Chapter 27:Keep remembering him

7.5K 356 18
                                    

Meet <Lucky Blue Smith> as
Polaris Milann Light Shadow The Light Prince
Nasa taas ng Multimedia yung photo nya.
______________

Helliazy's P.O.V

Ilang linggo ko ng hindi nakikita sina chyrrie at fellisy,dahil na rin sa nagpaalam muna ako kay nea na papakalmahin ko muna ang aking sarili dahil sa hindi inaasahang pagbabago ko.

Nung una ay ayaw akong paalisin ng mga kataas-taasan dahil sa marami na rin ang nagsisimulang sumalakay, pero nakita ko namang kayang-kaya pa nilang ipagtanggol ang academy at ayaw ko namang mapahamak sila dahil sa aking pagbabago.

Sa katunayan ay nakumbinsi ko lang ang mga kataas-taasan dahil sa patuloy naman akong magbabantay gamit ang mga shadow Armies ko at hindi ko pa naman nararamdaman na nabawasan ang isang daan kong shadow armies.

Although 50 lang ang sinabi kong magbabantay kaso kung armies lang ang magbabantay at baka sakaling biglang lumusob ang mga kalaban ng wala ako ay baka may mangyaring hindi maganda,kaya gumawa ako ng 20 shadows samurais well human form sila pero hindi parin maipagkakaila na shadows sila dahil sa anyo nila,then 20 Shadow spies which is formed as Everything that has shadows specially enchanters shadows and I also created 10 lookouts same as spies but shade assigned them around the academy.

Habang ako heto bumalik ako sa tower kung saan ako nagsimula, namiss ko rin ang lugar nato kahit na mag-isa lang ako,well...andito naman si shade pero wala lang rin kaming maayos na mapag-uusapan dahil sa kung ano ako yun din si shade.

Kung tutuusin mas gugustuhin kong doon nalang sa Academy,dahil doon makikita mo ang mga buhay na buhay na mga enchanters,makikita mo kung paano sila sumaya at lumungkot di tulad dun sa mga libro puro litrato lang at hindi mo alam kung paano ba iyon sa totoong buhay.

Kung ide-describe ko ang sarili ko,para akong isang manika na kung ano ang naka ukit yun at yun na ang magiging kalabasan at hindi na maaari pang palitan,ako si Helliazy Dark Shadow na mananatiling lungkot lang ang emosyin at Blangko ang expresyon.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo sa gilid ng bintana at nilapitan ko ang salamin,napa haplos ako roon at pinagmasdan ang aking kabuuan.

Ang aking buhok ay bumalik nasa tunay nitong kulay habang ang aking mga mata naman ay tuluyan ng kumalma at wala ng bakas pa ng kadiliman.

*sigh*

Parang kailan lang unti-unti na akong nagbabago pero dahil sa lalakeng naka bangga ko,ay na gawa kong bumalik sa kung saan ako nagsimula.

Ewan ko ba at lagi nalang gumugulo sa isip ko ang lalakeng yun haysss...

Sino ba namang matinong enkantada ang makikipag-away sa isang prinsepe,oo prinsepe ang gugong na yun akalain nyo may prinsepe palang mahilig mang bwisit at kung maitatanong nyo kung bakit ko nalaman hmm....simple lang...

nung araw na nagkita kami at sumunod pang dalawang araw ay na pagpasyahan kong umuwi muna dito kaya pumunta ako sa office ni Nea upang magpaalam at dahil sa kailangan ko ring magpaalam sa mga kataas-taasan ay pumunta ako sa Headquarters nila nea at doon ko sya nakitang nakikipag-usap din sa mga head ng Academy at tinawag syang Prince Polaris.

Well,prinsepe pala sya ng Light Kingdom at sa pagkakaalam ko'y isa sa maka pangyarihang at malakas na kaharian ang Light kingdon kung kaya't isa sya sa mga Royalties,and actually,kababalik nya lang galing sa isang misyon at ang araw ng aksidenteng pagbabanggaan namin ay syang araw ng pagbabalik nya.

Tsk!kaya mas mabuting dito na muna ako at baka magtransform into Dark Shadow Lady na talaga ako.

Pero kahit ganon hindi ko parin maalis sa isipan ko ang imahe at ang pang-aasar nya sa'kin,napa ismid nalang ako sa harap ng salamin hayyy kahit anong pilit kong kalimutan ang bwisit na yun hindi ko magawa.

Sayang nga lang at bukas kailangan ko ng bumalik sa academy dahil na rin sa kailangan kong sumali sa training ng mga kasamahan ko,tsk!makikita ko na naman ang nammy na yun!

Well tama na rin ang tatlong linggo kong pananatili dito,umayos na ang pakiramdam ko at marami na rin akong na pag-ensayuhan dahil sa tahimik dito at makakapag concentrate ka talaga,nakakalungkot lang kasi ang dali-dali lang lumipas ng mga araw.

🥴
👇🏻
🌟

The Shadow Lady (Paradise Academy)Where stories live. Discover now