Chapter 1:Her

22.7K 835 21
                                    

Helliazy Dark Shadow P.O.V

Huni ng mga ibon,bulong ng hangin,ragasa ng ilog,sayaw ng mga puno.

Yan ang aking mga naririnig sa kapaligiran,ako'y mag-isang naglilibot sa aking malawak na hardin may nararamdaman akong kakaiba ngunit hindi ko mawari kung ano iyon.

Sa librong aking mga nababasa lahat sila'y masasaya,may mga pagsubok ngunit laging nalalampasan,pero.....

Paano ako?
nag-iisa sa lugar na ito?

May pag-asa pa ba akong makaramdam ng saya?
tulad nila?

Sa libro ng mga damdamin ay kakaiba ang mga expresyon at emosyon ang aking mga nakikita sa iba't ibang mga larawan.

May Lungkot,Seryoso,Galit,
Pagkalito,Masaya,pagkamangha at ang pinaka epesyal ay ang Pag-ibig may iba't iba pa ngunit iyon lang ang tumuon sa'king pansin.

Hindi ko maintindihan kung bakit may ganon sa mundong ito ngunit isa lang ang nasisiguro ko at iyon ay ang wala akong maramdaman na emosyon maliban sa tinatawag nilang lungkot habang ang aking expresyon naman ay blangko.

Sinubukan kong makaramdam ng iba't ibang emosyon ngunit mahirap pala iyong magawa,sa mga libro ay nabasa ko kung gaano nila kadaling sumaya,
magalit at makaramdam ng pag-ibig.

Ako nga pala si Helliazy Dark Shadow,18 taong gulang isang babaeng taglay ang kapangyarihan ng Dark Shadow,ako'y nag-iisang nakatira sa gitna ng pinaka delikado at pinaka tagong gubat ng Mystical Forest.

Kung maitatanong n'yo,madami ng sumubok na makita ako ngunit lahat sila ay umatras at naisipang bumalik sa kanilang mga bayan dahil narin sa takot na hindi na sila makabalik pa.

Sa katunayan ay pumupunta sila rito upang makuha ang Puno ng 'Ability Shadow' ito ay nakatanim sa sentro ng aking hardin at ito rin ang pinaka espesyal na puno sa loob ng aking teritoryo,ang mga prutas nito ay maka pagbibigay sayo ng ability of shadow o ang pagiging isang anino kung kailan mo gusto,kapagnakagat mo na ang prutas nito ay otomatikong magiging isa kang anino ng sino mang iyong nanaisin,ngunit magtatagal lamang ang abiliting iyon ng isang linggo at nabasa kong rare ang punong iyon kaya doble ang aking pagproprotekta sa aking hardin.

Bumalik ako sa loob ng aking tirahan upang magpahinga na, pagod rin ako sa paglilibot sa aking hardin at wala rin namang mga lapastangan ang nagtangkang pumasok sa aking teritoryo.

Kumuha ako ng isang libro,ang pamagat nito ay 'White Shadow Kingdom' ilang beses ko na itong binasa ngunit hindi ko alam kung bakit ito at ito parin ang nakakakuha sa aking atensyon maliban sa 'Magic & Ability ' at ang 'Uri ng mga Emosyon at Expresyon'.

Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay nakaramdam ako ng antok at ilang minuto lang ay nakatulog narin ako.

....

....

....

Gabi nang magising ako,dumiretso ako sa aking kosina at nagsimulang magluto ng matapos ay nagsimula na akong kumain,habang kumakain bigla akong napa isip kung paano ako napunta sa lugar na ito,ang naaalala ko nalang ay nagising ako sa lugar na ito ng walang ka alam-alam maliban sa aking edad,kaarawan at pangalan.

Sa sobrang pag-iisip ay natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakahiga sa aking kama.

Napa buntong hininga na lamang ako ng makaramdam na naman ako ng kalungkutan,sa katunayan ay sanay na ako sa ganito ngunit hindi ko parin mawari kung paano ako napunta rito at kung may magulang pa ba ako tulad ng sa mga kwentong aking nababasa.

Ilang beses ko ng naitanong sa aking sarili kung 'paano ako nabuhay?' ang mga bida sa kwetong aking nababasa ay na buhay dahil sa ipinanganak sila bilang isang sanggol ng kanilang ina,ngunit ako ay nag-iisang nagising at walang magulang o gabay na nagbabantay sa akin.

🐰
👇🏻
🌟

The Shadow Lady (Paradise Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon