|•8•|: Confession

Start from the beginning
                                        

Dinial ko agad yung number ni Ashikira. Syempre pag ganito, lagi ko syang ginugulo. Hihi.

"Yow, what's up Liya? So anong nangyari sa pag-amin mo kay Nico?" Bungad nya.

Kumunot ang noo ko. Paano nya nalaman na umamin na ako kay Nico?

"Pa'no mo nalaman na umamin na ako, ha Ashikira?" Taas-kilay na tanong ko.

Tumawa sya sa kabilang linya. ["I can sense it, Liya. And duh alam kong gagawin ni Nic lahat para mapansin ka na ng manhid nyang kapatid. Syempre, dahil nga 'meet and greet' ang peg ni Nic, kinuha mo na yung pagkakataon na umamin kay Nico. You risked para mapansin ka na nya at malaman nyang mahal mo sya. You did a now-or-never scene there. So ano nga nangyari?"] Mahabang sabi nya.

"Grabe, tinanong mo pa kung anong nangyari eh halos ikwento mo na nga kung anong ginawa ko dun." Sarkastikong sagot ko.

Natawa naman sya. ["Sorry, that's just my conclusion. Anyway, ano nga? Anong nangyari pag amin mo?"] Tanong nya.

Kwinento ko sakanya yung nangyari. Tahimik lang syang nakikinig habang nagsasalita ako. Pagtapos kong magkwento ay tahimik pa din sya kaya akala ko naputol na yung linya.

"Huy, Ashi, nanjan ka pa ba?" Tanong ko.

Narinig kong tumikhim sya. ["Yeah, I'm still here."] Sagot nya.

"So ano? Wala ka man lang comment?"

["I-I'm just shocked, sorry. Hindi ko kasi akalain na ganon talaga kalakas yung loob mo. As in! Straight to the point ka girl! Walang pasikot-sikot! Straight na straight!"] Sigaw nya.

Natawa ako, "Ayaw mo nu'n? Naka-amin na ako sakanya, hehehehe."

["Grabe ka girl! Yes, I'm proud of what you did pero girl, parang ang kapal ng mukha mo sa part na tinanong mo sya nang "do you like me too"."] Natatawang sabi ni Ashi.

Kingina kaibigan ko ba talaga 'to?

Alam kong ang kapal ng mukha ko sa part na yun, sa part na tinanong ko sya pero duh umasa lang naman ako. Yun nga lang, umasa sa wala.

Napasimangot ako. "Ang sama mo, Ashi! Eh kasi naman eh.. diba? Yung sa mga movies pag umamin kang gusto mo yung tao, ila-like back ka nya?"

["Gaga! Iba ang movies sa totoong buhay. Ano akala mo, mala prince charming si Nico tapos ikaw prinsesa nya? Tapos pag-umamin ka sakanya aamin din sya at sasabihin sa'yong "I love you too my honey bunch sugar plump cupcake with a cherry on top. I love you too my queen." With matching kiss sa lips gano'n?!"]

["Liya, sa panahon ngayon wala nang gano'ng lalaki. Wala na nang prince charming! Wala ng Romeo ni Juliet! Si Don Juan nga sa ibong adarna chickboy den eh. Tapos ikaw umaasa ka pa sa ganyan, eh hindi ka nga macrushback ni Nico. Hindi ka nga pinapansin eh!!!"] Mahabang pagbasag nya sa trip ko.

Yung totoo?! Bestfriend ko ba talaga 'to?!

Alam ko, alam kong wala nang gano'ng lalaki sa mundo ngayon. Kasi sa panahon ngayon, ang mga lalaki ginagawang paboritong laro ang pananakit at pagpa-paasa sa mga babae. Kasi parang tumataas ang ego nila at feeling nila mas lalo silang gumagwapo sa paglaro ng feelings ng babae. Hindi nila alam, sa paningin ng mga babae, mukha silang tanga. Panget ng ugali, akala mo gwapo.

Sa panahon ngayon, bibihira ka na lang makatagpo ng lalaking alam ang halaga ng babae. Sa wattpad at sa mga libro lang ata merong ganu'n eh. Pero umaasa pa din ako, umaasa na merong Romeo na nage-exist, may Eduard na vampire, at Jason na wolf.

Ang kaso, sa panahon din ngayon, pati babae manloloko na. Hay nako, tulad ni.. ni Andrea---joke baka magalit yung ISA jan na mahal pa ex nyang kinalimutan na sya.

Kung ako na lang kasi minahal nya edi sana may kayakap pa sya buong mag damag. Bwisit. Arte-arte 'kala mo gwapo----char gwapo pala hehehe.

"Alam mo Ashi, panira ka 'no?! Minsan na nga lang ako umasa na magkakaro'n kami ng happy ending ni Nico umeepal ka pa. Kainis!" Inis na sabi ko.

Rinig ko syang tumawa. ["Girl, sabi ko sayo, wag ka nang managinip at umasa na mamahalin ka ni Nico. I know, dapat supportahan kita sa kaek-ekan mo. But, I'd rather hurt you with the reality than see you crying because of lies. I just don't want to see you cry again because I love you, you're my best friend. And seeing you cry makes me cry too."] Sabi nya.

Aww natouch akooo

"Aww pinapaiyak mo naman ako." Madramang sabi ko. "I love you too, Ashi." Sabi ko.

["Okay tama na drama, hindi bagay sa'tin eh hahaha. Sige na aalis pa kami eh. Sayonara!!"] Aniya.

"Bye." Sagot ko saka pinatay yung tawag.

Tinignan ko ulit yung Laptop ko. Ano na kayang ginagawa ni Nico ngayon? Nag-log out na ako sa Facebook ko at nag-twitter na lang. Madami akong notifs sa Twitter dahil matagal-tagal na din ng huli ko itong binuksan.

Mochii♥️ Follows you-- join Yo yo yo and 2 others in following them.

Mella Eva requested to follow you.

Recent tweet from Carla
School works + Stress = pagod.

Recent tweet from Nico
Confused.

Recommend For You
I have a crush on you.

Recent tweet from Nico
I don't like her.

Napatingin ako sa tweets ni Nico. Confused pati I don't like her? Sino kaya yun? Ako ba? Ako ba yung sinasabihan nyang hindi nya gusto?

Oo. Sabi ng isang bahagi sa isipan ko.

'I don't like you'

'I don't like you'

'I don't like you'

Nalungkot ako bigla sa isiping iyon. Oo nga pala, sinabi na kanina ni Nico na ako ang hindi nya gusto. So it means, ako ang pinari-ringgan nya sa tweet nya.

Nagtweet na lang ako.

Ari
@AriyanaCaliya
Umamin na ako kay Crush! Guess what? He doesn't like me back.

Pinatay ko na yung laptop ko saka ito nilagay sa study table ko. Pinatay ko na din ang ilaw ng kwarto at tinira ang moon lamp ko. Saka ako humiga sa kama. Tinititigan ko lang ang kisame hanggang sa matulog ako.

Bukas may bago na akong isasagawang Plano at iyon ay ang..

Operation: Kulitin si crush.


|•|•|•|•|•|

A/N: sorry sa matagal na update, by the way guys HAPPY NEW YEAR!!!

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now