Chapter 32: Confused

58 3 0
                                    

-Confused-


Sage's POV

Sa tamang hinala kasama ko ngayon si Ash maglakad papunta sa klase. Eto daldal ng daldal tungkol sa nangyari kanina.

"Nakakainis talaga!! Kung ako siguro andun napatay ko na sila!"

"Para namang kaya mo."

"Malamang kaya ko noh!"

"Ay oo nga pala, mataba ka eh...kayang kaya mo silang tatlo." asar ko sakanya.

"Anong sabi mo?!"

"Matakaw ka kasi. Kaya walang nagkakagusto sayo eh." asar ko pa. "Aray!!" nagulat ako nung bigla niya ako sinipa.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! Fyi, wala akong pakealam kung ano man sabihin mo! Putangina ka!" sigaw niya sakin bago umalis. Habang ako hawak-hawak parin yung binti ko na sinipa niya. Masakit pero mukhang mas nasaktan ko siya.

Tiniis ko nalang habang papunta sa klase. Tumingin ako sa upuan niya at wala siya? Bat...


.....


Natapos ang klase ng di talaga siya pumasok, saan naman nagpupunta yun? Dumiretso ako sa locker para magbihis at andun na sila sa court.

"Tagal pre ah?" sabi ni Tristan na di ko pinansin. Tumingin ako kay Yum at nagtanong.

"Nakita niyo si Ash?"

"Uyy hinahanap ohh." asar nila sakin pero inaantay ko lang sagot ni Yum.

"Ewan ko, di naman kami nagkita....tsaka diba magkaklase kayo?"

"Ano kasi..."

"Ako! Nakita ko siya kanina, kaso mukhang galit na galit kasi nung kinausap ko bigla nalang ako nilagpasan eh." pageexplain ni Coleen. Shit.

"Ano ba nangyari?" -Ki

"W-Wala." umalis nalang ako dun bago sila magtanong pa ulit. Habang nagbabasketball di parin ako mapakali eh. Tangina naman!


Haden's POV

"Anong sinabi ni Hailey sayo?" tanong ko sakanya nung nakasalubong ko siya sa hallway.

"Hmm, hindi ba dapat ako ang magtatanong sayo?" I guess ako nga ang may kasalanan. "Explain."

~Flashback

"I like you.." mga salitang binalewala ko lang.

"And?"

"A-Anong and?" nauutal niyang sabi.

"That's it? Yun lang ba gusto mong sabihin?"

"W-Why are you acting like this? Hindi ka ba masaya?"

"Bakit?"

"Kasi umamin ako sayo!"

"Ano naman? Gusto ba kita?" nakikita kong may nagbabadyang luha sa mga mata niya.

"A-Ano ba? Bat ka ba ganyan ha?"

"Tss kung yan lang ang sasabihin mo pwede na ba ako umalis?"

"No! Sabihin mo nga sakin! Ayaw mo ba sakin ha??" di ko siya sinagot. "May gusto ka bang iba? Meron noh?? Sino?! Tell me!" umiiyak na siya but I still don't care.

"Sino?? Is it Maddie?!" at dun ako napatigil. "N-No...hindi totoo yan! Bakit?? I'm better than her!" hinayaan ko lang siya magsalita.

"Bakit ha?? Bakit siya pa?! Ni wala nga yun gusto sayo!" fuck this! "Bakit di nalang ako?! Mas maganda naman ako dun ha?!"

"Look Hailey....It's not about the looks, it's about the attitude. At yung sayo? I don't think I can handle. I'm sorry but I don't like you." huling sinabi ko bago ko siya iniwan dun. Wala akong pakealam kung maging masama ako, mas mabuti pang saktan ko siya sa katotohanan kesa sa kasinungalingan.

The Elite Students of Richwood AcademyWhere stories live. Discover now