KAMBAL - IX

1.3K 60 0
                                    

"Whats wrong? May problema ba?" Kunot-noong tanong ni Andrei kila Esme at Isadora.

Kanina pa kasi sya nagtatanong. Pero hindi naman sya sinasagot ng dalawa.

Tapos nakakaduda pa ang ikinikilos ng mga ito.

Parang may sikretong itinatago.

"Hey... Ano na?" Untag nya.

"Sabihin mo na Issa." Sabi ni Esmeralda pagkatapos nyang tanguan si Isadora.

Pero hindi naman umimik si Isadora.

Hindi nya kasi alam kung paano magsisimula.

Hindi naman kasi ordinaryo yung mga nangyayari kay Amara.

Kahit sino, hindi agad maniniwala.

At saka hindi nya alam kung anong magiging reaksyon ng lalaki kapag nalaman nito na si Amara ang gumagalang killer.

Hindi ko pwedeng ipahamak ang sarili kong kaibigan. Hinde!

Nag-aalalang sambit nya sa isip nya.

"Ako na." Sabi ni Esme nung mabasa ang tumatakbo sa isip ni Isadora.

At nagsimula na nga syang magkwento at magpaliwanag sa lalaki.

...

Makalipas ang ilang oras...

Tulala pa rin si Andrei.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin naa-absorb ng utak nya yung mga nalaman nya.

"Hindi kapani-paniwala..." Bulong pa nya sabay iling ng paulit-ulit.

"Hindi talaga. Pero sa maniwala ka't sa hinde, totoo lahat yon. (Pause) Kaya please Andrei nakikiusap kami sa'yo (Pause) Tulungan mo kaming mailigtas sya mula kay Lucia." Sabi ni Esme.

Hindi agad sya nakasagot.

Hindi nya kasi alam kung paano sya makakatulong.

Ordinaryong tao lang kasi sya.

Kampon ng kadiliman ang pinag-uusapan.

Ano namang magiging laban ko don?

Tanong nya sa isip nya.

"Andrei makinig ka. (Pause) Kung talagang mahal mo sya (Pause) Si Stacey or yung totoong may-ari ng katawan, si Amara (Pause) Gagawin mo ang lahat para mailigtas sya. (Pause) Huwag kang mag-alala andito kami ni Isadora. Tatlo tayong magtutulungan upang labanan si Lucia." Seryosong sabi ni Esme.

Nang biglang may magsalita sa  likuran nila...

"Tutulong din ako. (Pause) Apat tayong magtutulong-tulong. (Pause) Gusto ko na rin manahimik ang isip ko. Gusto ko ng maibalik yung dating ako." Luhaang sabi ni Amara.

Ang totoo nyan, kanina pa sya nakikinig sa usapan ng tatlo.

At hiyang-hiya sya dahil wala syang ibang ginawa kundi ang magmukmok sa isang sulok.

Ang mga tao sa paligid nya ay hindi sya sinusukuan.

Pero sya, wala syang ibang inisip kundi ang sarili lamang.

Napaka-makasarili ko...

Sabi pa nya kanina.

At tama si Esmeralda at Isadora, kailangan nyang magbalik-loob sa Panginoong Diyos upang makaligtas sa tiyak na kapahamakan.

Dahil walang ibang makakatulong sa kanya kundi ang Diyos lamang.

...

Gulat na gulat naman ang tatlo sa biglaang pagkibo ni Amara.

ESMERALDA Book 1Where stories live. Discover now