BANGIN NI KAMATAYAN - X

1.4K 67 10
                                    

Weeks later...

Abala ang mga taga Baryo Tibubos. Ngayon kasi ang araw ng kanilang piyesta.

Ang mga ilaw ng tahanan ay abala sa pagluluto ng iba't-ibang putaheng ihahanda nila sa kanilang hapag-kainan maya-maya.

Ang mga haligi ng tahanan nama'y nasa sabungan.

Bibihira kasing magkaron nuon don. Nagkakaron lang ng sabong kapag piyesta.

Ang mga dalaga't binata nama'y kung wala sa peryahan ay nasa mga tyangge, nagtitingin-tingin at namimili ng kung anu-anong paninda.

Ang mga bata naman ay abala sa pagsali sa iba't-ibang palaro

...

Kinagabihan...

Halos lahat ng tao ay nasa plaza.

Mayroon kasing Miss Gay Pageant na nagaganap.

Malaki ang pa-premyo kung kaya't sabik ang mga tao kung sino ang papalaring mananalo.

...

Ngayong gabi isasakatuparan ni Trixie ang plano kay Almario.

Oo inaamin nyang mahal pa rin nya hanggang ngayon ang lalaki.

Subalit hindi nya papayagan ang damdaming iyon upang maging hadlang sa paghihiganti nya dito.

Ilang araw na nyang pinaghandaan ang gabing ito.

Ang gabing magpapaligaya sa kanya.

Ang gabing magpapalaya sa pagkatao nya.

...

At dumating na nga ang hinihintay nyang sandali.

"Trixie--- (Pause) Trixie mahal kita." Sabi sa kanya ng binata habang hawak nito ang kamay nya.

Nagtapat si Almario dahil alam nyang ganun din ang nararamdaman ng babae sa kanya.

Sa loob ng ilang linggong magkasama sila ay ramdam nyang mahal din sya ng babae.

Ngunit ang inaasahan nyang sagot ay iba.

Ang babaeng masayahin, pala-ngiti at malambing na nakilala nya ay biglang nagbago.

Matapos nitong bawiin ang kamay ay nagsisisigaw ito.

"Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na mahal mo ako! Hindi ka ba nahihiya? Ha? Tingnan mo nga yang sarili mo. Hindi ka ba nandidiri? Kung hinde, ako oo. At para sa kaalaman mo sukang-suka ako sa pagmumuka mo. Gagu ka! Mapagsamantala ka!"

Kung ikinagulat iyon ng mga tao sa paligid, mas ikinagulat iyon ni Almario.

Hindi nya alam kung bakit biglang nagalit ang dalaga sa kanya.

Hindi nya alam kung bakit ito biglang nagbago samantalang okay naman sila kanina.

Masaya pa nga sila at magkahawak-kamay pa nung pumunta ng plaza.

"A--- ano bang pinagsasasabi mo Trixie? M--- may nagawa ba akong mali? Bakit nagkaganyan ka?!" Maluha-luhang tanong ni Almario.

Wala na syang pakialam kung pinagtitinginan pa sila ng mga tao.

Ang mahalaga ay malaman nya kung bakit biglang nagbago ng pakikitungo sa kanya ang dalaga.

"Ambilis mo naman makalimot Almario." Malungkot na sabi ni Trixie habang nakatingin sa lalaki.

Pagkatapos non ay umagos na ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.

"Di kita maintindihan Trixie. Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong nito.

ESMERALDA Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon