Chapter 54: Invitation

50 3 2
                                    

-Invitation-

Third person's POV

Natapos na ang klase nilang lahat kaya as usual kita kita nanaman sila sa cafeteria except kila Maddie, Zara, Haden, Ivan, Josh at Axel dahil may meeting silang mga student council.

Kaya pumunta muna sa locker sila Ash, Coleen, Ivy, Yum at Ki.

"Eh? Ano toh?" tanong ni Yum nang may makitang envelope sa locker.

"Guys! May envelope akong nakita dito sa locker." -Coleen.

"Sakin rin." -Ash

'You are invited to Mr. Axel Scott Carter and Ms. Audrey Lee's engagement party next month. We will be expecting you guys to come. Thank you.'

"What the heck?!" pasigaw na sambit ni Ash ng mabasa yung sulat.

"Totoo ba toh?" -Ki

"Puta kailangan nating kausapin si Axel." lahat sila sumang-ayon sa sinabi ni Ivy kaya mabilis silang umalis dun.

"Mabuti sigurong antayin muna nating makabalik sila Axel bago natin ipakita." aya ni Coleen na sinangayon nila.

"Tanginang Axel yan." mura ni Yum.

"Kalma muna tayo, di pa naman natin sigurado kung alam ba talaga ni Axel toh eh." tanggol ni Ivy.

"Pero kasi....putcha! Alam na kaya ni Zara toh?" tanong ni Yum pero lahat sila nanahimik lang.

"Hindi pa siguro, pero mas mabuti yatang huwag muna natin sabihin sakanya hangga't di pa natin nalalaman yung dahilan ni Axel." suhestyon ni Yum kaya lahat sila sumangayon nalang din.

"Asan na ba yung hayop na Audrey yan at ng makalbo ko na ng todo todo." gigil na sambit ni Ash.



Nang nakarating na sila sa cafeteria andun na yung boys.

"Oh bat ganyan mga mukha niyo?" bungad ni Tristan sakanila.

"Wala lang, di parin ba tapos sila Axel?" tanong ni Coleen para di sila mahalata.

"Di eh." kumain nalang sila at inantay na makabalik yung anim.

"Yow!" sigaw ni Axel bigla pagkarating nila pero yung girls nanatiling tahimik.

"Bat ang tahimik ng girls?" nagtatakang tanong ni Josh.

"Ewan, kanina pa sila eh."

"Anong klaseng drama yan mga teh?" sambit ni Zara na walang pumansin kaya umirap nalang siya at umupo na.

Mga ilang minuto nagpaalam na siya.

"Guys, una na ko ah? Pupunta pa ko sa boutique."

"Sige, ingat ka." paalam nila tas lumapit si Axel kay Zara upang halikan sa noo.

"Kanina pa talaga kayo tahimik, ano ba nangyayari?" taka na tanong ni Ivan.

Lahat ng girls sabay-sabay ipinakita yung invitation na natanggap nila kanina.

"Ano yan?" kinuha nila ito at binasa.

"T-Teka, totoo ba toh?" tanong ni Josh pero walang sumagot.

"Axel?" lahat sila napatingin kay Axel, nagaabang ng isasagot nito.

"Uy Axel, magsalita ka...totoo ba yan?" tanong rin ni Maddie.

"Bullshit." mura ni Axel sabay tumayo. "Kailangan ko ng umalis."

The Elite Students of Richwood AcademyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang