KAMBAL - VI

1.3K 59 1
                                    

Pinilit ni Isadora na kumilos kahit antok na antok sya.

Ayaw na nga sana nyang pumasok. Pero hindi naman sya pwedeng umabsent on the spot.

Kung liliban sya sa trabaho dapat ay mag-aabiso sya ng maaga sa kanyang bisor.

Para makahanap ito ng reliever nya.

...

Gaya ng nakagawian ay nagsaing at nagluto ng ulam si Isadora para sa kanila ni Amara.

Hanggang hapunan na iyon.

Pagkatapos maligo ay gumayak na rin sya upang pumasok sa trabaho.

Pero bago sya umalis ng bahay ay sinilip nya muna ang kaibigang mahimbing pa ring natutulog.

Hindi ko alam kung ano talagang nangyayari sa'yo Amara.

Sa sobrang lungkot kaya mo ba ginagaya ang kakambal mong si Akira?

Pero saan ka nagpunta kagabi?

At bakit ka umuwing duguan?

Anong ginawa mo???

Nag-aalala ako sa'yo ng sobra Amara.

At hindi ako titigil hangga't di ko nalalaman ang totoo.

Usal nya sa isip nya.

.....

At dahil puyat, halos pumikit na ang mga mata ni Isadora habang sya ay naka-duty.

Naka-ilang tampal sya sa sariling pisngi para lang magising ang diwa nya.

Nakipag-chikahan din sya sa mga kapwa nya sales lady.

Nagbabaka-sakaling mabubuhay ang dugo nya.

Pero ganun pa rin, hinihila pa rin yung mata nya ng sobrang antok.

Kung pwede nga lang nyang hilain ang oras para makauwi na ay ginawa na nya kanina pa.

At laking pasasalamat nya nung sumapit na ang closing ng mall.

...

Sa byahe...

"Miss? Miss gising na. Dulo na." Sabi ng babae habang niyuyugyog ang balikat ng katabi.

Napabalikwas naman si Isadora.

"Huh?! Nakuu lagpas na ko." Nag-aalalang sambit nya habang nakasilip sa labas ng bintana.

Dahil sa sobrang antok ay hindi na nya napigilang makatulog sa byahe.

"Lagpas ka na?" Tanong ng babae sa kanya nung makababa sila ng jeep.

"Oo. Hindi bale lalakarin ko na lang. Dalawang kanto lang naman eh." Sabi nya.

Madalang na kasi ang jeep kapag ganung oras.

Kung maghihintay sya ay siguradong aabutin sya ng siyam-siyam.

"Samahan na kita. Ayoko pa namang umuwi eh." Sabi sa kanya ng babae.

"Huh?! Naku wag na nakakahiya." Sabi nya.

Oo natatakot syang maglakad mag-isa lalo't gabi na. Pero ayaw naman nyang makaabala.

"Hinde. Okay lang. Ako nga pala si Esmeralda. Ikaw?" Sabi ng babae sa kanya habang sila ay naglalakad.

"Isadora. Ako si Isadora." Sagot nya.

"Ang haba din pala ng pangalan mo. Esme na lang itawag mo sa akin. At Issa naman ang itatawag ko sa'yo. Okay lang ba? Para umiksi. Hihihi.." Sabi ni Esmeralda.

ESMERALDA Book 1Where stories live. Discover now