BANGIN NI KAMATAYAN - III

1.5K 63 4
                                    

TOK! TOK! TOK!

"Trixie? Trixie okay ka na ba iha? Halika na kakain na tayo." Sabi ni Aling Mameng.

"Sige po susunod na ako." Sagot naman ni Trixie.

"Tsk! Tsk! Kawawang bata. Ke bago-bago pa lang dito, mukang mato-trauma pa ata dahil sa nangyare." Usal ni Aling Mameng bago ito umalis sa harapan ng pinto ng kwartong inookupa ni Trixie.

Hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ni Trixie.

At natutuwa sya sa mga nangyayari.

Hahayaan na lang nya na isipin ni Mameng na sya ay nabigla at na-trauma sa nangyari kay Joel para hindi ito magduda o maghinala sa kanya.

...

Sa hapag-kainan...

"Gusto mo bang sumama sa akin mamaya makipaglamay?" Tanong ni Mameng.

"Po? Ahm---" Bitin na sagot ni Trixie.

"Okay lang naman kung ayaw mo. Gusto ko lang naman sanang isama ka para makakilala ka pa ng iba. Pero kung hindi mo kaya, hindi kita pipilitin iha. May susunod na araw pa naman." Sabi nito.

"Sasama po ako." Mabilis na sagot ni Trixie.

"Sigurado ka ba?" Naninigurong tanong nito.

"Opo. Okay naman na po ako. Nabigla lang po talaga ako kanina." Sabi nya.

"O sya sasama ka kung sasama ka. Mamayang alas otso tayo pupunta don. Kaya pagkatapos kumain mag-ready ka na rin ha." Sabi nito.

...

Sa lamay...

"O ayan na pala si Aling Mameng eh." Sambit ng isang ginang nang matanaw ang pagdating nila ni Trixie.

Pagdating sa burol ay hindi agad nakapasok ang dalawa sa loob ng bahay sapagkat naharang sila ng mga kapitbahay na nauna ng makipaglamay.

"Sya ba Aling Mameng? Sya ba yung kasama ni Joel kanina nung aksidente itong mahulog sa bangin?" Tanong ng isang ale habang nakatingin kat Trixie.

"Oo Bidang. Sya si Trixie, ang bagong tenant ko. (Pause) Ayon sa kanya pauwi na raw sila kanina nung mangyari iyon. Nung mapadaan daw sila don sa bangin bigla na lang raw naupo si Joel sa may gilid. Sinubukan pa raw nyang sawayin ang binata. Pero hindi raw ito nakinig. Maya-maya nga raw ay nagulat na lang sya dahil nahulog na nga si Joel." Pagkukwento ni Mameng.

"Tsk! Kawawang bata. Kung bakit naman kasi kahilig nilang magpunta duon maski alam na nilang delikado yung lugar na iyon." Sambit ni Talè.

"Bakit naman kasi napunta kayo duon, ha ineng? Sa pagkakakwento nitong si Mameng kahapon ay sa may Plaza ang tungo mo, ninyo ni Joel. Ano't nagawi kayo sa may bangin?" Usisa naman ng isang lalaking nasa edad sitenta.

"Po? Ahh--- ano po kase---" Sagot ng nabiglang si Trixie.

"Ka Berto maaari ho bang wag na muna natin syang usisain. Pagpahingahin ho muna natin ang isip nya. Shocked pa ho kasi sya sa nangyare. (Pause) Mabuti nga't nayaya ko pang magpunta yan rito. Aba! Pagkarating kahapon sa bahay eh nagkulong na ng kwarto. Hindi na nga nakakain ng tanghalian eh. Gabi na nung lumabas." Sabi ni Aling Mameng.

"Sya nga naman ho Ka Berto. Hayaan na ho muna natin sya." Sabi ni Talè pagkatapos ay bumaling ito kay Trixie.

"Pasensya ka na ha. Hindi lang kasi namin maiwasang hindi magtanong. Maski naman kasi may pagka-maloko yang si Joel eh mabait din naman yang batang yan. At saka nag-iisang anak na lalaki ni Jona yan kaya masakit talaga yung pangyayari." Dugtong nya.

