home ; chapter eighteen - loss

41 4 2
                                    

"Freya, are you alright? You don't seem as fine as usual. Alam mo namang pwede kang magsabi sa amin nila Baek, right?" Sabi ni Lay, habang pinapanood ko sila nina Baekhyun na magpractice ng song nila. Nakaalis na sila Baekhyun at dalawa nalang kami dito ni Lay ngayon.

I sighed, and then shrugged.

"I don't know what to do. I'm... pregnant. It's Woozi's. But you know we broke up, right? I don't know how-"

Nagulat naman ako nang yakapin niya ako at saka paglaruan ang buhok ko.

"Shh, Freya. You have to tell him, no matter what. Kailangan mo siyang sabihan dahil may karapatan pa rin siya sa magiging anak ninyo," sabi ni Lay, "Don't worry, hindi na talaga ako makikigulo sa inyo. I accept my defeat. Alam ko naman na si Woozi lang ang mamahalin mo."

I started crying, but he kept whispering sweet nonsense into my ear. Kahit na ganun, I wanted Woozi to be the one na siyang yumayakap sa akin ngayon.

Is it too much to ask na gusto kong makasama si Woozi?

I pulled away from the hug, at saka tinignan si Lay sa mga mata niya.

"But I've messaged him already. A few days ago. Hindi niya pa rin nakikita yun. Hindi rin siya nagrereply. Paanong-"

"He'll see it, eventually." Sabi naman ni Lay, and then smiled softly at me.

"O-Okay. Siya lang naman ang dapat kong sabihan-"

"You have to tell your mum, too. Alam kong nasabi mo na sa akin na hindi kayo magkaayos although alam mo kung nasan siya nakatira. Kahit na hindi kayo magkaayos ay apo niya pa rin ang nasa sinapupunan mo. It's respect," sabi ni Lay, and I looked down.

Tama naman siya.

And also, a part of me wanted to have a normal relationship with my mum as well. Sa itinagal na nang pag-iwan ko sa kanya ay hindi ko na mapigilan ang isipin na baka may pag-asang nagbago na siya at hindi na ako ang sisihin niya sa lahat.

"You're right. I'm gonna go. First thing in the morning tomorrow," sabi ko, at saka naman tumango si Lay.

"Do you want me to come with you?" Sabi niya, but I instantly shook my head.

"No, thanks. It's not your child. You shouldn't be like this," sabi ko sa kanya, and then he looked down before nodding.

"You're... right. Just tell me about it, okay?"

Nang makauwi naman na ako ay agad kong tinignan nanaman ang message ko kay Woozi. Baka sakaling nakita na niya.

LEE JIHOON
active 18hrs ago

freya
woozi. i'm pregnant.
it's yours.
seen

Halos mabitawan ko ang phone ko nang makita na he already saw the message.

LEE JIHOON is typing...

LEE JIHOON has logged out.

At least, he saw it. He knows.




Shakily, I held my belly habang umaakyat sa steps ng bahay ni mom. Kinakabahan ako. I haven't seen her in years na hindi ko na alam kung ano ba ang magiging reaction niya.

Nagbago na kaya siya?

Ano kayang...

I clicked on the doorbell, at saka agad na nagbukas yun. Tumambad sa akin ang pagmumukha ni mama na masama ang tingin.

home ♡ lee jihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon