Chapter 9:An Emotion Again.

9.9K 498 7
                                    

Meet <Darwin gray> as Cyrus Hunter Swiffzy The Dual Magic Prince (Electric & Wind)
Nasa taas ng Multimedia yung photo nya.
______________

Helliazy's P.O.V

Kinabukasan....

"Sigurado ka bang hindi masakit?"Pang sampung tanong ni Cyrus at paulit-ulit na kinurot ang aking pisngi.

Napa tingin na lamang ako sa iritable nyang mukha,bakit ba?masama bang hindi ako makaramdam ng sakit?

"Hindi nga masakit...."usal ko sa malamig na boses at blangkong mukha.

"Ano ba yan!!!!!ang manhid mo!!!!" Naiinis nitong ani sa akin at napa sabunot sa kanyang buhok.

"Kuya!wag ka ngang weird!"sigaw ni chyrrie sa kanyang kapatid.

Kasalukuyan kaming nasa hardin ng Campus at nagpapahinga,huling araw na ng pahinga namin kaya nilulubos-lubos na.

Ang sabi pa nga nila ay nakaka pagod daw ang mag-aral paulit-ulit daw ang mga pinapagawa,well..ganon ang sabi nila para sa akin mas maganda ang mag-aral dahil first time kong maranasan iyon at sigurado akong marami akong matututunan.

"Ano pa ang ginagawa nyo maliban sa pag-aaral ng history ng magic world?" Tanong ko sa aking mga kasamahan.

"Hmm....ano pa nga ba?"ani ni maxx at umaktong nag-iisip.

Akmang sasagot na ito ng biglang sumingit si Raffy,"Training at nakikipag compete sa ibang students"sagot ni Raffy sabay akbay kay Chyrrie na mukhang gulat.

Napa tango ako at sa aking paglingon ay napansin kong naka titig sa'kin si Cyrus kaya deretso akong tumingin sa kanya.

"May sasabihin ka?"tanong ko,bahagyang na mula ang pisngi nito at bumaling ang tingin nito sa ibang dereksyon.

"W-wala"sagot nito kaya napa tango nalang ako at tumayo sa aking pagkakaupo sa damuhan."T-teka s-saan ka pupunta?"nauutal nitong tanong at tinignan ako.

Hindi ko sya sinagot at nilapitan ko si Fellisy na busy sa pag-aalaga ng mga bulaklak sa hardin.

"Ikaw ba ang taga pangalaga sa harding ito?"tanong ko,napa lingon sa gawi ko si Fellisy at tipid itong ngumiti sabay tango.

"Ang ganda nilang tignan no?"namamanghang tanong ni fellisy na ang tinutukoy ay ang mga makukulay na bulaklak,masasabi kong masayang-masaya si Fellisy dahil sa tila kumikinang nitong mga mata.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon at lumapit sa isang kulay dilaw na rosas at inamoy ito,hindi na ako na gulat kung gaano ka bango ang mga ito.

Bigla ko tuloy naalala ang aking hardin,maraming magagandang mga halaman doon lahat ay mapapakinabangan dahil sa mga taglay nitong kapangyarihan.

Ilang oras pa kaming nagtagal sa hardin bago bumalik sa dorm namin,tanghalian na at ang sabi ni Chyrrie ay bumibili lang sila ng pagkain sa school Cafeteria dahil sa limitado lang ang alam na lutuin ni Raffy.

So ibig sabihin araw-araw silang bumibili ng kanilang tanghalian?

Hindi nalang ako nagkomento at dumiretso ako sa kosina,naghanap ako ng mga sangkap upang gumawa sana ng pizza,kahit na lumaki ako ng mag-isa sa gubat ay natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa at alam kong hindi ako na pag-iiwanan ng panahon dahil sa tulong ni nea.

Lumaki ako ng may pinag-aralan marami akong kayang gawin at kasama na doon ang pagluluto,marami akong alam gawin dahil sa mga learning books.

Nagsimula akong gumawa ng pizza hanggang sa matapos,madali lang itong gawin sapagkat ay makabago ang kanilang mga gamit,noong una ay nahirapan pa akong mag-adjust pero nagawan ko naman ng paraan.

Inilagay ko sa sobrang lapad na pinggan ang mainit-init pa na pizza at dinala ito sa sala,lahat sila ay naka tuon ang atensyon sa tinatawag nilang TV,at nahalata kong wala naman silang kinakain.

"Gutom na ako baby labs"rinig kong reklamo ni Raffy sabay akbay kay Maxx.

"T*ngina mo Raffy!!!nakakasuka ka!!"inis na sigaw ni Maxx,napa pout naman si raffy.

Hindi pa nga talaga sila kumakain?

Mabilis akong nag lakad at agad na inilapag ang pinggan sa mesa,bahagya silang natigilan dahil sa bigla kong paglitaw pero hindi ko na iyon inintindi, kawawa naman sila at hindi pa sila kumakain.

Teka?nakakaawa sila?naaawa ba ako?

"Kain na kayo"ani ko sa kanila,halos kuminang naman ang kanilang mga mata dahil sa nakikita.

"Wow gawa mo Iazy?" namamanghang tanong ni Chyrrie sabay kagat sa isang slice ng pizza.

Tumangoako at kumuha rin ng isang slice,tatalikod na sana ako at babalik sa aking silid ng biglang may kumalabit sa braso ko.

Agad akong napa lingon at nakita ko ang nangungusap na mga mata ni cyrus,ang ganda ng mga ito kung titigan pero inalis ko iyon sa aking isipan ng magsalita ito.

"Can you make one more pizza again?please?"pakiusap nito kaya naawa ako,gusto ko na sanang magpahinga pero may nagtutulak sa akin na kailangan kong pagbigyan ang kanyang pakiusap.

Nakakaramdam na nga talaga ako ng awa......


Please give a minute to add 'THE JICKSZ SQUAD' on your library if you're interested about a story of Friendship.✨

🐰
👇🏻
🌟

The Shadow Lady (Paradise Academy)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz