Chapter 10: Whistle

27 4 0
                                    

"Kahit na ano."

"Wala ngang kahit na ano dito, Liesa." gusto na ni Rosé na sakalin si Liesa dahil sa inis.

Nasa korean restaurants kase sila at kanina pa niya tinatanong si Liesa kung ano ang gusto niyang kainin at iisa lang ang sagot niya, tinatawanan nalang sila ni Irene at Wendy.

"Isa pang sagot mo ng ganyan—"

"Kung ano nalang 'yung order mo, nagugutom na ako." bored na sabi niya saka pinaglaruan ang tinidor na nasa harap niya.

Nag hintay sila ng halos limang minuto bago ibigay ang order nila at samgy. Mahilig kase sa samgy si Rosè eh mahilig siya sa pag kain kaya siya ang nasunod kung ano ang makakain nila.

"Kapag katapos ng sem na 'to lilipat na ako sa bago kong bahay." lahat silang tatlo ay napatingin kay Liesa ng bigla siyang mag salita.

"May bago kang bahay?" tanong naman agad ni Irene.

"Kakasabi ko nga lang diba?" sarcastic na sabi ni Liesa pabalik.

"Bakit 'di namin 'to alam?" tanong ni Wendy habang ngumunguya.

"Balak ko sana sabihin sa inyo 'yon kaso tinamad akong mag salita nung araw na 'yon kaya di kona nasabi." pag papaliwanag ni Liesa habang nag luluto napairap naman ang tatlo.

"Bakit ka nga ba lilipat ayos naman yung bahay mo ah, malaki na 'yon." saad ni Rosè.

"May balak kase ako, basta saka ko nalang sasabihin 'yung plano ko kapag na tapos ko na yung sem." saad ni Liesa. "Kailangan muna nating tapusin 'yung trabaho natin ngayon." dagdag niya pa.

Kapag katapos nila kumain umuwi na sila dahil mag aalas gis na at may pasok pa sila bukas.

"Inaantok na ako." sabi ni Rosè habang inuunat ang kanyang sarili nung makapasok sila sa bahay ni Liesa.

"Matulog kana, wala na akong stacks mag go-grocery lang ako." saad ni Liesa, tumango nalang si Rosè bago umakyat inaantok na kase ito kahit na gusto niyang sumama kay Liesa. Ilang linggo na kase siyang di pumapasok baka hindi pa siya makapag graduate kapag tuluyan siyang di pumasok.

Pumasok si Liesa sa kotse niya saka ito pinaandar, napatingin siya sa cellphone niya ng makita niya itong nag riring.

Napangiwi siya ng makita niyang si Jonell ang tumatawag pero medyo natutuwa siya at the same time dahil kahit papano makakausap niya na ulit si Jonell.

["Oh?"] pag sagot neto bago paandarin ang kotse niya.

["Hindi ka pa natutulog?"] tanong neto.

["Obvious ba? Edi di ko to nasagot kung natutulog ako."] sarcastic na sabi niya.

["Gandang sagot."] sarcastic na sabi din ni Jonell sa kabilang linya. ["Good luck sa exam niyo next week, bye—"]

["Teka."] pag puputol ni Liesa.

Medyo nabigla si Jonell sa kabilang linya dahil sa pangalawang pag kakataon pinigilan siya ni Liesa.

["Miss mo na ako?"] natatawang tanong ni Jonell.

["Piling mo naman."] matigas na sabi ni Liesa. ["May tatanong lang ako."] dagdag niya pa.

["Ano?"] saad niya kahit na alam niya na ang itatanong ni Liesa.

["Bakit 'di ka na naman nag paalam sakin huh?"] aniya bago patayin ang kotse niya dahil nasa grocery store na siya.

["Importante eh—"]

["Ganyan din yung sinabi mo sakin noon eh, replay ba 'to Jonell? Anong kwenta ng pagiging mag kaibigan natin kung hindi ka man lang mag sasabi sakin."] medyo nabigla si Jonell sa mga sinabi ni Liesa, di niya alam kung paano niya ito sasagutin.

The Revolution of BlackvelvetWhere stories live. Discover now