Wala namang naisagot si Trixie. Ngumiti lang sya kay Aling Talè pagkatapos ay muli nyang inilibot ang paningin sa mga taong nakikipaglamay.

Nagbabaka-sakali kasi sya na may makikitang dating kakilala, mga taong nang-api sa kanila nuon.

Paglingon nya sa likuran ay bigla syang nagulat.

Muntik na kasi silang magka-untugan ni Aling Jona.

"Naku sorry po. Pasensya na po." Hinging-paumanhin ni Trixie.

Pero maya-maya lang tumalim na ang tingin nito kay Aling Jona.

Hindi naman iyon napansin ng ginang sapagkat nabaling na ang atensyon nito sa mga kapit-bahay.

"Nakikiramay kami sa pagkamatay ni Joel. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa kanya." Sabi ni Aling Mameng kay Jona.

"Salamat Aling Mameng." Malungkot na sagot nito pagkatapos ay napaupo ito sa silya na para bang nauupos na kandila.

"Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyare. (Pause) Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos na mapaniwalaan na wala na nga ang anak ko. (Pause) Napakabilis ng pangyayari. (Pause) Parang panaginip lang ang lahat. Parang hindi totoo." Nakatulalang sabi nito pagkatapos ay bigla na lang itong lumuha.

Ang tahimik nitong pag-iyak ay unti-unting lumakas.

Hanggang sa nauwi na iyon sa hagulgol.

"Joel anak kooo.. Huhuu... Ba't mo iniwan ang nanay? Hindi ko kaya anak huhu... Hindi pa ako handang mawala kaaa..  Joeeel... Isama mo na lang ako anak ko.. Huhuhu... Joeeel... Joeeeel..." Tangis nito.

"Alam naming masakit Jona. Pero kailangang lak'san mo ang loob mo. Kaya mo yan Jona. Kaya mo yan." Pag-aalo naman ni Aling Mameng at ng iba pa pang kababaihan.

Wala namang reaksyon si Trixie.

Nakatitig lang sya sa naghihisterikal na ginang habang bumubulong ng...

Huwag kang mag-alala Jona, masusunod ang gusto mo. Maghintay ka lang...

...

Maya-maya...

"Huy Trixie! Nandito ka rin pala?" Sabi ni Susie.

Namataan nya kanina si Trixie kaya naman nilapitan nya ito, upang ipaalala na bukas ang umpisa ng trabaho nito.

"Uy madam ikaw pala. Sino yang kasama nyo?" Nakangiting tanong nya habang nakatingin sa babaeng kasama nito.

Pero sa sulok ng mga mata nya ay may nag-aapoy na galit.

Dahil hinding-hindi nya malilimutan ang babaeng iyon.

Flashback...

RECESS TIME:

"Pustahan tayo o magtatago na naman yan dun sa sulok. Hahaha. Pa'no isda na naman ang ulam nya. Yuuuuuck..." Pangungutya ng batang si Isabel.

Nagsitawanan naman ang mga kaklase nya.

Walang nagawa ang batang kinukutya kundi ang yumuko at tahimik na umiyak.

Hindi nya inilabas ang baon nya nuon maski kumakalam na ang sikmura nya.

Tiniis nya ang gutom upang hindi na sya mapagtawanan at kutyain pa ng mga kaklase, sa pamumuno nga ng batang Isabel.

Pero maski isda lang ang ulam nya ay ayos lang sa kanya. Paborito nga nya iyon dahil luto iyon ng lola nya.

Hindi sya magsasawa kahit kelan, basta gawa at luto lang ng lola nya.

Subalit ang batang si Isabel ay sadyang sutil.

Kinuha nito ang baunan na nakatago na sa loob ng bag.

Inilabas nya iyon.

Pagkatapos...

"Sabi na eh isda na naman. Kaya lumalansa ang amoy ng classroom eh dahil sayo." Sabi nito.

Ngunit hindi pa rin ito nakutento sa pagpapahiya sa batang nag-iiyak na ngayon.

Matapos nyang buksan ang baunan ay ibinuhos nya ito sa ulo ng batang kawawa.

Imbis na umawat naman ang iba ay lalo pa iyong nagtawanan.

End of flashback....

**********

Itutuloy...

ESMERALDA Book 1Where stories live. Discover now