"We need to go. Para makabalik tayo agad." Tumango kaagad si Majz at nagpatianod na lang kay Lance.

Kailangan niyang tigilan ang kasintahan dahil kung hindi ay baka biglang magkita si Charizard at Pikachu ng wala sa oras. Hindi pa sila pwedeng magkita, hanggang pakiramdaman lang muna sila.



MAGKAHAWAK ang kamay na pumasok ang dalawa sa entrada ng mall. Pinagtitinginan sila ng tao. Ang iba puno ng paghanga habang ang iba naman ay may inggit sa mga mata.

Isang napakagwapong lalaki na may nakakaakit na dimple sa isang pisngi at isang morena ngunit may mala-anghel at mala-diyosang ganda at patay na mata, sino ang hindi hahanga? Sino ang hindi maiinggit?

"Hon, banyo muna ako." Napangiti si Lance sa itinawag ng kasintahan sa kanya. At dahil nakaakbay siya dito ay hinapit na muna niya ito at hinalikan bago nagsalita.

"Don't take too long, okay?" Sabi niya dito. Tumango naman kaagad si Majz. Hinalikan niya uli ang dalaga, this time, sa noo naman. Bumungisngis ito, bagay na gustong-gusto niya sa dalaga. " Go!" Dugtong pa niya.

"Bye." Pabulong na sabi ni Majz. Napangiti tuloy si Lance sa dalaga. Kumaway ito sa kanya bago pa tuluyang nawala sa paningin niya. Ilang sandali pa lang siyang naghintay kay Majz nang may tumawag sa kanya.

"Lancelot?" Sambit ng isang malambing na boses.

"Alexa Deanne Richards."



MEDYO natagalan si Majz dahil may kahabaan ang pila papasok sa loob ng restroom. Napapailing siya sa isiping pati pala sa pampublikong palikuran ng isang mall ay parang EDSA din sa haba ng pila ng mga sasakyan dahil sa trapik.

Naghuhugas na siya ng kamay ngayon at maging sa paghuhugas ng kamay ay medyo pila din. Napangiti siya ng mapait. Naiiling siyang lumabas nang matapos niyang patuyuin ang kamay.

Sa paglabas niya napansin na mas mahaba na ang pila sa labas. Parang pila lang ng premiere night ng pelikula. Ganyan kasi kahaba ang pila ng pelikula ni Alden Richards at Maine Mendoza nung dinala siya ng Kuya niya para manood ng sine dito sa Manila.

Inilibot niya ang paningin niya para hanapin kung nasaan ang kasintahan. Nakita niya na may kausap ito na dalawang babae at isang lalaki. Pinakatitigan niya ang dalawang babae, pareho itong maganda at mukhang mga mayayaman. May pagka-morena na parang haponesa yung isa, mestiza naman yung isa. Hindi gaanong maputi pero halata mong mestiza. Yung lalaki naman ay pagkakahawig kay Lance. Maputi rin ito at may dimple din na katulad ni Lance.

Mabagal siyang naglakad palapit para marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit ay narinig niyang nagpapaalam na yung babaeng parang haponesa. Nakaramdam siya ng panghihinayang. Hindi siya mapangdudang tao pero iba kasi ang mga titigan ni Lance at nung babaeng mestiza. Inilang hakbang niya ang pagitan ng kinaroroonan niya at ni Lance para maabutan pa niya ang kausap ng kasintahan.

"Hi. Nainip ka ba?" Malabing at mahina niyang tanong kay Lance.

"No, Hon. I was talking to my cousins and friend." Saad ni Lance. Inakbayan siya nito at hinalikan sa gilid ng ulo. Pasimple niyang tiningnan ang mga kaharap. Nakita niya ang pagbago ng expression ng mga nito.

"Who is she, cous?" Tanong ng isang babae.

Hindi pa niya nakita ang tatlo kahit minsan. Naipakilala na ni Lance ang lahat nang alam niya na dapat ipakilala sa kanya, lalo na ang malapit na mga kamag-anak at kaibigan ng binata, siguro isa ang ito sa mangilan-ngilan na hindi pa niya nakikilala. Alam niya meron pa.

"Guys, this is Maria Jaise Samonte, my future wife." Nanlaki ang mga mata ng dalawang babae habang napasuntok naman sa balikat ni Lance ang lalaki na ngiting-ngiti.

Lights! Camera! I've Fallen...Where stories live. Discover now