BANGIN NI KAMATAYAN - V

1.5K 69 3
                                    

Matuling lumipas ang mga araw.

Naihatid na sa huling hantungan si Joel.

Si Isabel?

Wala pa ring nakakaalam kung anong sinapit nya.

Ang buong akala kasi ng mga magulang nya ay natuloy lang sya pa-Maynila.

Niyaya kasi sya ng kaibigan, mag-aanak daw ng binyag. At nabanggit na nya iyon sa ama't ina.

Hindi kasi ugali ni Isabel ang magpaalam. Lumaki kasi syang spoiled brat.

Karamihan sa mga desisyon nya ay hindi nya ikinukunsulta sa magulang.

Kaya naman buong akala ng pamilya nito ay nasa Maynila lamang sya.

.....

Sa parlor...

"Woooow! Ang ganda ganda ko naman." Di makapaniwalang sambit ng customer pagkatapos itong ayusan ni Trixie.

"Sabi sayo eh magaling to." May pagmamalaki namang sabi ni Susie pagkatapos ay kinindatan nya si Trixie.

"Hayaan mo irerekomenda ko sa mga kaibigan ko itong parlor mo. Sasabihin ko kung gaano kagaling itong beautician mo." Sabi nito habang panay ang tingin sa salamin.

Dahil satisfied sya sa trabaho ni Trixie, nagbigay sya ng malaking tip.

"Thank you madam." Sabi ni Trixie.

"Your welcome. And thank you rin. Promise, babalik ako. At may isasama pa akong iba." Nakangiting sabi nito pagkatapos ay naglakad na ito palabas ng parlor.

Pagkabukas nito ng pinto ay nakarinig sila ng commotion sa labas.

"Anu yon? Ba't parang may away?" Tanong ni Susie.

"May gulo yata eh." Panghuhula naman nung customer na naantala ang paglabas dahil sa mga taong nagtatakbuhan.

Para malaman ang dahilan ng ingay ay lumabas na rin ng parlor sina Susie at Trixie.

Isang lalaking humahangos ang hinarang ni Susie.

"Teban anong nangyayare? Bakit parang nagkakagulo ang mga tao?" Tanong nya rito.

"Si Isabeeel... Si Isabeeel..."

Biglang sigaw ng isang babae mula sa di kalayuan.

"Ano daw? Si Isabel? Baket? Ano daw nangyare?" Sunud-sunod na tanong ni Susie kay Teban.

Si Trixie naman ay kampante lang na nakikinig sa amo.

"Si--- si Isabel patay na. Na--- natagpuan ang bangkay nya sa--- sa ibaba ng bangin." Pahinto-hintong sagot nito dahil sa sobrang hingal kakatakbo.

Natigalgal naman si Susie sa narinig.

Hindi sya makapaniwala sa masamang balita.

"Kaya pala hindi na sya nagpupunta dito. (Pause) Kaya pala di na rin sya nagtetext sa akin. (Pause) Kaya pala.." Nakatulalang sambit ni Susie.

Ang layo ng tingin nito. Tagus-tagusan talaga.

Lihim namang napangiti si Trixie.

.....

Kinagabihan...

Muling nagkaisa ang mga taga Baryo Tibubos.

Halos lahat ay nakipaglamay kay Isabel.

Kabilang na roon sila Mameng at Trixie.

...

Samantala sa loob ng bahay...

ESMERALDA Book 1On viuen les histories. Descobreix ara