Chapter 13: See You Later

32 6 0
                                    

ROSALINDA's POV

Lahat kame ay napalingon ng biglang mag bukas ang pinto at iniluwal nito si Hwan na mukhang alalang-alala. Agad naman akong lumapit dito.

"Pumunta ba siya sa inyo?" tanong ko agad dito na ikinailing niya naman kaya naman mas lalo ako naiyak.

Lumapit siya sakin para pakalmahin ako.

"Shhh.. tahan na... makikita natin siya, okay?" maamong sabi niya kaya naman tumango ako.

"Hindi ka namin kailangan dito." napalingon ako ng biglang mag salita si Jonell habang nakatingin kay Hwan at parang gusto niya itong suntukin sa inis.

"Hindi kayo ang pinunta ko dito." matigas na sabi din ni Hwan.

"Liesa is not your girlfriend—"

"Hindi karin naman niya boyfriend, wala kang karapatan para pag salitaan ako ng ganyan." inis na putol ni Hwan.

Akmang lalapit si Jonell kay Hwan bigla naman lumapit si Irene at mabilis na tinulak silang dalawa para mag kahiwalay ang mga ito.

"Nawawala na 'yung kaibigan ko nakukuha niyo pang mag away! Kung mga galit niyo sa isa't isa ang paiiralin niyo baka hindi na natin siya makita!" inis na sabi ni Irene habang tinitignan sila ng masama.

"Kung ireport na natin sa police?" saad ko na agad na ikinalingon ni Irene.

"No, wala pang 24 hours na nawawala si Liesa." sagot niya habang may iniisip.

Napatingin ako kay Hwan ng marinig kong may kausap ito sa telepono.

"Dito sa bagong bahay niya, itetext ko sa'yo ang address." saad nito at binaba na ang telepono at humarap samin.

"May alam akong makakatulong satin." sabi neto habang nakatingin samin.

Bigla akong nabigyan ng pag asang makita si Liesa, kapag nalaman kong may nangyaring masama talaga sa kanya hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Nag luto muna ako para makakain sila pero si Wendy lang ang kumain dahil hindi daw sila makakakain habang wala si Liesa kaya naman kami nalang dalawa ni Wendy ang kumain hanggang sa may biglang dumating na tatlong pogi.

Ang tatangkad ng mga ito at para silang mga detective.

"Sino mga 'yan?" pabulong kong tanong kay Wendy, lumingon naman ito at halos mabulunan siya nang makita niya ang mga ito.

"Jusko santamaria.. yan yung mga tauhan ni Liesa." mariin niyang bulong sakin na ikinagulat ko. "Si Vernon, si Felix at si Mark." pag papakilala nito hindi niya na tinapos ang kinakain niya agad siyang tumayo at nag hugas saka lumapit kila Hwan.

Napangiwi ako at tinignan ko ang pag kain ko, aishhh! Sorry foods may pogi eh later nalang.

Tumayo ako saka niligpit ang mga pagkain saka lumapit kila Hwan na nag kukumpulan.

Nakaharap sa kanila ang laptop nung Felix habang may pinanonood kaya naman nakinood din ako.

"Eto siya!" lahat kami napatingin sa tinuro ni Vernon.

Si Liesa ang tinuro niya, nag lalakad ito habang nakajacket at pajama. Napangiwi ako dahil ang cute niyang nag lalakad.

Pumasok ito sa isang store at agad na lumabas, may dala siyang isang plastic at hindi pa siya nakakalayo biglang may humintong van na itim sa harap niya walang naging reaksyon si Liesa nang biglang may bumaba mula sa van.

"Si Piggy ba 'yan!?" sabi ni Irene na ikinalingon ni Jonell.

"Who's Piggy?" tanong neto.

"Yung tabatchoy na nangiinis kay Liesa." sagot ko at binalik ang tingin sa laptop.

The Revolution of BlackvelvetWhere stories live. Discover now