Chapter 28: See U Later

27 2 0
                                    

NAPALINGON si Wendy sa kanyang kanan ng bigla niyang marinig ang kanyang pangalan.

Hinanap niya kung saan nag mula ang tawag na iyon, at ang nasilayan niyang mukhang ayaw na ayaw niyang nakikita.

Inirapan niya nalang ito at bumalik sa kanyang pag kain. Siya lang ngayon ang pumasok dahil si Rosé ay medyo mahina pa ang katawan habang si Irene naman hindi pa nagigising hanggang ngayon.

"Lunes na lunes hindi ka namamansen? Hindi ka ba masaya't nakita mo ko, Binibini?"

Bored na inangat ni Liesa ang kanyang ulo upang harapin si Hwan. "Hindi mo ba nabasa ang nasapaskil sa iskwelahang ito Ginoo? No stupid allowed kaya."

Natawa si Hwan sa pag tataray ni Wendy. Umupo ito sa harap ni Wendy dahilan para mas maasar ang dalaga.

Tumaas lalo ang kilay neto kasabay ng pag bagsak ng mga kubwertos neto. "Hindi ka ba naturuan ng magandang asal Ginoo? Hindi ka marunong humingi ng permiso bago umupo sa harap ko?"

Natawa si Hwan. "Kailangan pa ba ng permiso Binibini? Ang alam ko pang publiko ang upuan na 'to, lahat ng tao ay pweding upuan ang silya na ito."

Napapikit si Wendy dahil sa inis. "Ang aga-aga pinuntahan mo ako dito para bwisitin?"

Umiling si Hwan. "Wag kang masyadong feeling Binibini dahil hindi ikaw ang pinunta ko rito," napataas ang kilay ni Wendy. "Si Liesa ang pinunta ko dito, where is she?"

Agad na nag iwas ng tingin si Wendy at kinuha ang kanyang bag at mabilis na umalis sa canteen na sinundan naman ni Hwan.

"Ano ba! Bawal ka dito!" iritang wika ni Wendy at mas binilisan ang kanyang kalad pero kahit na anong gawin niya nasusundan parin siya ni Hwan.

Inis na umirap si Wendy ang biglang tumakbo ng mabilis kaya naman hinabol din ito ni Hwan.

Nag mistulan silang action movie sa ginagawang habulan nila hanggang sa makaabot sila sa pinakalikod ng ikwelahan.

Hingal na hingal na hinabol ni Wendy ang kanyang hininga habang tinitignan ang paligid at sinusuri kung nakasunod ba sa kanya si Hwan.

"Hinahanap hanap ako, Binibini?" umangat ang ulo ni Wendy at halos mapaatras siya sa gulat ng makita niya si Hwan mula sa ibabaw ng puno. "Bilis mo tumakbo ah."

Akmang tatakbo si Wendy pero napigilan ito ni Hwan. "Pagod na ako, bat mo ba ko tinatakbuhan?" medyo iritadong wika ni Hwan.

Ngumisi si Wendy. "Ayokong kausap ka, umalis ka na nga!"

"Sana tinanong mo muna ako kung gusto kitang kausap?" pumabewang ito. "Nag tatanong lang ako bigla mo akong tinakbuhan, Binibini. Napakabilis mong tumakbo."

Akmang ibabato ni Wendy ang kanyang bag kay Hwan pero mabilis itong nakailag.

Ngumisi ito. "Wag mo akong hintaying mapikon, Binibini." wika nito bago hawakan ang mag kabilaang kamay ni Wendy at ipunta to sa kanyang likuran upang hindi ito makakilos. "Hindi mo magugustuhan pag ako napikon, Shon Wonderland."

Natigilan si Wendy dahil unang beses na binanggit ni Hwan ang kanyang totoong pangalan, maya-maya kumawala ito at mabilis na kinuha ang kanyang baril na nakatago sa kanyang likuran at itunutok ito kay Hwan.

"Wag na wag mo ng babanggitin muli ang pangalan ko, kung ayaw mong mabura sa mundo." galit na galit na sambit neto.

Ngumisi si Hwan at pumabewang ang binata. "Hindi ang gaya mo ang kinakatakutan ko," pabalang nitong sabi at kumindat.

Akmang ipapaputok ni Wendy ang kanyang baril ng bigla siyang atakihin ni Hwan at nauwi ang dalawa sa bugbugan.

