang sandali lang ay hindi ko na maramdaman ang aking katawan manhid na yata ako.

What's happening?ang sakit ng ulo ko, pero kahit na ganon ay rinig ko paring may nagsasalita..

"Sleep well shadow lady,sleep well..."

Papanong---

😎
👇🏻
🌟

The Shadow Lady (Paradise Academy)Where stories live. Discover now