3rd Choice- The Numb.

Start from the beginning
                                    

Bigla na lang nagring yung phone niya. Kinuha niya naman ito at pinatay yung tawag.

“Hindi mo ba sasagutin yun?” Taka kong tanong sa kanya.

"Wala yun. Nevermind." Ngumiti na lang siya sa’kin. Kinuha ko yung kamay niya.

 

"So… Malapit na tayong mag 3 years. Kapit ka lang ha?"

 

Tumango na lang siya at ngumiti sa akin.

  

Pagkatapos naming magbayad ng bill, bumalik na kami sa kotse ko. Doon na muna kami nagtahan.

"Pwedeng magshare?" Tinanong niya sa'kin.

"Sure." Umayos naman ako ng upo. "Ano yun?"

"Yung stepmom ko kasi..." Napasinghot siya. "Sinaktan na naman ako." Napaiyak naman siya.

Mayroon siyang background ng abuse. Naawa nga ako sa kanya at lagi siyang sinasaktan nung stepmom niya.

Umusog ako ng kaunti papunta sa kanya at niyakap siya. Hinaplos ko yung buhok niya at pinapakalma siya.

“Dahil manhid ka, manhid ka. Walang pakiramdam. O kay manhid ka, manhid ka. Puro deadma ka na lang. ~”

Nagulat naman ako nang magplay yung ringtone sa’kin ni Kath. Binitawan ko muna si Carmen.

"Sorry. May tumatawag."

Sinagot ko naman ang nagriring kong telepono. Napatingin ako kay Carmen at umiwas lang siya ng tingin sa’kin.

"Oh, ano Kath?"

[Uwi na.]

"Ano?"

[Umuwi ka na sa bahay.]

"May problema ka ba?"

[Umuwi ka na Daniel Jarett Maghirang Padilla. Hindi na ako natutuwa.]

"Aish. Oo na. Bye. I--"

Bigla niya namang binaba yung tawag. Hindi niya pa ako binababaan ng tawag sa buong buhay niya. Anong meron? Di man lang ako hinayaan mag "I love you" sa kanya. Samantalang dati, naiinis siya pag di ko nasasabi.

Lumapit naman ulit sa’kin si Carmen pero pinigilan ko siya.

"I'm sorry Carmen. Kailangan ko na daw umuwi eh."

Bumalik naman siya sa shot gun seat at tumingin sa labas.

"Drive DJ."

"What?"

"I said drive! Hindi mo ba ako naririnig?!" Sigaw niya sa akin habang magkasalubong ang kilay niya.

"Teka, ano bang problema mo?" Naiirita na ‘ko.

"Lagi na lang ganito DJ. Lagi na lang si Kee!"

"Kapatid ko siya! Ano ba Carmen? Why make a big deal out of everything?!"

"Alam mo, maganda siguro kung tinatanong mo yan sa sarili mo."

Lumabas na siya ng kotse ko at pumara ng taxi. Hindi ko na siya hinabol. Tiningnan ko na lang siya hanggang sa makasakay na at umalis na din.

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now