HEADPHONE - VIII

1.7K 72 7
                                    

Unang pinuntahan ng magkaibigan ang bahay ng batang babae, na napag-alaman nilang Belle ang pangalan.

May kaya ang mga ito kaya hindi na nagbigay ng tulong financial si Teresa.

Sa foundation ng mga cancer patient, dun sya nagdonate ng pera para kahit papano ay makatulong sya sa mga kagaya ni Belle, na dumaranas ng ibayong sakit dahil sa karamdaman nilang brain cancer or brain tumor.

Sumunod nilang pinuntahan ang pamilya ni Paul, ang driver na nakasagasa kay Belle.

...

"Hello po mam. Good morning po. Mga taga Lending company po kami. Nandito po kami upang magbigay sa inyo ng tulong pinansyal." Sabi ni Teresa kay Jenny, ang asawa ni Paul.

Nagpanggap sila na mga taga lending company kasi wala silang ibang maisip na paraan para matulungan ang pamilya ni Paul nang hindi nag-uusisa.

Ayon kasi sa mga napagtanungan nila, malaki raw ang hinanakit ni Jenny sa pamilya ng batang hindi sinasadyang masagasaan ng asawa.

Hindi naman daw kasi kasalanan ni Paul ang nangyari kay Belle pero lahat pa rin ng gastos ay ipinaako sa kanila. Pagkatapos ay nakulong pa ang asawa.

"Lending company? Aba! Bago yan ah. Dati, ako ang pilit na sumasali sa ganyan. Pero hindi ako nabibigyan ng slot. Ngayon, kayo ang lumalapit sa akin? Himala." Bulalas ni Jenny.

"Pili lang po ang nilalapitan namin mam. At base po sa requirements namin, qualified naman po kayo." Pagpapanggap pa rin ni Teresa.

"Ganun ba. Sige nga i-explain nyo nga sa akin ng maigi para maintindihan ko. At kung totoong qualified nga ako, aba! Kay swerte ko naman. Kasi kung di nyo naitatanong eh sunud-sunod ang kamalasan namin ngayon." Sabi ni Jenny.

...

One hour later...

"O pa'no mam Jenny babalik na lang po uli kami bukas ha para ibigay sa inyo ang pangkapital nyo sa negosyo." Sabi ni Teresa.

"Sige. Sige. Thank you sa inyo ha. Hulog kayo ng langit." Nakangiting sabi ni Jenny.

...

Kinabukasan nga ay muling bumalik ang dalawa upang ibigay kay Jenny ang perang pambili nito ng food cart.

Tungkol sa payment-kuno, hindi nila iyon itutuloy. At ang plano, basta na lamang silang mawawala na parang bula.

Puro fake naman yung documents na pinirmahan ni Jenny kaya wala itong makukuhang impormasyon.

At sigurado naman ang dalawa na tiyak na matutuwa pa si Jenny kapag nawalan ito ng kautangan.

.....

Sa inn...

"Hay salamat isa na lang. Sa wakas babalik na ang dating buhay ko. Yung masaya.. Yung tahimik.. At higit sa lahat walang multo. Haaay.." Sabi ni Teresa.

"Eh ano pang hinihintay mo? Game na!" Sabi naman ni Esme.

At nagsimula na nga ang session nila.

Flashback...

Lulan ng isang jeep si Teresa.

Galing sya sa isang lugar kung saan nag-meet sila nung bibili ng mga old books nya.

Working student yung buyer nya. Service crew sa isang foodchain.

Closing ang schedule nito kaya hinintay pa nyang matapos ang shift nito kaya ginabi na sya ng uwi.

...

Nung mapadaan ang jeep na sinasakyan nya malapit sa kanilang eskwelahan ay may pumarang estudyante.

ESMERALDA Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon