Red String 1 ~ Classmates

Start from the beginning
                                        

 “Ok, you Crazy Twins should just stop blabbering ok? It is still 7 am in the morning. Keep those mouths shut, okay?” sabi ko naman sa kanila sabay tulak papasok sa school.

 “Geez Cass you’re so KJ!” sabi naman ni Crae.

 “Oo nga,” pout naman ni Zy.

 Crae and Zy are daughters of the toy company mainly on dolls. Both of them really looks like dolls. Crae and Zy are a little bit shorter compared to me. Crae has a short hair curled around her shoulder while Zy has a longer hair than Crae. Kapag magkasama iyang dalawa gulo ang kasama mo.

 Maingay man sila pero boring rin kung wala sila sa tabi ko. Haha

 Sabay-sabay na kaming pumunta ng gym kung saan mangyayari ang welcome ceremonies.

 Tama-tama lang rin ang pagdating ko doon dahil ilang minuto na lang rin ay magisisimula na ang ceremony.

 “Ms. Blue, are you ready with your speech?” biglang tanong sa akin ni Principal.

 Ngumiti lang ako sa kanya at sinagot, “Of course! Last year ko na ito Ma’am eh.”

 Hinihintay ko na lang ang cue ko na ako na ang susunod pero may narinig akong may pinapagalitan.

 “Late ka na naman Drake? Ilang beses ka ba dapat pagsabihan at parusahan para ipasok sa kokote mo na ang mga ganito bagay ay importante! Ano nakikipaglandian ka na naman sa mga ba--“

 “Pa, hindi po ako nakikipaglandian. Meron pong problema sa opisina at--“

 “Excuses again DRAKE?! Kailan ka pa ba magiging matino!”

 “Uhm, excuse me po Director, but I have to talk to your son po about uhmm.. ahh.. yeah--the things for this year,” biglang singit ko. Tsk. Bakit nga ba ako nakihalubilo sa away na ito?

 “And you are?” galit na tanong sa akin ng Director.

 “Cassy Blue po. President of the Student Council,” sabi ko at yumuko sa harap niya as a sign of respect.

 “Ms. Blue! Hindi ka ba tinuruan ng manners ng parents mo? Nakita mong nag-uusap ang dalawang tao dito at nakikiusosyo ka? Where are your manners?!” galit na sabi ni Director. 

Oo nga naman saan nga ba ang manners ko? Aiiii patay! 

“Sorry po,” umalis na lang ako doon at lumayo layo na sa kanila at baka hindi lang sigaw ang aabutin ko.

 Umupo na lang ako sa seat ko sa Welcome Ceremonies. Mabuti na lang malayo ang upuan ng Director kundi makakatikim pa ako sa inis nun sa akin. Hindi na pwede.

“Thank you,” napalingon naman ako sa nagsalita. Ah si Drake. 

“Para saan?” tanong ko na hindi man lang tumitingin sa kanya.

“For trying to save me from my vicious dad,” sabi niya na hindi rin tumitingin sa akin

“Vicious? Too harsh. Hey, he’s still your dad. Be kind,” sabi ko naman sa kanya. At tinawag na rin ako para sa aking welcoming speech.

“Good morning! I Freshmen, Sophomores, Juniors and of course Seniors! I welcome you all to another year here in Lux University. Well, blah blah blah….”

At pagkatapos ko mag speech ay bumalik na ako sa upuan ko pero napansin kong wala doon si Drake. Saan na naman ba iyon? Parang may super powers yun ah, bigla nalang mawala.

♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥

 “Cassy! What do you want for lunch?” biglang tanong ni Crae sa akin na ito ang nagbalik ng isip ko sa lupa.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now