Chapter 27: Kill This Love

35 3 0
                                    

NAKATINGIN lang sa malayo si Liesa habang humihigot ng kape. Wala pa itong tulog kahit na gustuhin man niyang matulog hindi niya magawa.

Laglag ang mukha nito at halatang puyat na puyat dahil sa mga mapupungay nitong mga mata dagdag pa ang mga labi nito na nanunuyo dahil sa lamig ng panahong at ang maputla niyang kulay.

Nasa convenience store siya na malapit sa skwelahan niya. Nang makaramdam ito nang antok pinatong nito ang ulo niya sa lamesa.

Hindi pa umaabot ng limang segundo naramdaman niya na may tumabi sa kanya kaya umangat ang ulo nito.

"Hi, Lali." agad na umayos ng upo si Liesa nang makita niya kung sino ang nasatabi niya.

She was shocked dahil hindi niya inaakala na may makakakilala sa kanya dahil sa suot nitong hoodie at balot na balot na ang katawan nito dahil sa lamig.

Sinubukan niyang ngumiti pabalik kay Helios. "O-Oh, h-hi." utal na bati niya pabalik. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya bago humigop ng kape."

"Malapit lang dito 'yung pinagtatrabahuhan ko."

Nag tatrabaho na pala siya? Hindi halata sa mukha niya dahil mukha itong anak ng mayor.

"Alam ko iniisip mo, hindi ako mayaman." natatawang sabi niya bago humigop rin ng kanyang kape at ibulsa ang kamay sa kanyang jacket. "Kailangan kong bumukod dahil sa nangyari sa pamilya namin, ayoko na kaseng umasa sa parents ko kaya eto nag tatrabaho ako."

Tanging pag tango nalang ang nagawa ni Liesa. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" napalingon ito sa kanya. "Mukhang hindi ka pa natutulog ah."

Iwas na tumawa si Lieaa. "M-May pupuntahan kase ako eh dumaan lang ako dito para makapag kape." pag sisinungaling niya.

"Ano na pala nangyari dun sa babaeng nakita mong patay?" gulat na napatingin si Liesa kay Helios ng itanong niya ito.

"A-Ah.." iniwas nito ang kanyang tingin at nag panggap na may tumatawag sa kanya. "Matt, kailangan ko nang umalis eh sige una na ako." tumayo na ito pero hindi pa ito nakakahakbang bigla siyang hinawakan ni Helios sa braso.

Lumingon ito. "Ayusin mo 'yung pag mamaneho mo ah," wika nito at inalis ang kanyang bonnet na suot niya at isinuot ito kay Liesa. "Umuulan sa labas baka mabasa ka," ngumiti ito at tsaka nag wave.

Kusang napangiti si Liesa at nag wave narin at lumabas ng convenience store.

She didn't expect that, Helios is a good friend. No more explanation, he's a good friend, very good friend.

PUMASOK ang isang lalaki sa isang madilim na silid kung saan nanggaling ang mga nakakakilabot na tawa.

Binuksan neto ang ilaw kaya naman tanaw niya ang dalawang babae na kanina pa nag tatawanan.

Natigilan ang isang babae at tumaas ang kilay animoy nag tataka sa pag dating nito. "What up baby brother?" bati nito.

Isang kunot na noo ang sinukli ng lalaki bago ito mag salita. "Hindi ba kayo titigil? Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?!"

Tumayo ang isang babae na may katangkaran at may malanyebeng balat. "You're just my brother! Mas matanda ako sa'yo kaya wala kang karapatan pag taasan ako ng boses!" wika nito. "Anong hindi titigil ang sinasabi mo dyan? Nag uumpisa palang kaming gumante sa kanya!"

Natawa ang lalaki. "Alam natin pareho dito na deserve ni Apollo ang nangyari sa kanya, don't be stupid, Ate, alam mo na mamamatay tao ang boyfriend mo kaya siya namatay!"

"Stop! How dare you!" pigil ng isang babae na may kaliitan. "Don't you dare talk about Apollo here, kasalanan ng babaeng 'yon kung bakit namatay ang kuya ko!"

The Revolution of BlackvelvetWhere stories live. Discover now