Chapter 2:Scary Mission

14.3K 636 57
                                    

Prince Cyrus Hunter Swiffzy P.O.V

"So this mission is for the five of you since,kayo ang pinaka malakas sa school nato"ani ng headmistress na si Ms.Nea Xia,habang kami ay matiwasay na naka upo habang nakikinig sa kanyang mga sinasabi.

"So....saan ba yan headmistress?" tanong ng kapatid ko na si Chyrrie.

"Oh....I know it sounds scary and dangerous,dahil na rin sa mga balibalita,but you need to go to the Mystical forest and convince the Shadow Lady to be on our side,when our enemies declare a war." Sagot ng Headmistress,tss how could we even find her if no one see's her yet?

"Teka lang,Headmistress papano kung hindi sya nag e-exist?edi sinasayang lang namin ang oras namin dun" seryosong singit ko sa usapan.

Napa iling-iling nalang si headmistress at bumuntong hininga.

"She's real believe me,someone saw her before and if you don't believe me then....."pang bibitin ni Headmistress.

"Then what?"biglang imik ni Maxx na katabi ni Felissy.

"Then you still need to go,and if you can't see any trace of her then there is only one way and that is......try to pull one of her Ability Fruit from the tree of Ability Shadow at the center of her garden,and be careful someone told me she's very old so don't hurt her"ani ni Ms.Nea,"That's all so you can leave my office now"dagdag pa nito,agad kaming lumabas ng office ni Ms.Nea at nag teleport pabalik sa dorm namin.

"Guys?gaano kaya ka grumpy ang matandang yun?"agad akong napa lingon kay Raffy ng itanong nya iyon.

"Siguro 100% high blood yun"sagot naman ni maxx na nag pa iling sa akin,this guys are seriously crazy.

"Uyy...wag nga kayong ganyan!I heard she's alone,kaya hindi malabong maging grumpy sya"pagtatanggol naman ng kapatid ko,haysss..... sigurado akong hindi titigil ang mga to pagwala pang aawat sa kanila.

"Can you please stop?"tanong ko na agad naman nilang tinanguhan maliban kay Fellisy na naka headphones."early pa tayo bukas,so lets sleep!stop that nonsense,ituloy nyo nalang yan pagkatapos ng Mission"sabi ko at tumayo na sabay pasok sa kwarto ko at nahiga.

I feel sticky and sweaty jeezz....I need a bath.

...

...

...

Matapos akong maligo at maka pagbihis ay tumuloy na ako sa pagtulog.

...

...

...

Kinabukasan ay maaga akong nagising at naligo,agad akong naghanda ng aking mga kakailanganin at ng matapos ay lumabas na ako,sakto naman ang paglabas ng iba pa.

"So....lets go kuya?"tanong ng kapatid ko na aking tinanguhan.
"Guys alis na tayo dali!!"tili ng kapatid ko at agad na lumabas,pagkalabas naming lahat sa dorm ay sinalubong kami ni Headmistress.

"Ahm....mga bata,I think you'll need this"ani ni headmistress at inabot ang isang naka rolyong papel na may kulay pulang telang naka tali.

"What's this?"tanong ko sabay kuha at ibinigay kay Fellisy na syang may dalang bag.

"It's a letter,baka hindi sya maniwala sa inyo at isipin nyang pumunta kayo upang makuha ang 'Tree of Ability Shadow' so mas maganda kung may katibayan kayo"paliwanag ng headmistress at agad ng naglaho.

"Tara na?"aya ko sa kanila at naunang naglakad.

Ilang oras na kaming naglalakad pero hindi namin mahanap ang sentro ng mystical forest,tama naman daw ang tinuturong daan ng nature fairy ni Fellisy pero hanggang ngayon ay hindi parin kami makarating dun sa sinasabing tirahan ng Shadow lady.

Maybe she really doesn't exist....

"Huy!fellisy sigurado ka bang hindi tayo niloloko nyang kampon mo?"biglang tanong ni Raffy.

Nasa may likuran kaming mga lalake dahil sa hindi rin naman namin maintindihan ang sinasabi ng nature fairy,at alam kong hindi lang kaming lima ang naririto alam kong may iba pa kaming kasama kaya pasimple akong nagmamasid.

Hindi ko na sinabi sa mga kasama ko alam kong mag pri-freakout ang mga yan,dahil na rin sa kanina pa kaming palibot-libot.

"I think pinaglalaruan tayo" mahinang imik ni Fellisy at isinumon ulit ang kanyang nature fairy.

"Kanina ko pa sila nararamdaman guys"ani naman ng kapatid ko,hayss... alam na pala nya hindi man lang sinabi sa'kin.

Hindi nalang ako nagkomento at nagmasid na lamang gamit ang aking kapangyarihan ng hangin,agad akong pumikit at matiwasay kong pinakiramdaman ang kapaligiran at ilang minuto lang ay may naramdaman akong itim na bagay na agad namang nawala na parang bula.

"Shadows"imporma ko sa kanila at dahan-dahang idinilat ang aking mga mata,kita ko ang pagkabahala sa kanilang mukha dahil sa hindi pa kami nakaka engkwentro ng shadows noon.

"I bet madali lang talunin ang mga yan"halos malaglag ang panga ko ng magawa pang magyabang ni Raffy.

"Shet!ka Raffy wag ka ngang ano dyan!Kingina ka pagtayo namatay talaga dito maraming magluluksa"panlaban ni Maxx at naglabas ng  water blades.

"Wag na nga kayong mag-ingay dyan! Pareho kayong mga walang kwenta!"suway ng kapatid ko at gumawa ng lava spear.

Habang ako naman ay gumawa ng air knights at thunder spikes.

Saka naman sumugod ang mga shadows,hindi sila pang karaniwang anino dahil na rin sa form nito na itim na usok at kahugis lang ito ng katawan namin.

Ilang minuto kaming nagtagal sa pakikipaglaban sa mga shadows at doon ko lang na realized na nasa mismong hardin na kami ng shadow lady.

"Look"bigla kaming napa lingon sa itinuro ni Fellisy at nakita namin ang walang kasing gandang puno.

"Wow...."manghang usal naming lahat,dahan dahang lumapit si Chyrrie ngunit agad ring napa atras nang biglang lumitaw ang isang babaeng naka battle suit.

"She's on for a battle"imik ni Raffy.

mwahhhh!🧡

🐰
👇🏻
🌟

The Shadow Lady (Paradise Academy)Where stories live. Discover now