Chapter 07: Dont know what to do

27 4 0
                                    

LALIESA's POV

Nakarating na ako sa lugar kung saan kami mag kikita kita ng grupo ko. Bumaba ako at agad kong narinig ang ingay sa loob. Nakaramdam ako ng konting saya dahil kahit papaano makikita ko na naman ulit sila, huli ko silang nakita nung namatay si papa. Nung araw kaseng 'yon binuwag kona ang grupo ko.

Inayos ko ang bangs ko saka ako nag lakad, malamig na dito sa lugar nato kahit na sino walang mag tatangkang pumunta dito dahil sobrang nakakatakot.

Pag bukas ko ng malaking pinto binalot ng katahimikan ang buong gym. Lahat sila nagulat sakin at lahat sila nakatingin sakin.

"Nice to see you again, Mafia Queen." binasag ni Hwan ang katahimikan nung mag salita ito, nakangiti siya habang nakatingin sakin na parang inuusisa niya ang buong mukha ko kung ako ba talaga ang kaharap niya.

Ngumiti ako pabalik sa kanya bago ko tignan ang buong paligid at ang mga tauhan ko, nakaramdam ako nang pagka dismaya sa nakikita ko ngayon.

Naramdaman kong inakbayan ako ni Hwan. "Sensya na, sila lang ang nahagilap ko ngayon. Yung iba kase may kanya-kanya ng pamilya." sabi niya, kilala talaga ako ni Hwan lagi niyang naririnig yung iniisip ko.

Tahimik parin silang apat habang nakatingin sakin. "Kamusta kayo?" sabi ko, para silang nakahinga ng maluwag nung mag salita ako.

"Himala, si boss nangamusta." nag sitawanan silang lima nung sibihin yon ni Felix. Si Felix ay pangalawa sa mga nakuha kong tauhan noon, nakilala ko siya nung niligtas ko siya nung sinubukan siyang barilin dun sa pinagtatrabahuhan niyang bar noon.

Hindi kona pinaglagpas ang oras. Nasa gym kami ngayon tawag namin dito ay gym, ewan koba kay Hwan bat niya tinawag to na gym kahit na totoo isa tong magandang lugar.

Pumunta kami sa dati naming office saka kami nag umpisang mag usap.

"May hahanapin tayo ngayong tao." pag umpisa ko, pinakita ko sa kanila yung lugar kung saan binaril si Rosalinda, dun sa bahay nila Wendy.

"Kailangan nating makahanap ng cctv dito, hindi sa mismong party kundi dito." turo ko sa labas.

Agad naman kumilos si Felix sa laptop niya, si Felix ay hacker ng kahit na anong bagay. Kaya niya mag unlock or lock nang mga bahay kahit gamit lang niya ay laptop.

"Eto." napangiti agad ako dahil nakita na agad ni Felix yung cctv.

BAYAH 365

Eto yung plate number nung kotseng hinabol ko.

"Hanapin mo kung saan pumunta tong kotseng 'to." sabi ko agad naman siyang tumango.

"Dito." napatingin uli ako sa kanya ng makita niya na agad. Napansin kong kumunot ang noo niya. "Teka boss, napansin ko. Parang nakaplano 'to." napatingin ako sa kanya.

"Anong nakaplano?" tanong ni Hwan.

"Tignan niyo yung buong cctv mula sa unang footage. Nawalan ng power sa buong lugar non pero gumagana yung cctv." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, i dont get it.

"Hindi kaya pinagplanuhan talaga na barilin yung kaibigan mo boss?" tanong ni Vernon.

"Look, sa limang cctv kita lahat yung kotse hanggang kung saan mismo sila nag stop. Kung sino man 'to sinadya niya na ilagay yung mga cctv para malaman mo kung saan at sino siya." natahimik ako bigla. Pero sino 'yon? Sinong tangang mag lalagay niyan?

"Ano ng plano mo boss?" tanong sa akin ni Mark na nakaupo sa harap ko.

"Saang lugar yung mismong pinaghintuan nung kotse?" tanong ko kay Felix agad naman niya tong tinignan.

The Revolution of BlackvelvetWhere stories live. Discover now