Walang pakealam ang dalawa kung mapunta sila sa totoong patayan. Kahit pa babae si Wendy hindi pinalagpas ni Hwan, tingin niya kay Wendy ay isang lalaki kaya kahit na anong lakas na suntok ang gawin niya ay nagagawa niya, hindi man lang nakakaramdam ng awa ang binata.

Parehas silang pagod na pagod na napahiga sa sahig at parehas na nag hahabol hininga. Napahawak si Hwan ng malasahan niya ang dugo sa kanyang labi, natawa nalang ito dahil hindi siya makapaniwala na napadugo na naman ni Wendy ang kanyang labi.

Habang si Wendy ay may dugo sa nood kung saan malakas siyang hinampas ni Hwan sa pader.

Tumayo si Hwan at dumura kasabay ng pag pagpag niya sa kanyang damit.

Tumingin ito kay Wendy na nakahiga parin sa sahig. "Hindi ko tuloy maiwasang mag taka sa'yo. Napapaisip ako minsan kung babae ka ba talaga o nag kakatawang babae ka lang dahil lalake ka naman talaga?"

Inirapan siya ni Wendy at umupo habang pinapagpagan nito ang kanyang buhok. "Ang tahimik ng buhay ko bat ka pa kase pumunta dito?"

"Baliw ka ba? Kanina ko pa sinasabi, nasaan si Liesa?"

Umiling si Wendy. "Ewan ko, tanong mo sa iba kong kaibigan." wika nito at tumayo saka kinuha ang kanyang bag at umalis na.

Napasinghal nalang si Hwan. "Parang walang bugbugang naganap, tapang!"

LAHAT ng tao ay napatingin ng biglang pag bukas ng pinto ng gym. Hindi makapaniwala ang mga istudyante ng iluwal ng pintong ito ang kanilang Dean Odin.

Hindi sila makapaniwala na pag tapos ng ilang linggo ay muli nilang nasilayan ang kanilang Dean, at mas lalong nakakapanibago ngayon dahil ang laki ng pinagbago nito.

Ang dating malusog na Dean ay sobra ang ipinayat at dati mukha itong malakas ngayon halos hindi na ito makalakad ng walang tungkod na sumosoporta dito.

Nag simulang mag bulungan ang mga istudyante dahil sa kanilang nakikita.

Lumapit ang Dean sa mikropono hudyat na mag sasalita na ito kaya naman tumahimik na ang mga istudyante.

Bago ito mag salita binigyan niya ng magandang ngiti ang mga tao. "It's so nice to see y'all again," pag sisimula nito. "Akala ko hindi ko na kayo ulit makikita." dagdag nito. "I know that some of you that might be shocked sa sasabihin ko, pero halata naman na may sakit ako. At hindi ito basta sakit lang."

Nakaramdam ang ibang istudyante nang lungkot at awa para sa kanilang Dean.

"Sabihin na nating oo kaya kong gumaling, I can survive, I'm strong at alam niyong lahat yan," pag bibiro nito. "Ganon paman, walang kwenta ang lakas ko kung nakapaligid ako sa mga taong gusto na akong mawala." nadaan ang kanyang tingin sa mga leaders na umiiwas ng tingin sa kanya. "Sa isang kwento iisa lang ang dapat na maging bida, at lahat tayo gustong maging bida. Kahit pare-parehas naman kayong ibon kung mas may mataas na lipad may maiingit talaga."

Hindi makuha ng iba kung ano ang gustong sabihin ng kanilang Dean. "Iisa at iisa lang ang takbo ng istorya kahit na maraming kontrabida." napangiwi ang ibang leaders dahil alam nilang sila ang pinapataaman nito.

"Nais ko sanang sabihin sa inyo lahat na, si Mr. Jonell Watson—"

"Dean!" pag puputol ni Madam Hera sa pag sasalita kaya naman lahat ng tao ay napatingin sa kanya. Sumisenyas ito na wag ituloy ang kanyang gustong sabihin.

Pero hindi ito pinansin ni Dean. "Sa oras na mawala ako, nais kong sabihin na si Senior President Jonell Watson ang panibagong hahawak ng iskwelahang ito." tumingin ito kay Madam Hera na may ngiti sa labi. "It's that clear Madam?"

Huminga ng malalim si Madam Hera at yumukom ang kamao tsaka ito umalis. Habang ang mga istudyante naman ay masaya na may halong lungkot dahil sa mga sinabi ng kanilang Dean.

"See you later, maybe.. never." pag papaalam ni Dean sa mga istudyante.

The Revolution of BlackvelvetWhere stories live. Discover now