Chapter 01: Bad Boy

174 8 0
                                    

LIESA's POV

"Happy birthday to you! Laliesa Madrigal!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nung salubungin ako ni Janeth. Napangiti ako nung makita ko ang mukha niya, tumingin ako sa bitbit niyang cake at natawa ako nung makita kong sira-sira ang pag design nito.

"Janeth ilan beses ko bang sasabihin sayo na, kahit ikaw lang ngayong birthday ko sapat na sakin." sabi ko sa kanya saka pumasok ng tuluyan sa bahay at umupo sa sofa.

Hindi siya kumibo nung tignan ko siya nanatili lang siyang nakayuko. Napabuntong hininga ako, may balak parin talaga siyang umalis.

Hindi siya pumasok para lang isurprise ako. Kahit kailan talaga, basta para sakin gagawin niya kahit na ano.

"Aishh! Hindi mo man lang na-appreciate 'tong cake na ginawa ko para sayo." pasimple akong napangiti dahil sa inasal niya, nakanguso siya habang hawak hawak ang cake na pinag mamayabang niya.

Tumayo ako saka lumapit sa kanya, hinawakan ko ang pisngi niya at inangat ang ulo niya para tumingin siya sakin.

"Thank you, Janeth my unnie." nag pacute pa ako sa kanya habang sinasabi ko iyon. Ngumiti siya sakin saka muling tumingin sa cake.

"I-blow mona 'to. Tapos kainin na natin." aniya saka lumuhod para ilagay ang cake, nag lagay pa siya na kandilang pink.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Sa amin na taon na mag kasama kame hindi siya pumalya twing birthday ko. Lagi siyang gumagawa ng ikakatuwa ko, lagi niya akong sinu-surprise kapag mahalagang okasyon para sakin. Lagi siyang gumagawa ng paraan para mapangiti ako, seryoso akong tao. Minsan lang akong ngumiti at dahil yon sa kanya.

Gumaya ako sa kanya, lumuhod ako saka nag salong baba habang tinitignan siya sa ginagawa niya.

"Ayan, tapos na." saad niya, tumingin ako sa cake, gusto kong matawa dahil sa ginawa niya. Nag lagay siya ng mini head ko. Yung naka square smile ako. "Mag wish kana." sabi niya pa. Umayos ako ng upo saka pumikit.

Sa amin na taong maganda ang buhay ko. Kahit na hindi na ako nakatira kila mama masaya parin ako dahil kasama ko si Janeth. Ano nga bang kulang sa buhay ko?

Boyfriend?

No way, wala akong balak mag boyfriend. Sapat na sakin na may kaibigan akong kasama ko at hinding hindi ako iiwan kahit na anong mangyari. At ganon din ako sa kanya, kaya kong pumayat para sa kanya.

"Aalisin ko sa mundo lahat ng taong mag papaiyak kay Janeth unnie.."

Saka ko binuksan ang mata ko at hinipan ang kandila. Sabay pa kaming pumalakpak sa tuwa, tinikman ko yung cake na ginawa niya. Hindi naman pala masama yung lasa yung masama lang yung design.

"Nasaan si Max, 'di ba anniversary niyo ngayon?" tanong ko kay Janeth habang kumakain ng cake habang tutok na tutok sa laptop ko dahil may tinatapos akong power point para bukas.

"Busy daw eh." bored akong tumingin sa kanya, nanonood siya ng telenobela na iniiyakan niya kahit comedy naman.

"Busy? This day?" tanong ko sa kanya, napairap ako. "Busy sa anniversary." bulong ko, ayokong ma-offend si Janeth unnie dahil sa pamamaraan ko ng pananalita tungkol sa boyfriend niyang hudas barabas teksas.

Nag ring yung cellphone ko kaya naman kinuha ko yon saka sinagot. "Hello?" sagot ko dahil wala sa contact ko yung number na 'to.

["Liesa! Si mama sinugod sa ospital!"] nanlaki ang mata ko nung marinig ko ang boses ng tita ko mula sa kabilang linya.

Tumingin muna ako kay Janeth unnie. Busy siyang nanonood kaya naman tumayo ako para pumunta sa ospital na sinasabi ng tita ko. Sinuot ko yung jacket na suot ko kanina sa school.

The Revolution of BlackvelvetWhere stories live. Discover now