Chapter 29: Awkward

84 4 1
                                    

-Awkward-


Maddie's POV

Putaaa! Ang sakit ng ulo koo!! Nagising akong katabi yung mga mokong, ayun mas nauna pa ko nagising sakanila. Hayss, teka asan ulit kami?

Isip...isip...isip...is-

Ayun! Birthday nga pala ni Josh kahapon, at dun din naging official sila Coleen. Edi sila na wahahaha.

Hmm, ano nga b-

OMGGG!! Shit!!! Umamin nga pala ako kay Haden kagabi putaaaaa!! Bakit ganitoooo. Ayoko na magpakita sakanya...syempre di ko kaya hehe. Pero nakakahiyaaaa, sana nakalimutan niya huhuhu.

Napatingin ako sa mga katabi ko. Putang mga taong toh wala pa ata balak gumising.

"HOY! MGA GAGO! GISING!!" sigaw ko sakanila, effective HAHAHA!

"Tangina mo Maddie kaaga-aga ang ingay mo!" iritang sabi sakin ni Ivy.

"Woah maaga? Magtatanghali na mga teh." sabay tingin nilang lahat sa orasan.

"Oo nga noh? Oh bat ang aga mo naman nagising? Partida ikaw pa may hangover." -Ki

"Ewan ko rin eh." kalmado kong sabi pero tarantang-taranta na ko!

"Oy Zara magluto ka na! Nagugutom na ko." -Ash

"Puta ka gutom na agad." -Zara

"Teka asan si Yum?" biglang tanong ni Ki.

"Oo nga noh? Baka nauna na sa baba?" -Coleen

"Aga naman nagising nun? Ni hindi nga yun sumabay satin kagabi sa paginom." -ako

"Malay mo sumunod rin, tara na." aya ni Zara. Naghilamos muna kami bago sabay sabay bumaba. Okay mukhang pati boys tulog pa.

"Wala naman si Yum, imposible namang umuwi agad yun." -Ash

"Tulungan niyo nalang si Zara, hanapin ko lang si Yum. Baka naligaw lang sa mga kwarto." sabi ko.

"Naku mabuti pa nga." umakyat ulit ako sa taas at naghanap-hanap sa mga kwarto.

Hayss wala naman eh. Ay weyt may isa pa kong di nabubuksan.

Binuksan ko yung guestroom at nagulat ako sa nakita ko.

Omaygad! Sila Yum at Ivan! Don't tell me....

Tulala ako sakanila, di ko inasahan na nasagi ko yung vase kaya nabasag. Dahilan ng pagkagising nung dalawa.

"Hoyy!! Ano nangyayari diyan?!" rinig kong sigaw nila Ash sa baba.

"A-Ano...wala! May nahulog lang! Ako na bahala!" sigaw ko pabalik.

Napatingin silang dalawa sakin ng nanlalaki yung mata. Tas sabay tingin nila sa isa't-isa.

"What the fuck!!" sabay nilang sigaw at nag-agawan ng kumot.

"Akin na toh!" -Yum

"Hoy sharing is caring! Wag kang madamot!" mga ilang saglit nagkasunduan rin sila sa kumot. Yun pa talaga inintindi nila noh? Magaling.

"Yum..andito ka pala, ano, nasa baba na lahat...sunod nalang kayo." kalmado kong sinabi.

"M-Maddie..." nauutal rin na tawag sakin ni Yum.

"Ano, sige na! Una na ko sa baba, mamaya ko na lilinisin tong nabasag." tsaka na ko lumabas dun, ang awkward amp. Pero bakit? Alam kong landian lang ginagawa nila pero bat parang over the top naman ata? Hayss ewan ko ba.

Pagkarating ko sa baba ayun girls parin andun.

"Oh di parin gising yung iba?" bungad ko sakanila, di ko pinapahalata kung ano man nakita ko kanina.

The Elite Students of Richwood AcademyWhere stories live. Discover now