HEADPHONE - V

1.8K 81 0
                                    

Biglang nagising ang diwa ni Teresa.

Hingal na hingal sya.

Para syang galing sa malayong paglalakbay dahil uhaw na uhaw ang pakiramdam nya.

"Esme?!" Sambit nya sa babaeng nasa harapan nya.

"Nakita mo Teresa? Nakita mo ba? (Pause) Ngayon alam mo na." May halong paninising sabi ni Esme sa kanya.

Sunud-sunod ang pag-iling na ginawa nya.

"H--hindi ko alam. H--hindi ko sinasadya. Huhu.. Sorry Lexi.. Sorrrry. Huhu.." May pagsisising sambit naman nya.

Wala na syang ibang nasabi kay Esme. Basta na lang sya humagulgol ng iyak.

...

Kinaumagahan ay agad lumuwas ng Manila ang dalawa.

Pinuntahan nila ang pamilya ni Lexi.

"Magandang araw be. Dito ba nakatira si Lexi? Si Lexi--- Mallares?" Tanong ni Teresa sa babaeng nasa edad kinse.

Bumalatay naman ang lungkot sa mukha ng dalagita pagkarinig sa pangalan ng ate nya.

"Si--- (Pause) Si ate Lexi po? W-wala na po sya. Pa-- patay na po sya." Sagot nito pagkatapos ay tumulo ang masaganang luha sa mga mata nito.

Biglang nakaramdam ng awa si Teresa. Di sya nakapiyok.

"Nakikiramay kami sa nangyari sa ate mo. (Pause) Maaari ba naming makausap ang parents mo?" Singit ni Esme.

"Opo. Tuloy po kayo." Sabi nito.

...

Napansin ni Teresa na hirap sa paglalakad ang ama ni Lexi. Lalo tuloy syang nakaramdam ng awa.

"Kaibigan ba kayo ni Lexi?" Tanong ni Paz, ang ina ni Lexi.

"O-opo. Nagkasama po kami sa boarding house ni Lexi. Room mate po nya ako." Sagot ni Teresa.

"Ah ikaw ba yung madalas nyang ikuwento sa amin?" Sabi ni Danny, ang ama ni Lexi.

"Po? Na--naikukwento po nya ako sa inyo?!" Gulat na tanong ni Teresa.

"Di ako sigurado kung ikaw nga yung Teresang iyon. Pero meron syang kaibigan na madalas na ikinukuwento sa amin. Yun nga, Teresa daw ang pangalan. Anak-mayaman daw yon. Kasama nya sa kwartong inuupuhan dun sa Sta. Mesa. Napakabait daw non sa kanya. Madalas pag umuuwi yun dito, lahat ng pera nya ibinibigay nyang lahat sa amin. Nagagalit nga ako kasi halos wala na syang itira para sa kanya. Pero sabi naman nya wag daw kaming mag-alala dahil may tumutulong naman daw sa kanya, si Teresa nga." Malungkot na kwento ni Paz.

Napaluha naman si Teresa sa narinig.

Hindi nya alam na ganun pala talaga kabait na anak si Lexi. Ito pala ang sumusuporta sa pamilya.

Nag-aaral ito sa umaga at kumakayod naman sa gabi, upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Nagsisinungaling pa ito upang mapagtakpan ang kagipitan. Ginamit pa ang pangalan nya, na sya raw ang tumutulong dito financially.

Pero ang totoo, hindi naman. Ang perang inuuwi ni Lexi sa pamilya ay mula lahat sa pagod at paghihirap nito.

"Napakabait ng ate Lexi. Sya po ang nagpapaaral sa akin. Pano na ko ngayong wala na sya? Huhuhu.." Sambit naman ni Ana pagkatapos ay muli itong umiyak.

Napaluha na rin ang mag-asawa.

Bigla namang inalipin ng konsensya si Teresa dahil sa nakikitang paghihirap ng kalooban ng pamilya ni Lexi.

ESMERALDA Book 1Where stories live. Discover now