Chapter 2: Annoying

570 15 0
                                    

-Annoying-


"Hi Zara" -????

"Uy andiyan na si Axel yung boyfriend mo oh." asar ni Yum. Pag yan nahighblood....ewan ko nalang.

"Ang kapal naman ng mukha mo." sabi ni Zara at nanaray.

"AYIIIIIE!" asar naming lahat.

"Wala na ba kayong magawa sa buhay kundi mangasar?!" inis na sabi ni Zara at nagwalkout. Ay grabe siya, galit agad?

"Wait lang susundan ko." sabi ni Axel at sinundan si Zara. Mala-kdrama ang peg ni Zara ngayon.

"Ano ba yan ang pabebe...ganda ka? Ganda ka?" pabirong sabi ni Yum at tinawanan nalang namin.


Zara's POV

Sa sobrang inis ko tumayo na ko sa upuan at umalis sa cafeteria.

'Nakakabwiset naman, humanda ka talaga sakin mamaya Yum' sabay ngisi ko.

Sa sobrang daming tumatakbo sa isip ko di ko na namalayan na nasa garden na ko.

"Huy duwende." rinig kong tawag sa likod. Lumingon ako at nagsalita.

"Ang lakas naman ng loob mong pagsabihan ako ng ganyan." at tinaasan ko siya ng isang kilay, hmp!

"Ang sungit naman neto." sabi ni Axel.

"Pake mo ba?"

"Luh may regla ka?" biglang tanong ni Axel kaya bigla uminit ung pisngi ko. Nakakahiya siya magsalita taena.

"Bahala ka nga diyan."


Maddie's POV

Nakita naming pabalik na si Zara sa table namin. Bakas na bakas sa kanyang mukha ang inis. Tapos bigla siyang tinanong ni Ivy na naging dahilan ng kanyang lalong paginis. Yung totoo? Balak ata badtripin si Zara buong araw.

"Oh anyare sayo?"

"Nako teh wag mo na akong kausapin, nabwibwiset ako." at umirap siya. Sabi na eh.

Hindi na namin pinagusapan ang nangyari kay Zara, baka mabwiset rin samin eh, mahirap na.

"So anong club sasalihan niyo?" pagbasag ko ng katahimikan.

"Ako sa art at archery club." sabi ni Zara

"Music at sports club ako!" taas kamay na sabi ni Yum.

"Ako rin music at sports!" sabi ni Ash at nakipagapir kay Yum.

"Sama na rin ako sainyo." -Coleen

"Sa swimming at cheering club ako." -Ivy

"Basta ako chess club at cheerleading." -Ki

"Yess cheerleading rin ako eh tas dance club." masaya kong sabi.

Nang matapos ang kwentuhan namin bumalik na kami sa kaniya-kaniyang klase. Masyado na kasi kaming masaya sa pagtambay sa canteen eh wahahhaha!



Maka-lipas ng ilang oras ng klase ay nagkita-kita kami sa field. Lupet diba, sa field pa talaga. Sosyalin kasi kami.

Nung kumpleto na kaming lahat bumalik na kami sa dorm para ayusin ang mga gamit namin. Kanina pa pinadala dito mga gamit eh, tamad lang talaga kami ayusin kanina.


~Kinabukasan



Zara's POV

Maaga akong gumising para magluto ng breakfast para saming lahat (nanay na nanay talaga eh). Nagluto ako ng hotdog, sunny side up egg, longganisa at pancake. Maya't maya ay isa-isa na silang bumaba.

"Ang bangooo!" sabi ni Ash pagkababa, sumunod sila Yum at Ki.

"Yum! Gawa ka nga orange juice." utos ko kay Yum.

"Wooow! Ano ako utusan?" pabirong tanong ni Yum.

"Aba matinde ako na nga nagluto ako pa magtitimpla." mataray kong sabi. Inirapan nalang ako ni Yum at dumiretso na sa kusina. Taray rin ng babaeng to' susunod rin naman pala, dami pa sinabi. Nakita kong pababa na si Coleen kaya....

