|•8•|: Confession

Start from the beginning
                                        

"Y-Yeah, I know." Sagot ko at kinain yung cake.

"S-So Yana, will you still have a crush on my brother now that you know h-he doesn't l-like you?" Nag-aalangan na tanong ni Cole.

"Of course, just like what I've said Nicole. I will never stop liking your brother." I said happily.

Ngumiti si Yana, "That's my friend." Proud na sabi nya. "I still don't know why my brother doesn't like you, I mean, you have everything Yana. You're kind, you're pretty, you're an artist, okay medyo sumablay tayo du'n sa matalino haha." Sabi nya kaya natawa din ako.

"Grabe ka, matalino kaya ako. Tinago ko lang." Sagot ko at tumawa.

"Hahahaha, oo tinago mo tapos hindi mo na alam kung sa'n mo tinago." Aniya at pareho kami natawa.

We spent the afternoon talking and laughing. Nang mag-dilim na ay syempre kinailangan ko na umuwi.

"Thank you for the snacks, Cole. And thank you for the effort. I really appreciate it." Sabi ko kay Cole at ngumiti.

"You're welcome, Yana. If you just need anything, just contact me." Sagot nya at ngumiti din.

Niyakap ko sya then we bid our good-byes. Naglakad na ako papunta sa bahay, syempre malapit lang bahay namin dito, alangan namang mag-taxi pa 'ko diba? Edi nagsayang lang ako ng pera.

Nang makarating ako sa bahay ay nandu'n na sila mama at papa. Kasalukuyan silang kumakain---kasama ang kambal---sa kusina. Nagmano muna ako kila mama bago umupo sa tabi ni Vash.

"You're late, Caliya." Maautoridad na sabi ni papa kaya napatigil ako sa pagkuha ng rice.

Potek eto na nga ba sinasabi ko eh.

"H-Hehehe, pa.." sabi ko at mabilis na nilagyan ng kanin ang plato ko.

"Where have you been?" Nakakapangilabot na tanong nya.

Bakit ba kasi ang tagal ko du'n?!

Ngumiti lang muna ako kay papa habang iniisip kung anong pwede kong idahilan. Potek! Ba't ba kasi ang tagal ko du'n kila Nicole?

"J-Jan lang po sa tabi-tabi." Gusto kong sapakin ang sarili ko sa sinagot ko.

Ang tanga ng dahilan amp. Sabi ng utak ko.

Kumuha ako ng ulam---which is adobo---at nilagay iyon sa plato ko. Please, 'wag ka na magtanong Pa.

"Jan?" Masamang tingin na tanong ni papa.

Tsh! Ba't nga ba hindi ko na lang sabihin ang totoo? There's no point in lying. Kilala ako ng magulang ko.

"H-Hehe, opo. Doon lang po ako galing k-kila Nicole." Kinakabahang sagot ko.

Pinaningkitan ako ng mata ni papa. Mukhang hindi sya kumbinsado sa sagot ko.

Maniwala ka please, maniwala ka please. Paulit-ulit na sabi ko sa isip ko.

"Tama na 'yan, Caliya kumain ka na. Mamaya mo na pagsabihan 'yang anak mo, Calisto." Sabi ni mama.

Hayy!! Life savior talaga si mama!

Tumingin ako sakanya, nakita ko syang tinignan ako habang nakangisi bago ako kindatan. Oh how I love my mama so much.

Kumain lang kami, syempre hindi nawala ang kwentuhan. Tinanong kami ni mama kung anong nangyari sa araw namin. Lahat naman kami ay maayos ang araw kaya walang problema.

Pagtapos kumain ay umakyat na agad ako sa kwarto at naligo. Pagtapos ay nagbihis na ako ng pantulog bago kunin ang laptop ko at i-online ang fb ko.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now