HEADPHONE - VI

1.8K 69 0
                                    

Sa inn...

"Handa ka na ba Teresa?" Tanong ni Esme.

Magkaharap silang nakaupo ngayon sa kama.

"Oo Esme. Handang-handa na ako." Sagot naman ni Teresa.

Pagkatapos ay naghawak sila ng kamay.

Nagtitigan..

Hanggang sa..

.....

Flashback...

11:00PM

Ginabi ng uwi si Teresa dahil marami silang ginawang project sa bahay ni Mara, ang kaklase at kagrupo nya.

Ang bahay ni Mara ay dalawang kanto lang mula sa kanilang eskwelahan.

"O pano kita na lang tayo bukas ha?" Sabi ni Mara pagkahatid nya kay Teresa sa may kanto.

"Oo sige. Salamat sa dinner ha. Sabihin mo sa mama mo ang sarap nya magluto." Nakangiting sabi ni Teresa.

"Haha. Oo sige, makakarating. O sya uwi na ko. Ingat ka ha?" Sabi ni Mara.

...

Makalipas ang trenta minutos ay hindi pa rin nakakasakay si Teresa.

Madalang na kasi ang pampasaherong jeep kapag ganung oras.

Nagpasya syang maglakad.

Dun sa may kanto ng school nya planong mag-abang ng masasakyan.

Madalang na rin ang tricycle don pero sigurado naman sya na may dadating.

...

Habang naglalakad ay naisipan nyang makinig ng music.

Medyo inaantok na rin kasi sya kaya kailangan nya ng mapaglilibangan.

Matapos isuot ang headphone ay muli syang nagpatuloy sa paglalakad.

...

Makalipas ang ilang minuto ay narating din nya ang paradahan ng tricycle.

Naupo sya sa waiting shed at nag-abang ng masasakyan.

Samantala sa kabilang kanto, ang matandang tindera ay nagsimula ng magligpit ng kanyang paninda.

Sa isang di kalakihang bayong, dun nya isinasalansan ang kanyang mga pinagkakakitaan.

Maya-maya ay bigla itong nahilo at natumba.

Napaupo ito sa lumang plastic na upuan na sya nitong ginagamit kapag nagtitinda.

Sapu-sapo nito ang naninikip na dibdib.

"Tuloooong... Tulungan nyo kooo.." Paghingi nito ng saklolo.

Pero sa kasamaang-palad ay wala ng dumadaang tao sa lugar na iyon..

Maliban kay Teresa na nasa kabilang kanto.

Muli syang sumigaw at humingi ng saklolo.

"Ineeeeng... Tuloooong... Tulungan mo akooooo.." Hirap na hirap na sigaw nya.

Halos wala ng boses na lumalabas sa bibig nya dahil sa hirap na nararamdaman at dala na rin ng katandaan.

Abala naman si Teresa sa pagkalikot sa cellphone nya kaya hindi nya napansin ang nangyayari sa matanda.

May mga files kasi syang inaayos duon, para bukas ay ipi-print out na lang nya.

"Aaaah hah.." Paghikab nya.

ESMERALDA Book 1Where stories live. Discover now