HEADPHONE - I

3.9K 117 3
                                    

Mugtong-mugto na ang mata ni Teresa kaka-iyak.

Nitong mga huling araw ay may kakaibang nangyayari sa kanya. At hindi nya maiwasang makaramdam ng takot.

Ilang araw na rin syang walang matinong tulog at walang matinong kain.

Madalas nakatulala na lang sya. At konting kaluskos lang ay napapa-igtad na sya at napapahiyaw.

"Aaahhh... Mamaaaa.." Tili nya nang biglang may kumalabit sa likuran nya.

Nung lumingon sya ay muntik na syang mahulog sa kanyang kinauupuan ng makita ang isang batang babae. Mga edad walo.

Ang suot nitong puting bestida ay may bahid ng dugo.

Dugo na nanggagaling mula sa ulo nito.

Umaagos iyon mula sa noo pababa sa suot nitong damit.

"Aaah--- anong kailangan mo? Ba--- bakit ka me dugo?!" Nauutal na tanong ni Teresa sa bata.

Ngunit hindi ito sumagot. Basta na lamang ito nakatingin sa kanya.

Ang mga mata nito ay parang naiiyak.

Nagmamakaawa.

Bagama't kinakabahan at halata na ang takot sa panginginig ng kamay at boses ay hindi maiwasan ni Teresa na maawa at magkaron ng interes sa nangyari sa bata.

"Aah-- ano bang nangyari sayo be? Ha?" Muling tanong nya.

Sa isipan nya ay nahuhulaan na nya kung ano ang sinapit ng bata.

Mukang nasagasaan ito. Na-hit and run.

At kaya siguro ito lumapit sa kanya ay para humingi ng tulong.

"Nasaan ba ang parents mo? Sinong kasama mo ngayon? Jusko! San ka banda naaksidente?" Sunud-sunod na tanong nya sa bata.

Ngunit hindi pa rin ito tumugon. Basta na lamang umagos ang mga luhang kanina pa nito pinipigilan.

Lalo namang nahabag si Teresa.

"Halika dadalhin muna kita sa clinic para mabigyan ka ng first aid. Malayo pa kasi ang ospital dito. Baka kung mapano ka." May pag-aalalang sabi nya sa bata.

Agad syang nagmadali sa pagkilos.

Tumayo sya at kinuha ang kanyang bagpack na nasa katabing upuan lang nakapatong. Isinukbit nya ito sa kanyang likuran.

Ang apat na libro nyang magkakapatong sa ibabaw ng lamesa ay kinuha rin nya at inakap.

Pagkatapos ay muli syang humarap sa bata.

"Lika ka na be bilis." Sabi nya at akmang hahawakan sa kamay ang bata.

Ngunit laking gulat nya nang bigla itong mawala.

"Huh?!" Sambit nya.

Nagsalubong ang kilay nya sa labis na pagtataka.

Nagpalingon-lingon sya upang ito ay hanapin.

Ngunit wala. Hindi nya ito makita kahit saang sulok.

ESMERALDA Book 1Where stories live. Discover now