Chapter 19: Can't take my eyes off you

31 3 0
                                    

LIESA's POV

Napatingin agad ako sa labas ng marinig kong may nag sisigawan pero binalik ko ang tingin ko sa laptop ko dahil mamaya kona ipapasa ang thesis ko lalo't na exam ngayon.

Pag tapos kong matapos ang thesis ko agad akong lumabas at tignan kung anong nangyayari dahil may mga nag sisigawan pero hindi ito gano kalakas.

Hindi ko nalang iyon pinansin at umalis na agad ako roon, habang nag lalakad ako may bigla akong nakitang maliit na pusa kaya naman napangiti agad ako at nilapitan ito.

Napangiti ako ng pumikit ito habang hinahawi-hawi ko ang balahibo niya.

"Mahilig ka pala sa mga pusa?" napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang boses neto, dahan-dahan nawala ng ngiti ko nung siya ang sumalubong sa akin.

Oo pumayag ako na makipag kaibigan siya sakin pero hindi sa gantong paraan na kukulitin ako.

Tumayo ako saka pinagpag ang aking kamay, tango lang ang sagot ko sa kanya saka siya tinalikuran saka nag simulang mag lakad pero sumabay ito sa aking pag lakad.

"Hindi ako mag e-exam ngayon dahil transfer ako kaya good luck sa exam mo ah." sabi niya habang nag lalakad kami, tumango nalang ulit ako bilang pag sagot.

"May mga nag kakagulo don kanina, nag hahanap daw ng bagong team leader sa basketball." napahinto ako ng sabihin niya iyon saka tumingin sa kanya, taka rin itong napahinto saka tumingin sakin.

"Team leader?" tanong ko at nakangiti naman itong tumango, dahan-dahan lang akong tumango at muling nag lakad.

Team leader? Bakit anong nangyari sa team leader nila dati?

Nag kwento lang siya tungkol sa school niya dati at kung gaano raw kahirap doon habang ako pag tango lang ang tanging sagot ko.

Napahinto ako ng makita ko si Jonell na nakatingin daretso sakin, seryoso ang mukha neto lalo na nung napatingin si kay Helios.

Sinulyapan ko si Helios na nakatingin sakin saka muli akong tumingin kay Jonell na nakatingin lang rin sa akin.

"Male-late kana sa exam mo, tara hahatid na kita." rinig kong wika ni Helios, tumingin ako sa kanya saka tumango kaya nag simula na kaming mag lakad ulit, sinulyapan ko si Jonell na ganon parin ang reaksyon.

Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko ang nangyari kahapon. Ayoko munang makipag usap sa kanya dahil sa kahihiyang sinabi ko.

"Kita nalang tayo mamayang lunch ah, good luck sa exam mo." wika niya saka nag wave at umalis na pumasok na ako ng mawala na ito sa paningin ko.

Madali lang ang mga questions dahil lahat naman 'yon ay napag-aral namin at kahit na tatamad-tamad ako eh naiintindihan ko parin yung lesson.

Nag ring na ang bell kaya naman lumabas na ako para bumaba papuntang cafeteria. Mabilis lang akong napapunta don at hinanap ng mata ko sila Rosalinda at hindi kalayuan eh nakita ko sila kasama sk Helios.

Lumapit ako rito umupo saka agad na sinubsob ang mukha ko sa lamesa dahil sa antok, hindi ako nakatulog dahil tinapos kopa ang thesis ko.

Naramdaman kong may kumalabit sa ulo ko kaya naman napaangat ang ulo ko para tignan kong sino 'yon.

"Order lang kami ah, anong gusto mo?" tanong ni Wendy sakin pero umiling lang ako at muling sinubsob ang mukha ko sa lamesa.

"Tara sa clinic, tulog tayo." napaangat muli ang ulo ko ng sabihin niya iyon, nakangiti lang ito habang nakatingin sakin. "Inaantok rin ako, tara?" tanong neto.

Tumango ako saka tumayo at kinuha ang bag ko ganon rin naman siya.

Gusto ko ang sinabi niya buti nalang naisip niya 'yon tutal tapos na ang exam kaya okay lang kung matutulog kami sa clinic.

The Revolution of BlackvelvetWhere stories live. Discover now