''Kain tayo.'' Nagulat naman ako kay Mars. Bigla na lang susulpot.

''Hindi ako ginaganahan. Nasaan na kaya si Zico? Nag- aalala na ako.'' Sabi ko habang tinitingnan phone ko umaasang may kahit isang text lang naman galing sa kanya.

''Eh ang tanong, nag- aalala kaya yung lalaking yun sa'yo?''

''Grabe Mars. Thank you ha? Nakatulong yung pag- comfort mo na yan.'' Naiiyak na tuloy ako. Ano 'to?? Yung birthday ko lang ang peg. Yung nakalimutan niya? Ganon nanaman yun?

''Hindi. Ano ka ba. Ang sinasabi ko lang.. kung may paki yan, makikitext yan or gagawa yan ng paraan masabi lang sa'yo kung nasaan siya or kung anong ginagawa niya or kahit simpleng greet lang naman. Hindi ko sinasabing wala siyang pakialam ha.. Sadyang, ewan. Lintek. Gulo ng buhay kapag may lovelife.''Eto nanaman si Ms. Bitter. Si Ms. Man hater. Si Ms. Ewan. Hay nako. Jusko Marie Antonette.

''Napaka- prangka mo talaga. Hay. Total opposite talaga ta'yo. Maghahanap na ako ng ibang bestfriend. Bye.'' Sabi ko ng pabiro kay Marie.

''Okay Bye. Ate isang puto nga po.'' Wow ha. Gaga talaga 'tong isang 'to.

''Hindi mo man lang ba ako pipigilan?'' Sabi ko kay Marie.

''Hindi. Kung dun ka masaya, edi sige basta masaya ka. Pero duuuuh, alam ko naman na hindi mo kayang ipagpalit ang napakagandang bestfriend mo no! Hahahaha.'' Hay. You know me too well, Marie.

Mabuti na lang at nandyan si Marie para pasiyahin ako. Lagi siyang nandyan through ups and downs. Parang wala siyang problema. Napaka- carefree niya. Siya yung tipo ng tao na walang pakialam sa sinasabi ng iba basta masaya siya, okat na siya. Pero alam niyo ba ang pinakagusto ko sa kanya? Yun yung, hangad niya ang kasiyahan ng mga taong mahalaga sa kanya. Swerte naman ng taong mamahalin nito at syempre, mas swerte yung taong magmamahal sa kanya.

''Hoy teh! Lalim ng iniisip mo. Huwag mo na isipin si Zico. Baka naghahanda ng surpresa sa'yo! Kain na muna tayo kasi ilang minutes na lang natitira sa break natin.'' Nakakagulat naman 'to. Bigla akong ginanahan. Ano kayang hinanda ni Zico? Omg.

xxx

Afternoon session na. Wala pa rin siya. OA sa preparation ang peg ng lolo mo! Ano ba yan. Haha. Medyo nakaka- excite.

Maya't maya ko tinitingnan phone ko kasi baka nagtext na si Zico pero wala pa rin.

''Ms. Corpus. Last warning. Kanina pa kita pinagmamasdan. Text ka dyan ng text. Kukunin ko na yan kapag nahuli pa kita.''

Awkward. Alam niyo yung feeling na nakatingin sa'yo yung buong klase tapos ang itsura nila, para kang nakapatay ng tao? Ganon. -__-

''Sorry po, Ma'am.'' Sabi ko na lang. Last period naman na 'to kaya magtitiis na lang ako. Pero ang tagal ng oras. Sobra. Nakakabagot na.

Excited ako eh. Sorry na. Hindi lang ako makapaniwala na umabot kami ng 3rd Anniversary! Kasi diba yung ibang couples dyan mga months lang. Ang iba nga weeks pa. Bakit kaya? Ay ewan. Basta kami, going strong.

I seriously think he's the one. Siya na talaga. Hindi naman ako kagandahan pero bakit ako? Napapaisip ako ng mga bagay kung bakit niya ako nagustuhan. Bilib na ako sa kanya kasi napagtiyagaan niya isang katulad ko. Well, I guess.. kapag talaga mahal mo ang isang tao, kahit anong flaws meron sila, matatanggap mo pa rin sila. Mahal na mahal ko si Zico. Lagi ko talagang sinasabi sa sarili ko na siya na talaga.

''Class dismissed.''

Omg. Really? Yay. Agad agad kong kinuha yung bag ko para makaalis na agad.

''Hoy hoy! Drea! Gusto mo na sumabay? Susunduin ako?'' Sigaw ni Marie.

''Huwag na! Baka makaabala pa ako. Haha. Hi mo na lang ako kay Tito! Ingat kayo!'' At tumakbo na ako palabas ng gate. Excited? Haha. Oo!!!!

How Many Heartbreaks?Место, где живут истории. Откройте их для себя