home ; chapter one - danger

82 6 0
                                    

Kakagaling ko lang sa convenience store dahil tapos na yung shift ko at naglalakad na ako pauwi. Hindi ko nakita si Woozi ngayon, pero hinayaan ko nalang. Baka nag over time nanaman siya sa kakaayos ng tracks nila. Through the weeks mula nang magkakilala kami tapos we walked that night side by side, naging magkaibigan na kami.

Alam ko naman na busy yun sa pagiging idol niya, kaya hinahayaan ko nalang kapag hindi siya nakakabisita sa convenience store. It's not like may usapan kami na gabi gabi siyang magpupunta, e grave yung shift ko.

Madilim na madilim ngayon, paano ba naman, alas tres na ng madaling araw. Nakapatay din lahat ng mga ilaw ng mga building dito, at napapalibutan dito ng mga buildings. May pagkabasa basa yung daanan dahil kakatapos lang din na umulan kaya naman mukhang creepy yung dadaanan ko pero inalis ko sa isipan ko yung mga thoughts na pumapasok. Heto nanaman tayo.

Nagulat ako nang may nagtakip ng bibig ko at sisigaw sana ako, kaso nga lang ay may biglang nagsalita sa likod namin.

"Asshole, let her go," sabi ng pamilyar na boses, at humarap naman yung may hawak sa akin sa pinanggalingan ng boses.

With his tofu skin and shorter stature, alam ko na agad na si Woozi yung nagsalita. I looked at him at pinaparating na wag na siyang makiano dahil baka siya pa yung anuhin nung lalaki, sakaling patayin man ako nito. Nanginginig ako sa takot sa nangyayari, pero hindi ko nalang pinapahalata dahil kailangan. Wala naman akong tao na magliligtas sa akin sa araw araw, e.

"Anong mapapala ko sayo kung papakawalan ko siya? Eh tiba tiba na ako dito, mananakawan ko na to tapos marer-"

Nanlaki yung mga mata ko nang makita ko na sinipa niya yung lalaki at sinapak dahilan para mapahiwalay yun sa akin while groaning in pain. Agad naman na hinawakan ni Woozi yung kamay ko at tumakbo habang hila hila din ako. Hindi ako makapag isip ng matino dahil pinoproseso ko pa yung mga pangyayari, but we stopped in front of a building.

Nilagay niya yung mga kamay niya sa balikat ko at nakita ko na medyo nag aalala siya, pero hindi niya pinapahalata. Umiwas ako nang tingin dahil sa naisip ko. Nag aalala? Hindi siya nag aalala sa akin. Walang nag aalala sa akin. Ganun na yun magmula palang nung umpisa. Ano bang iniisip ko? Dalawang buwan palang naman kaming magkaibigan, e.

"Freya, hindi ka naman nag iingat, e. Bakit mo naisipan na magpunta sa labas ng convenience store ng hindi ako hinihintay? Sabi ko lagi kang sasabay sa akin palabas para hindi ka naaano ng mga siraulo sa kalye!" sabi niya, at pinitik pa yung noo ko dahilan para hawakan ko yun while groaning.

"Y-Yah! Bakit kailangan mo akong pitikin! Ang sakit nun!" sabi ko sa kanya, tapos ay nagscoff kang siya at nagpameywang. Matapos nun ay humarap siya sa akin.

"Ihahatid na kita. Baka mamaya matuluyan ka pa," sabi niya, at umiling naman ako.

"Wag mo na akong isipin. Isipin mo yung sarili mo. You're an idol. You should take care of yourself and your reputation," sabi ko, at umiling naman siya.

"It wasn't a request, it was a statement," sabi niya, at hinila yung kamay ko.

Hindi na ako nagprotesta at sinundan nalang siya.

Tignan lang natin kung alam niya kung saan yung bahay ko. Pinapangunahan niya yung paglalakad, e. Baka naman alam mo, Woozi Lee?

Kung ano ano na yung mga pumapasok sa isipan ko habang naglalakad kami. Hindi ko na nga napapansin kung saan kami dumadaan dahil nakatingin lang ako sa baba at hinahayaan siya na hilahin ako tutal pinapangunahan naman niya.

Bakit kaya bigla nalang siyang lumilitaw? Tsaka akong ibig niyang sabihin na dapat hinihintay ko siya, e wala naman kaming usapan araw araw na ganun? Kaibigan ko lang siya, nag iisa pa siya, kaya naman hindi dapat ako umaasa na nandyan siya lagi. Lalo na at hindi naman lagi lagi na nandito siya sa Korea.

Magmula nung araw na magkakilala kami at magsabihan kami ng mga worries namin sa buhay dahil parehas kami na hindi kayang masabi sa iba, napansin ko lang na lagi nalang siyang nandyan at iniisip na dapat lagi niya akong pinoprotektahan. I don't like it. Because kaya ko ang sarili ko. Nakaya ko nga dati, ngayon pa?

"Nandito na tayo. Mag iingat ka sa susunod," sabi niya, at napaangat yung tingin ko. Nanlaki naman yung mga mata ko nang makita na alam nga niya kung saan ako nakatira. Hindi pa naman siya nakakapunta dito, ha? Paano niya nalaman? 

Tatanungin ko pa sana siya kaso nga lang ay agad niyang itinakip sa kanya yung hood ng jacket niya and then started jogging away. Unti unti siyang nawala sa paningin ko habang nastuck lang ako dito sa labas at iniisip kung paano niya nalaman.

I furrowed my brows, kaso nga lang ay nagulat ako nang may kamay nanaman sa harapan ko. Sasampalin ko sana yun paalis kaso nga lang ay nakita ko na hindi yun ginamit na panakip sa bibig ko kundi pinanggising lang sa akin sa katotohanan.

Tinignan ko kung sino yun, at nakita yung matandang babae na kapit bahay ko. Nakasimangot siya sa akin kaya naman ay nagbow ako sa kanya and muttered a quick apology.

"Madaling araw na madaling araw, kasama ang boypren. Mga tao nga naman ng henerasyon," sabi niya, and I furrowed my brows.

Nag iisa nga lang yung kaibigan ko, boyfriend pa kaya? Pft.

Pumasok nalang ako sa loob at agad na nilock yung pinto. Dumiretso na ako sa kwarto ko at inihiga ang katawan dahil sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Bigla naman na nagvibrate yung phone ko kaya tinignan ko yun. May message si Woozi.

From: Woozi
Nakauwi na ako. Hindi ka naman na siguro makikidnap sa loob ng bahay mo? Good night.

I scoffed, ibang klase talaga siya. Matapos ako sabihan ng sarcastic na remark, good night? Hay, Woozi nga naman. Kailan ba ako masasanay sayo?

To: Woozi
Tss. Good night.

Ibinaba ko na yung phone ko sa bedside table, tapos ay nakita yung mganagkalat na mga pieces of paper dun. Hay. Aayusin ko pa yang mga yan pag gising ko bukas ng maaga.

I closed my eyes, and the scene from earlier replayed.

Buti nalang nandun si Woozi. For once, someone saved me from danger, not put me to danger.

home ♡ lee jihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon