BANGIN NI KAMATAYAN - II

1.5K 66 0
                                    

Kinabukasan...

"Nanay Mameng lalakad na ho ako." Paalam ni Trixie sa ginang.

"Aba'y mag-alamusal ka muna iha." Awat nito sa kanya.

"Mamaya na lang ho Nay pagbalik ko." Sabi nya.

"O sya ikaw ang bahala. Mag-ingat ka ha'ne. Kung hindi mo matunton yung sinasabi kong bahay, magtanung-tanong ka na lang ha. Para hindi ka maligaw." Bilin nito sa kanya.

Ngayong araw na ito ay maghahanap sya mapakakakitaan habang naruon sya sa Baryo Tibubos.

Nabanggit nya kay Aling Mameng kung ano ang nalalaman nyang trabaho at sinabi nito sa kanya na merong parlor malapit sa plaza.

Pasara na daw iyon dahil wala namang gaanong costumer. Pero subukan pa rin daw nyang mag-apply.

...

Medyo malayo ang plaza mula sa bahay ni Aling Mameng. Pero hindi sumakay ng tricycle si Trixie.

Nais nyang maglakad-lakad upang makapagmasid sya sa paligid.

"Ang dami ng nagbago dito. Narito pa kaya ang mga taong binalikan ko?" Tanong nya sa sarili nya.

Pero sa isip nya ay nananalangin sya na sana nga ay narito pa ang mga taong tinutukoy nya. Upang nang sa ganon ay hindi naman masayang ang pagbabalik nya.

Pinaghandaan nya ang araw na ito kaya hindi pwedeng mauwi lang iyon sa wala.

...

Hanggang sa mapatapat sya sa bahay ni Aling Jona.

Muling nanariwa sa kanya ang nakaraan...

"Aling Jona baka ho meron kayong tirang pagkain dyan. Nakikiusap ho ako. Kahit konti lang ho, para ho sa lola ko."

Pakiusap ng bata.

"Ano? Baket anong palagay mo sa pagkain namin, pinupulot? Umalis ka na nga. Dun, dun ka sa iba mambwiset. Letseng bata to!"

Singhal ni Aling Jona.

Walang nagawa ang paslit kundi ang umiyak ng umiyak.

...

Nangilid naman ang luha sa mga mata ni Trixie.

Malinaw nya kasing nakita ang pagmamalupit sa kanya ng ginang sampung taon na ang nakakaraan.

Magbabayad ka!

Pinapangako ko na pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!

Banta ni Trixie sa isipan nya.

...

"Hi Miss. May hinahanap ka?" Tanong ng isang lalaki sa kanyang likuran.

Napansin kasi nito ang pagtanaw-tanaw ni Trixie sa loob ng kanilang bahay.

"Huh?! Ahh--- wala. Ay! Meron pala." Nalilitong sagot nya habang pasimple nyang pinupunasan ang luhang pumatak mula sa mata nya.

"Taga-Manila ka no?" Tanong nito sa kanya.

Tumango naman sya.

"May kailangan ka ba sa tatay ko? Or sa nanay ko kaya?" Tanong nito sa kanya.

Hindi naka-imik agad si Trixie.

Basta lang sya napatitig sa muka ng lalaki na para bang sini-sino nya ito.

Anak sya ni Aling Jona?! Sya na kaya si---

At muli na namang naglakbay ang kanyang diwa...

"O nandito ka na naman. Pag ikaw nakita ng nanay, yari ka. Umalis ka nga! Susuntukin na kita riyan eh."

ESMERALDA Book 1Where stories live. Discover now