"Coleen, gisingin mo nga sila Maddie at Ivy." utos ko. Kawawa nautusan agad.

"Ano ba yan pababa na ko eh tas uutusan niyo nanaman ako." reklamo ni Coleen at umakyat na. Kapal nito anong nanaman? Eh ngayon ko pa nga lang to' inutusan ah.


Maddie's POV

Mahimbing akong natutulog ng bigla kong naramdaman na may nagaalog sakin. Di ko alam kung panaginip ba to' o may nang-aalog talaga. Nakakatamad kasi idilat yung mata ko eh ano ba yan.

"Hoy gising na kayo! Kaaga-aga eh ng dahil sainyo nautusan pa ko, tas--" di ko na pinakinggan yung kaekekan niya. Gising na rin si Ivy kaya dahan-dahan kaming naglakad at iniwan si Coleen dun na dumadaldal parin. Tignan mo, bunganga agad bumungad samin.

Nang nakababa na kami nagsimula na kaming kumain.

Pagkatapos namin kumain, nagligpit at nagayos na kami at umalis na.



~Timeskip


Naglalakad na kami papuntang classroom namin.

"Hay nako di talaga ako makagetover na naging utusan ako umagang-umaga." reklamo parin ni Coleen hanggang ngayon. Yung totoo, di makamove-on teh? Sabagay, ang hirap nga naman magmove-on.

"Ay jusko teh hanggang ngayon ba naman?" sabi ko.

"Eh kasi naman." -Coleen

"Eh kasi ano?"

"Wala lang." ngiti ni Coleen at natawa kaming lahat. Habang tumatawa di ko namalayan na may nabangga na pala ako.

"Aray! Sor--" naputol ang sasabihin ko ng makita kung sino ang nakabangga ko.

"Uh Haden, sorry." mahina kong sabi.

"Tss." at dinaanan lang ako. Cold mong punyeta ka.

'Shit nakakahiya un ah, pero pota ang sungit' bulong ko sa sarili ko.

"Ayiiie ikaw ahh." -Ash

"Luh? Ano nanaman."

"Ikaw ah? Pagkatapos ni Zara ikaw naman lumalandi ngayon." biro ni Ki, landi ba yun eh paka-sungit ng lalaking yun.

"Oy grabe ah anong landi don." reklamo ko.

"Sus kunwari pa." sabi ni Ivy kaya sinamaan ko ng tingin. Pag ako talaga nakahanap ng pang-asar sainyo, sige.

"Tara na nga sa room, ang iingay niyo." masungit na sabi ni Zara.

'Grabe araw-araw ba toh may regla o sadyang buntis lang talaga?' isip-isip ko. Kasi naman, halos araw-araw laging badmood yan, magugulat nalang tayo kung sino-sino na inaaway niyan.

"Ay iba-iba nga pala tayo schedule." sabi ko.

"Sino magkaklase sa first subject?" tanong ni Ivy.

"Kaklase ko si Ki at Ash." -Yum

"Yun oh!" -Ash

"Lol goodluck sayo Yum, kaklase mo pa naman bebe Ivan mo, ayiiie!" asar ko.

"Tangina mo." sabay pakyu ni Yum sakin. Tangina na nga, pakyu pa. Double kill na ba dis.

"Ay grabe siya oh...sige babye na, kita kita nalang ulit mamaya, tara na Ivy." sabay hila ko kay Ivy papunta sa classroom namin.


Yum's POV

Pagdating namin sa classroom.

"Siraulo talaga yung babaeng yon."

"HAHAHAHA bebe mo na pala si Ivan ahh?" asar ni Ash sakin. Isa pa tong babaitang toh.

"Nakoo Yum...ano susunod ka narin kila Zara at Maddie na nagninilandi na rin?" biro ni Ki. Putek na yan.

"Hoy! Di ko naman nilandi at never kong lalandiin yung hinayupak na Ivan na yun noh! Eww."

"Grabe ka naman sakin." -????

The Elite Students of Richwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon