|•8•|: Confession

Start from the beginning
                                        

Notifications

Ashikira Yamaha reacted on the post you shared. 5 mins ago.

Yuan Kyle Nishiuchi reacted on the video you shared. 31mins ago.

Nicole Xyrille Desuasido updated her status. 45mins ago.

Nico Raze Desuasido reacted on your profile picture. 1hr ago.

Charmella Evangeline sent you a friend request. 1hr ago.

Carlos Wayne, Ashikira Yamaha and 2 others reacted on the photo you shared. 2hrs ago.

Marco Vergel reacted on your status. 2hrs ago.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Nico Raze Desuasido reacted on your profile picture. Wahhh!!! Nakita kong pinusuan nya ang Profile pic ko kaya halos lumuwa ang eyeballs ko dahil sa gulat.

Mabilis kong tinanggal ang laptop ko sa lap ko at nagtatalon sa kama. Potekk!! Ang sayaaa!!!

"Yaahhhhh!!!!!! Pinusuan ni Nico Dp ko! Pinusuan ni Nico dp ko!!!!!!!! Waaahhhhhhhhhhhh!!!" Tili ko at nagtatalon.

"Anak! Ano ba?! Anong tinatalon-talon mo---anak!" Sigaw ni mama nang maout of balance ako.

Sa sobrang gulat ko sa biglaang pagpasok ni mama ay dire-diretso akong nalaglag sa sahig. Aguyy!! Ang sakit!

"Ano bang nangyayari sa'yong bata ka!" Ani mama at tinulungan ako tumayo.

Putek! Ang sakit ng pwet ko dun huhuhu. Parang pinalo ako sa pwet ng sampung demonyo huhu.

"Hehe, a-ayos lang ako ma." Sagot ko kahit na sobrang sakit talaga ng pwet ko dun!

"Ayan! Tatanga-tanga ka kase! Kung ano-anong ginagawa mo! Ayan tuloy nahulog ka! Akala mo naman may sasalo sayo?! Yan kakaasa mo, Ikaw pa nasaktan!" Sermon ni mama.

Grabe ang harsh naman nito ni mama.

Ganito talaga si mama, sa una mukha syang mabait. Pero grabe ang ingay nyan pag nagsesermon. Parang Ratatatatatt boogshh boogsh pew pew pew wiwong wiwong wiwong tarararrart bowgsh bowgsh! Ganon.

"Ma! Kelan ka pa natutong humugot?" Tanong ko sakanya.

"Syempre anak, millennial na din ang mama mo, ano." Natatawang aniya kaya natawa din ako.

Close kami ni mama pero mas close kami ni papa. Ewan ko, pareho kasi kami ni papa na napapatakip sa tenga pag nanenermon si mama. Tapos madalas akong pinagtatanggol ni papa kay mama. Pero kadalasan pag pinagtatangol ako ni papa tumitiklop sya kay mama. Nakakatakot kasi talaga si mama.

Kumbaga tapang-tapangan lang si papa pag pinagtatangol ako, kasi ang totoo, takot sya kay mama.

Ang cute nga eh, gusto ko din ng relasyon ng parang kay mama at papa. Si papa kasi talaga takot at under kay mama. Ang cute lang haha. Yung lalaki pa takot sa babae haha.

"Talaga ma? Hindi halata sa mukha mo eh." Biro ko kaya binatukan nya ako kunwari.

"Ikaw talaga.. osya, sige na may gagawin pa ako. Akala ko kasi may nangyari sayo kaya tili ka ng tili jan eh."

Ngumiti ako kay mama, "Wala naman ma, kinilig lang ako hehe." Sambit ko.

"Osya, mauna na nga ako. Ituloy mo na 'yang kilig mo." Aniya pa at lumabas na ng kwarto ko.

Kinuha ko muli yung laptop ko at tinignan yung notif. Napatili ulit ako nang makita kong ni-heart ni Nico yung dp ko.

Sheemmmss mamatay na ko!!!

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now