BANGIN NI KAMATAYAN - VIII

1.4K 60 0
                                    

Makalipas ang ilang linggo...

Muling napayapa ang Baryo Tibubos.

Walang patay.

Walang lamay.

Ang huling tao kasing hinanap ni Trixie para paghigantihan ay hindi na duon nakatira.

Iyon ay walang iba kundi si Almario.

Ang tanging lalaking nagpatibok sa musmos nyang puso.

...

Sampung taon lang sya non nung magsimula syang hangaan ang lalaki.

Mabait kasi ito sa kanya nuon kaya naman natutunan nya itong mahalin ng lihim.

Pero noon yon. Nung magkaibigan pa lang sila.

Nung magtapat sya dito ng kanyang damdamin ay harap-harapan sya nitong tinalampak.

Hindi lang sya nito basta ipinahiya sa maraming tao kundi binugbog pa sya nito.

Puro pasa sya non.

Umaagos ang dugo sa kanyang ilong at bibig.

Hindi lang ang katawan nya ang nasugatan kundi maging ang kanyang puso.

...

Ayon sa mga napagtanungan nya matapos raw na magkasunog sa baryo nuon ay hindi na bumalik pa ang pamilya nila Almario.

Nangibang bayan na raw ang mga ito. At duon nagsimula ng panibagong buhay.

Hindi naman sinabi kung saan lumipat ang mga ito kaya nahihirapan si Trixie na gawin ang balak nya dito.

Nag-iingat din kasi sya kaya pinipili nya ang mga taong pinagtatanungan.

Mahirap na. Baka kung kelan isa na lang ay saka pa sya mahuli.

...

Hanggang sa isang araw...

"Hulog ka talaga ng langit sa 'kin Trixie. Tingnan mo... Tingnan mo dali." Namimilog pa ang matang sabi ni Susie habang ipinapakita nya ang laman ng passbook kay Trixie.

"Wow madam dami mo ng ipon." Natutuwang sabi naman nya.

Totoong natutuwa sya sa nangyari sa amo.

Maski naman kasi may pagka-prangka at taklesa ito ay naging mabait naman ito sa kanya.

Hindi tauhan o swelduhan ang turing sa kanya nito kundi mas matimbang pa sa kaibigan--- kapatid, kapamilya.

"Dahil dyan, lilibre ko kayo. Hahaha." Sabi nito sabay ngiti sabay tawa.

"Perahin mo na lang kaya madam? Hehe.." Pagbibiro nya.

"Tseh! Mukam-pera!" Sabi nito.

Natawa na lang si Trixie sa naging facial reaction ni Susie.

"Magsara na kayo. Day off natin ngayon." Sabi nito.

Agad namang kumilos ang dalawa.

Nagwalis si Almira ng mga nagkalat na buhok sa sahig.

Samantalang ipinasok naman ni Trixie sa loob ang mga towels at equipments nila pang foot spa.

Aalisin na sana ni Almira ang OPEN signage nang biglang may dumating na dalawang customer.

"Ay! Sorry po mam, sir. Pero close na po kami." Sabi ni Almira.

"Huh? OPEN po yung nakalagay sa pinto nyo. Anong close?" Maarteng sabi nung babae.

"Matapos naming dayuin 'tong pipitsugin nyong parlor, sasabihin mo close na kayo?" Pagtataray pa rin nito.

Narinig naman iyon ni Susie.

ESMERALDA Book 1Where stories live. Discover now